Two Hearts become One(Sequel...

Galing kay Cute2ng

275K 6K 188

Life is not easy.. yan ang natutunan ni Gabrielle sa pagpapanggap niya bilang asawa ni Cray.. Everything is n... Higit pa

Two Hearts become One(a sequel story of IHPW)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2.
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28:
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Epilogue.
The Real Finale.

Chapter 35.

5.5K 142 6
Galing kay Cute2ng

Chapter 35.




Gabrielle POV




Weeks had passed and everything is fine between me and Cray. Isang linggo na din kami dito sa La Union. Wala pa kaming balak umuwi sa totoo lang. It's fine with our parents naman. Ang sabi nga nila ay pwede kaming magtagal dito hanggang sa kabuwanan ko. So one month pa bago kami bumalik ng manila.




Okay lang din naman kay Cray dahil mas gumiginhawa ako dito. Fresh air in the morning helps me to breathe normally. May mga time kasi na nahihirapan akong huminga pagkagising ko. Pero hindi na ngayon. Pakiramdam ko nga ay mas masigla at malakas ako ngayon. Kaya siguro ayaw din umuwi ni Cray ay dahil nakikita niyang bumubuti ang pakiramdam ko dito.



When i woke up every morning, lagi kong nabubungaran ang mukha ni Cray. Nakatingin ito sa akin at para bang pinapanuod nito ang pagtulog ko. He's always like that. At kapag nakita na niyang gising na ako, ngingiti siya sa akin. Na para bang sinasabi niyang isa na namang panibagong araw ang dadaan para sa aming dalawa.




Everytime he smiles at me, i felt a warm in my heart. Sa kabila ng pagkakaalam kong sa likod ng kanyang mga ngiti ay mayroon duong lungkot at takot. Takot na baka mawala na lang ako bigla. At lungkot na baka danasin niya pag ako nawala.




Gusto kong maging malakas. Gusto kong ipakita iyon sa kanya. Para kahit papano, mawala ang pag aaalala niya. That man is strong outside but he is totally weak inside.




Gusto kong pawiin ang kanyang takot at lungkot at sabihing its going to be fine. Pero kahit ako ay hindi sigurado kung magiging okay nga ba sa huli.




"Your always watching me sleep." Sabi ko habang kinukusot ang aking mga mata. Tinulungan ako nitong bumangon at umupo sa kama.





"Gusto ko kasing ako ang una mong masisilayan pag minulat mo ang mga mata mo.." sabay ngiti.




Ngumiti ako. I saw sadness in his smile. I saw pain in his eyes. Tinitigan ko siya sa mata.




"Yun ba talaga ang dahilan?" Ngumiti ako."O tinitignan mo kung imumulat ko pa ba ang mga mata ko?" Tanong ko.




In one second, his smiles fade. Alam ko, everytime na ganun siya, lagi kong nakikita na may lungkot sa kanyang mga mata. Nakikita ko iyon sa kanya. Akala ko, he's strong enough to fight a battle with no fear. Pero mali ako, sa likod ng lakas na iyon ay mayroon din kahinaan. Na sa likod ng ipinapakitang saya nito ay nanduon ang lungkot. Nakatago! Tsaka lang magpapakita pag hindi na kaya.




"You don't need to be strong for me all the time.." Huminga ako ng malalim. Naninikip ang dibdib ko. Hindi namin napag uusapan ito. We dont want to spoil the moment. Okay na yung masaya kaming dalawa ngayon. Hindi namin iniisip ang mangyayari sa hinaharap.




"Pwede mo namang ipakitang mahina ka kahit minsan lang.." Nagbuga ako ng hangin. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.




"Gusto kong maging malakas para sayo.." Sagot nito.




Umiling ako."Pero hindi mo kailangang magpanggap!" tumaas ang boses ko.




Tinitigan ko siya. Nakaupo ito sa kabilang side ng kama.



"What do you want me to do then?" Kita ko ang hinanakit niya. "Ayokong ipakitang mahina ako dahil alam kong mas lalo kang manghihina."




Hindi ako nakapagsalita. Ramdam kong uminit ang gilid ng aking mga mata.



"I am your husband. Obligasyon kong maging malakas kapag mahina ka!" He seem frustrated."Mas gugustuhin kong magpanggap na malakas kesa sa ipakitang mahina ako, Gabbie. Laging kong iniisip na magiging okay lang ang lahat. Na kahit mahina ka, andito ako lumalaban para sayo."





Bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Naramdaman ko ang pagtayo nito sa kama.





"I don't want to lose you." He's voice broke."Kaya kahit mahina ako, hinding hindi ko yun ipapakita sayo because i know, sa akin ka rin kumukuha ng lakas para lumaban.."I heard his footstep and the door closed.


Humikbi ako.




Alam kong mali ang mga sinabi ko. Pero nahihirapan din akong kada titignan ko siya, lagi kong nakikita ang mga dala dala niya ng dahil sa akin. I want him to be happy. He deserves to be happy.








Iniyak ko lang iyon. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang sitwasyon. Hindi ko siya masisisi. Kahit ako ay nahihirapan pa din.





Nakatulog ako sa pag iyak. Hindi ko alam kung ilang oras ulit akong natulog. Nagising lang ako ng ginising ako ni Cray para sa tanghalian. Ramdam ko ang hapdi sa mga mata ko. Namamaga ito, at ganun din kay Cray.




Kumain kami ng tahimik. Wala siyang imik. Sa kwarto na kami kumain dahil ayaw ko na din namang lumabas.




Pagkatapos ng tanghalin ay nagpahinga ulit ako. Lumabas ulit si Cray ng walang imik. Gusto ko siyang kausapin at magsorry sa mga sinabi ko. Tama siya. Mas mahirap para sa aming dalawa kung pareho kaming mahina. He's trying to be strong para kung sakaling hindi ko na kaya, sa kanya ako kukuha ng lakas para lumaban. I'm such a stupid girl. Dapat ay hindi ko na sinabi ang mga yun!





Nakatulog ulit ako. Nagising lang ako ng maramdaman ko ang haplos sa pisngi ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. I saw Cray smiling at me genuinely.





"C'mone. Dinner is ready." sabay alalay nito sa akin sa pagtayo.





May kinuha ito sa loob ng closet at isinuot sa akin. Isang kulay pink na manipis na jacket. Inalalayan niya ako palabas ng kwarto namin. Sabay kaming naglakad patungo sa restaurant na nandito sa resort.





Pero nagulat ako ng lagpasan namin iyon. Nagtuloy tuloy lang si Cray sa paglalakad habang hawak hawak niya ang kamay ko.





"Akala ko ba magdidinner tayo?" Tanong ko.






He just at me.




Nagtuloy tuloy kami hanggang sa mapagtanto kong papunta kami sa may dagat. Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa unang baitang ng hagdan pababa nitong resort ay naramdaman ko na ang malamig na hampas ng hangin. Nililipad nito ang buhok ko habang pababa kami ng hagdan.





Hindi ko alam kung anong gagawin namin at kung san ako daldalhin ni Cray. But i trust him. Siguro may surprise..





At tama nga ang hinala ko. I saw two chair and one table with matching candle in everywhere. Napangiti ako ng makita ko ang mga ibat ibang kulay ng kandila na lumulutang sa dagat. It's magical. Parang gusto ko na lang tignan ang mga itong lumulutang kesang ang kumain. Kahit yung mga kandilang nasa mga buhangin na nakapalibot sa isang round table at dalawang upuan ay napakaganda sa mata. I felt like i'm in a fairytale and the guy beside me is my prince.



..................................................

thanks for supporting on my stories...




Keep voting guys and please do comments..




Thank you and God bless you all.. :-)



Cute2ng;-)





Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
2M 79.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
351K 5K 32
READ AT YOUR OWN RISK! Angela needed money for her parents. Handa siyang gawin ang lahat para sa mga ito maging ang pagpayag sa kasunduang inalok sa...