BREAKING BOUNDARIES (a BaRa s...

By sultry_leo

68.4K 1K 93

Hi guys. Nagbabalik na po ako uli. Sana you can once again spare time and read my second story BREAKING BOUN... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE: BUMPING INTO EACH OTHER AGAIN
CHAPTER TWO: THE ANIMOSITY
CHAPTER THREE: THE SWEET BEGINNING
CHAPTER FOUR: UNCERTAINTIES
CHAPTER FIVE: THE ANNOUNCEMENT
CHAPTER SIX: the Reconciliation
CHAPTER SEVEN: LIKING THAT SIDE OF YOU
CHAPTER EIGHT: SILENT WISHES
CHAPTER NINE: AMBIGUITY
CHAPTER TEN: STILLNESS OF TIME
CHAPTER 11: BONDING
CHAPTER 12: "I Love You Goodbye"
CHAPTER 13: FATED
CHAPTER 14: OFFICEMATES
CHAPTER 15: SPONTANEOUS
CHAPTER 16: TO FRIENDSHIP
CHAPTER 17: CROSSING
CHAPTER 18: UNTIL WE FALL IN LOVE AGAIN ...
CHAPTER 19: THE SHIPPER
CHAPTER 20: REINTRODUCTION
CHAPTER 21: TGIF
CHAPTER 22: WHEN GLUTTONY HITS!
CHAPTER 23: SLEEPOVER
CHAPTER 24: SWEET MONDAY
CHAPTER 25: KEEPING THE BOUNDARIES
CHAPTER 26: MISTAKEN UNIT
CHAPTER 27: ONE STEP CLOSER
CHAPTER 28: TOWING THE LINE
CHAPTER 29: BREAKING BOUNDARIES
CHAPTER 30: REALIZATIONS
CHAPTER 31 ON THE BRINK OF LOSING
CHAPTER 32: BRIGHTER DAYS AHEAD
CHAPTER 33: WHILE GRIEVING
CHAPTER 34: START OF A NEW JOURNEY
CHAPTER 36: THE FIRST DATE
CHAPTER 37: RELISHING LOVE AND FRIENDSHIP
CHAPTER 38 THE MORNING AFTER
CHAPTER 39: PROUDLY IN LOVE
CHAPTER 40: THE PUNISHMENT
CHAPTER 41: WILL TODAY BE THE END?
CHAPTER 42: WHEN HEARTS AND BODIES FUSE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 35: RETURN AND ADMISSION

1.5K 21 3
By sultry_leo

Hey! Sleepy head wake up! Masuyong sabi ni Bang habang tinatapik-tapik ng isang daliri ang dulo ng ilong ni Vic at nakayakap ng patigilid sa kasintahan.

Hmm ... few more minutes please, sweetheart? Sagot ni Vic.

Napangiti si Bang sa sagot ng mahal ... Okay sige. Sleep all you want pero uuwi muna ako ha. Papasok pa ako, ikaw ba? sabi ni Bang na inalis na pagkaka-yakap kay Vic at tatayo na sana ng biglang bumangon ang huli at niyakap siya mula sa likod at idinikit ang mukha dito.

Sabi ko few more minutes na yakap mo pa muna ako e, paglalambing ni Vic.

Humarap si Bang dito ... Kasi po may pasok pa today. We have all the time together naman na gawin ang cuddling e, kaya lang baka naman ma-late ako sa office. Mukhang hindi ka pa ready na pumasok e, kaya sleep ka na muna dito, malambing na sabi ni Bang.

Sige na nga sunod ako sa iyo sa baba ha? Shower lang ako pero coffee tayo ha tapos hatid na lang kita sa office. Magpapakita na rin lang din ako para personal na dalin 'yun pasalubong ko sa bullies at pirmahan ang leave form ko, pero sa Lunes na ako officially papasok, sabi ni Vic.

Okay po sige, antayin kita sa baba. Wag na magtagal ha para makapag-kape pa tayo. Gusto mo bang mag-breakfast? tanong ni Bang.

Opo quick shower lang ako tapos baba din ako agad. Kahit kape na lang ako na lang mag-prepare ng puwede nating kainin sa bahay mo pagbaba ko, sagot ni Vic na hinatid na ang girlfriend sa pinto ng bahay niya.

Pagbalik ni Vic sa loob ay mabilis na nga itong naligo at nag-tokong short lang na black, polo shirt na checkered, spray ng pabango at vans shoes saka nagmadaling bumaba sa unit ni Bang.

Tok! Tok! Tok!

Hi Hon. Bilis ah! sabi ni Bang at inilagay ang kamay sa bawang ni Vic.

Of course I don't want to keep my sweetheart waiting sabi ni Vic at humalik sa noo ni Bang.

Tara coffee sabi naman ng dalaga at isinara na ang pinto ng unit niya.

Gusto mong mag-breakfast? tanong ni Vic matapos na mag-sip ng kape.

Okay lang, sagot ni Bang.

Sige ligo ka muna po at ako ng magpe-prepare ng almusal natin, masuyong sabi ni Vic.

Okay sabi ni Bang at saka naglakad na papunta ng kuwarto niya. Papasok na sana ito ng tawagin siya ni Vic.

Sweetheart? Sabi ni Vic.

Po, sabi ni Bang at saka tumingin.

Good morning! I love you! sabi ni Vic na nakangiti at naka-abre siyete na nakasandal sa upuan.

Napangiti si Bang sa narinig at saka nag-nod na parang tinatawag si Vic na sinabayan pa ng paglahad ng dalawang kamay niya.

Agad na tumayo si Vic at lumapit sa girlfriend at niyakap ito ng mahigpit. Ganun din naman ang ginawa ni Bang.

Masyadong malambing ha! Baka masanay ako masyado hindi ko kayanin kapag biglang nawala, pabirong sabi ni Bang na nasa bawang ni Vic ang mga kamay.

Bakit naman mawawala e, mahal na mahal nga kita. Nag-uumpisa pa lang tayo, first day pa lang mawala na agad ang iniisip mo? Ouch naman sweetheart! sabi ni Vic.

Sus! Saka inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ni Vic at hinila ito palapit sa kanya ... smack! Guwapo mo kainis! saka ngumiti at kunyaring itinulak na ito palayo sa kanya.

Sige na po magprepare ka na ng breakfast natin para makakain muna tayo bago pumunta ng opisina, sabi ni Bang at pumasok na ng kuwarto niya.

Masaya naman si Vic na sumunod sa sinabi ng girlfriend. Nagtingin ito ng pagkain sa ref nakita niya ang bacon, eggs, at hotdog. Kumuha ng isang supot na bacon, tatlong fresh eggs at ilang pirasong hotdog na isasama niya sa gagawing omelette.

Nakita ni Vic ang apron ni Bang kaya isinuot niya muna ito para hindi marumihan ang suot na damit.

Mabilis na nagluto si Vic, una ang fried bacon sa teflon pan ni Bang habang sa isang kawali ay sinasangag ang tirang kanin kagabi. Binudburan niya ito ng thyme herbs para mabango at black pepper.

Pagtapos ng bacon ay ang omelette naman ang isinunod ni Vic saka naglagay ng dalawang plato sa mesa at hinango na ang sinangag sa kawali para hindi ito ma-overcook at tumigas bago isinunod sa mesa ang ulam. Naglagay ng dalawang baso para sa tubig.

Naninigarilyo at nagkakape na si Vic sa terrace ni Bang ng lumabas ang girlfriend niya at yumakap ng patagilid.

Aga ng yosi ha at ang lalim naman yata ng iniisip natin ha? malambing na sabi ni Bang.

Hindi naman nagpapalipas oras lang habang iniintay kita, sagot ni Vic.

Okay. Basta hon, kapag may problema o may gumugulo sa isip mo dapat open ang communication sa atin ha? walang mahihiya, walang sikreto sana please? sabi ni Bang.

Pangako po iyan. Hindi ako maglilihim sa iyo kahit pa sa bagay na maaring makasakit sa iyo, ganyan kita kamahal, sabi ni Vic saka hinalikan sa ulo ang kasintahan.

Kain na tayo? tanong ni Bang.

Opo tara, sagot ni Vic na hinawakan sa kamay si Bang ... holding hands saka sabay na naglakad papunta sa dining table.

Ipinag-urong ng silya ni Vic si Bang bago siya umupo.

Si Bang ipinagsandok naman ng pagkain ang katipan at dahil magkatabi lang sila ng upuan ay sinubuan muna ni Vic ang girlfriend bago siya kumain ng tuluyan.

Masaya lang sila kahit na tahimik na kumakain.

-------

Nagpa-park pa lang ng kotse si Vic ay may nakakita na sa kanila ni Bang na magkasama sa loob ng kotse dahil hindi naman tinted ang salamin ng kanyang auto.

Kaya naman sa loob ng opisina ng creative department ay nagkaka-gulo na ang magkaka-opisina at dahil one way mirror ang dating ng kanilang salamin na dingding sa kuwarto ay kita ang dalawa na magkahawak kamay na papasok ng opisina.

May tumayo malapit sa pinto at may hawak na akala mo ay confetti, ang bullies naghanda na rin ng kanta na pang-kantyaw sa dalawa.

Kaya pagbukas ng pintuan ng dalawa at pagpasok ay may nagsaboy agad ng confetti sa dalawa at sabay sabay na sigaw ng mga kasama sa opisina .... "MABUHAY ANG LOVERS" na mabilis na sinundan ng tugtog sa cellphone ng kung sino man na On This Day ni David Pomeranz na sinabayan din ng pagkanta ng bullies.

"Here we stand today
Like we always dreamed
Starting out our life together
The light is in your eyes
Love is in our hearts
I can't believe you're really mine forever

Been rehearsing for this moment all my life
So don't act surprised
If the feeling starts to carry me away

On this day
I promise forever
On this day
I surrender my heart
Here I stand take my hand
And I will honor every word that I say
On this day ......."

Pero dahil kinikilig na ang lahat at nagkaka-gulo na ay hindi natapos ang kanta pero sige naman ang hiyawan ng mga ito.

Natawan lang sila Bang at Vic.

Ha ha ha! Katuwa talaga ang fandom dito sa creatives, sabi ni Vic.

Okay sige guys para dagdag kilig sa morning nating lahat, sabi ni Bang bago tumingin kay Vic at nag-nod ... itinaas niya ang kamay nila ni Vic na magka-holding hands pa rin at saka sinabing .... "We are official."

Dahil dito lalong nagka-gulo at nag-ingay sa loob ng opisina nila.

Woooh!

Palakpakan!

Sigawan!

Long live BARAAAA! sigaw ng mga bullies.

Kaya naman nilapitan na ng dalawa ang mga ito para patigilin dahil kita mula sa loob na napapalingon sa gawi nila ang mga taong naglalakad.

Wafs! Daks, Cienne! Tama na baka mapagalitan tayong lahat dito kapag sumugod bigla ang HR, sita ni Vic.

Ha ha ha! Wafs I'm so happy for you and Bang, sabi ni Kim.

Si Mika naman agad na lumapit kay Bang at yumakap dito, Oist! Girl ingatan mo siya please ha? Kahit naman anong mangyari mahal at mahal ko iyang si Vic hindi man romantic love pero as a friend masasaktan ako kapag nasaktan siya, sabi nito.

Promise Mika, mamahalin ko lang siya for us, pabirong sabi ni Bang.

Good mare! Sabi ni Mika saka muling niyakap si Bang.

Group hug! Sigaw ng isang kaopisina kaya naman bumuo ang mga ito ng isang malaking bilog na nasa gitna sina Bang at Mika saka nag-group hug.

Nasa ganito silang akto ng madatnan ng general manager.

Ah guys! what's happening here? Tanong ni Mr. Davila.

Ah wala sir, nagkakasiyahan lang po kami kasi nakauwi na uli si Vic, sabi ni Aby.

Oh hi Vic. I heard about your uncle, condolence, sabi nito ng diretso.

Thank you sir, tipid na sagot ni Vic na bahagyang nagpawala ng good mood niya.

I guess you can all go back to work now, seryosong sabi nito.

Bye the way Ms. Pineda and Ms. Marano we will have a meeting at 11 at the big room so please be there, sabi nito na pinagpalit pa muna ang tingin sa dalawa, as if asking for their response.

Yes sir, we will be there, sabi ni Bang.

Good, sabi nito saka umalis.

Pre, bakit parang antipatiko sa iyo iyang si Mr. Davila? Tanong ni Kim.

Yaan mo siya, sabi ni Vic at saka naglakad papunta sa table niya at iniisa-isang bigay ang pasalubong na chocolate by group para hindi uli magkagulo.

Pagkatapos na ibigay ang mga pasalubong sa mga officemates niya ay nilapitan nito si Bang.

Sweetheart I'll drop by at the admin office then I'll go home na muna ha? sabi ni Vic.

Be safe ha and eat lunch okay? sabi ni Bang.

Yes mam. Text me later ha para I'll pick you up when you're done, sabi ni Vic.

Opo, sabi ni Bang.

Bye, sabi ni Vic saka nagbeso na sa girlfriend niya.

Oist Vic sabi ni Kim ng matapat ito sa table ni Kimmy.

Bro! Happy for you ha! Finally the long awaited love affair, masayang sabi ni Kim.

Ha ha ha! Thanks bro! Sinuwerte lang, sabi ni Vic.

Oy! labas naman tayo minsan celebrate, you know! sabi muli ni Kim.

Sige ba maganda iyan para naman maaga kaming makagawa ng maraming memories at makahabol sa Fatunay! Biro ni Vic.

Ha ha ha! Loko ka din e. Sige ba kausapin ko na itong mga bullies mamaya, tignan mo kung okay kay Bang iyong parating na long weekend ha o kaya sa Christmas break, mungkahi nito.

Tanungin ko siya mamaya kung okay sa kanya tapos update kita bro, sagot ni Vic saka na nagpaalam kay Kim.

Vic! dinadaanan mo na lang ako ha! palibhasa may Bang ka na! sita ni Mika.

Sus! Ito naman sabi ni Vic saka humalik sa pisngi ni Mika at yumakap. Huwag ka nga diyan, akala ko lang busy ka na e.

Isnabera ka lang! Biro ni Mika, pero sa totoo lang Vic, I am really happy for the two of you. Make it work ha, para forevs na iyan, masayang sabi nito.

Oo naman siyempre, masayang sabi ni Vic.

Saka kinuha ang kamay ni Mika ... parang holding hands ... thank you for being happy for me ha, Daks. I'm sure one day darating din iyong tamang tao sa iyo. Pangako mo walang magbabago ha, may girlfriend man ako o wala, bestfriends pa rin tayo ha, sabi ni Vic.

Of course naman Vic. At kapag sinaktan at pina-iyak ni Bangnita magsabi ka agad ha? sabi pa nito.

Ha ha ha! Bakit Daks kapag ba iniwan ako ni Bang, if ever na magka-problema kami, sasaluhin mo na ako? biro ni Vic.

Hoy landi mo rin no! Sumbong kita kay Bang diyan. Pero sige I'll think about it Daks. Kapag ako pumalo ng 30 at wala pa ding boyfriend o asawa, at ikaw ay single tayo siguro talaga para sa isa't-isa pabirong sagot naman ni Mika.

Hu hu hu! Ang KaRa ship ko waley na talaga! Sabi ni Cienne na nakiki-kulit na sa dalawa.

Ikaw talaga Cienne kulit pa rin talaga, masayang sabi ni Vic.

Eh kasi naman nagpaubaya na nga ako sa inyo ni Mika tapos ang ending iba pa rin, hu hu hu! Sabi ni Cienne.

Uy Cienney isyu ha! sagot ni Vic.

Hoy Cienne totoo pala iyon? Akala ko biruan niyo lang ni kambal dati iyon? tanong ni Aby.

Tumango lang si Cienne.

Hala ka Cienne! Na-inlove ka rin pala kay Vic? paglilinaw ni Mika.

Ha ha ha! dati iyon ito kasing poging ito e, masyadong pa-fall sobrang sweet pa, iyan tuloy iyong young heart ko siya ang first heartbroken, sabi ni Cienne.

Uy Cienne hindi ko naman alam iyon sabi ni Vic. Sorry kung unintentionally nasaktan kita dati.

Grabe ka Cienne! Nanliligaw ako sa 'yo nun kaya naman pala hindi mo ako masagot-sagot kasi itong si Vic ang nagpapatibok ng puso mo, langya ka Vic dami mo namang babae! Sabi ni Kim.

Samantalang si Bang masayang nakikinig at nanonood sa biglaang open forum ng bullies.

Oy Immy hindi naman ako nagbigay ng false hopes sa iyo dati ha. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil hindi kita sinagot, tignan mo strong niyo pa rin ni Mela, sabi ni Cienne.

Sabagay may point ka diyan, pag-ayon ni kim.

Oh since nandito naman na tayong lahat, may paparating na long weekend o kaya naman ay sa Christmas break baka pede kahit ilang araw magsama-sama tayo uling bullies plus Bang, sabi ni Kim.

Sige mag-co-confirm kami sa iyo Immy bago ang last day of work natin para naman klaro kung tuloy or what, sabi ni Mika.

Oh paano go na ako ha, dadaan pa ako sa admin para dun sa leave ko, pamamaalan ni Vic.

Okay sige ingat, sabi ng bullies.

Ilang sandali pa ay nasa admin office na si Vic at pinipirmahan ang leave form niya kabilang na ang extension ng leave this week.

Kalalabas lang ni Vic ng opisina ng administration nila ng muli na namang magtagpo ang landas nila ng general manager.

Oh Ms. Galang aren't you reporting for work yet? Tanong ni Mr. Davila.

Not yet sir, on Monday I will be back in full, sagot ni Vic.

I noticed you and Ms. Pineda get along well, sabi ng GM makahulugang sabi ng kaharap ni Vic.

Is there a problem with that sir? tanong ni Vic.

None actually. But I just want to be fair and square. I really like Bang and I hope I am making myself clear, sabi ni Mr. Davila.

Well, good luck to you sir, nakangiting sabi ni Vic pero sa isip nito "Bugok! Huli ka na kasi girlfriend ko na ang pinapangarap mong babae."

Sige sir, I better be going, paalam ni Vic.

Tumango lang ang lalaki at saka naglakad na rin.

-----------

Sa bahay pagkauwi ni Vic ay nag-ayos lang ito ng ilang gamit. Hindi naman kailangang maglinis kasi regular naman na si Ate Miling ang naglilinis ng bahay niya.

Naisipan ni Vic na magpa-reserve na lang sa Spiral sa Sofitel Hotel para sa plano niyang dinner date nila ni Bang, siyempre gusto niya the best kasi first date nila ito as a couple.

Nag-overseas call din muli si Vic sa kanyang pinsan na si Anna para i-share dito ang magandang balita sa kanyang personal na buhay, and as expected supportive sa kanya ang pinsan na parang kapatid na rin ang turing niya.

----------

Samantala sa opisina muli ng Thrempton bandang ika-apat ng hapon ay nakatanggap si Bang ng bouquet ng magaganda at mamahaling bulaklak na ikinagulat ng lahat pero inakalang galing lang ito kay Vic.

Whoa! Bang grabe naman si wafs kung makapagpa-sweet sa iyo ha, sabi ni Kim sabay hablot ng card na nakadikit sa flower arrangement na si Cienne ang may hawak.

Kinutuban si Bang, imposibleng kay Vic ito galing dahil magkikita naman sila mamaya, in fact susunduin siya nito pag-uwi niya mamaya.

Hala! Bang! Mukhang may kumpetensiya si wafs ha, sabi ni Kim.

Nakatingin lang si Bang dito na nagtataka kung kanino maaring manggaling ang bulaklak.

Si Cienne at Mika mabilis na sinilip ang hawak na card ni Kim kung saan may nakalagay na ...

"Lovely flowers for a lovely lady like you.

Hope this helps brighten your day!" – Summer.

{ rj'X

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
114K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...