Us Happened

By raspberrygrl0315

1.1M 13.2K 2.1K

"But if you close your eyes does it always feel like nothing changed at all?" It's a Pompeii kinda day. I j... More

Una
Taft Tower
One hello
Start
Three
Almost
Not in that way
Fate
Long Distance
Back in her arms
Beautiful
Making it Special
They are it
Fight for you
Quarrel
Athlete Love
Where's Perry?
Almost Perfect
Experiment
Party
Sprak
LDR-ish
Wear it Proud
Conflict
Panuyo Moves
Struggle is Real
.
Future Feels
Learn it from them
Chef Baby
Escapade
Cupids
Indonesia
Anniversary
..
The Dream
Next Level
Marking it
Magkabilang Mundo
#MissingTheBae
Love Sick
Untold
Surprise.?
Game changer
Peak - a - boo
"Sorry, akin siya :)"
First of many
Happy Pill
Coming home
Lost and Found
Caught and bagged
Carry me!
Daddy
Return
Win you back
Hot and Cold
Baby
Road to...
Issa
#tb
The Tall Girl
Unrequited
PT
Goodbye first 5
The owner
His Babies
One of a Kind Love
The Queen
The King
Take a bow
It's all me
Restart
Mother's Love
Point of View
Try harder
Only One
Movement
Push and Pull
Burp day!
Tata Day Out
Homecoming
Trust Issues
Faith
Pink Lines
Dos
Meanie
Revenge
Early Stages
Unscathed
MVP

Two

12.1K 206 24
By raspberrygrl0315

Kiefer

The Squad are busy preparing for Isabella's 2nd Birthday. I can't believe she'll be two years old in a few weeks, time really do flies next thing we'll know may manliligaw na yan. Oh no! They'll have to pass thru me and Thirdy, Pauly and the rest of her Titos, which is the entire basketball team. Kawawang binata yun kapag nagkataon.

I don't really have to bribe Celina, Ate Den, Misha, Greta and Dani for organizing Issa's party because they love doing stuff like this but just the same I told them I'll shoulder their trip to Batanes after the party.

By the way I came back to playing, yun ang buhay ko bukod sa pamilya ko eh. I'm doing what I do best, para sa sarili ko, para sa pamilya, para sa Kanya, para sa team. Me and Mika's set up right now is a little more exciting. Hindi ako nanalo, sa condo pa din sila umuuwi ni Issa and I'd have to drive from Cainta to Taft once again, just like the old times. I'm not complaining though, maswerte na ako to be given the second chance.

...

"Are you going back to your house?" Asked my Mama, opportunity to. I said to myself, baka si Mama makumbinse si Mika na ibenta yung condo na yun.

"Ah, no po. Ayaw pa po ni Mika. Ma, convince mo nga di ba di na praktikal kung imemaintain pa yung condo? Ma di ba?" Parang bata akong nanghingi ng support kay Mama, what can I do? I'm desperate. Ayoko kayang humiwalay sa mag-ina ko.

"Naginarte nanaman. Ma, pakisabi nga jan sa maitim na yan na walang nanliligaw na nasa iisang bahay. Kailangan niya muna akong mapasagot." Tumingin si Mama kay Mika saka sa akin.

"Yun naman pala eh. Win her back muna ulit Manong." Tumabi ako kay Mama saka naglambing.

"Eh Ma... Wawa naman ako, walang magaalaga sakin." Natatawa na si Mika sa pinag-gagagawa ko but I continued acting. I puckered my lips even more, puppy face pa.

"Eh Ma nurse naman pala kailangan niyan eh. Hanapan natin." Mika added, wala talaga akong panalo dito eh. Bumitaw na ko kay Mama, no use talagang desidido si Mika na pahirapan ako.

"Okay fine. Sabi ko nga bebe ko dun tayo sa condo mo eh." I said in a rather bored tone.

"At sino may sabing doon ka matutulog aber?" Tinaasan pa ko ng kilay, may pamewang pa.

"Eh syempre mamimiss mo ko kaya-" "Haynako kayong dalawa, parang mga bata. Tignan niyo si Issa nakatingala sa inyong dalawa. Naguguluhan na." And true that pagtingin ko, nakahawak si Issa sa legs ni Nanay niya at nakatingala sa amin. Mukhang litong lito ang batang makulit.

"Nanatata!" Gigil na gigil niyang banggit, nagiipin kasi kaya laging gigil eh. Napakamot ulo na lang ako saka binuhat siya.

"Love you Issang." I kissed her round redish cheeks. Kakagigil talaga.

"Tara na b." I offered my other hand to Mika for her to hold it, tinignan niya yun at hindi naman ako pinahiya kinuha niya and I intertwined our fingers.

...

Game day ni Mika today, we're here at Cuneta Astrodome to support her. Si Issa hawak ni Dani, namiss na daw kasi nung huli ang alaga niya.

Nakaupo lang kami sa gilid cheering for her.

"Say go Nana!!" Dani's teaching Issa to cheer for her Nanay but Issa is just giggling non-stop. Tuwang tuwa ang bata kasi ang daming nakikita.

Pumalakpak ako when the game started at tinawag ang front liners, syempre kasama ang babe ko. Naririnig ko si Dani sumisigaw ng "Go Nana!"

"D-Nana!" Hiyaw ni Issa may talsik ng laway pa saka tawa ng tawa. Nilabas ko ang phone ko para ivideo siya na nagchecheer.

"Issa who are you cheering for?" Tanong ko habang nakaharap sa kanya ang camera. Kagat kagat ni Issa ang buong kamay niya.

"Stop that Issa, come on cheer for Nana." Inalis ni Dani ang kamay na kinakagat ni Issa, tinayo pa niya ang bata sa kandungan niya.

"D...Nana!!" Sigaw nito saka tawa.

"Nana!!" Aliw na aliw yung mga staff na nasa gilid namin sa anak ko. Tawa kasi ng tawa.

"Ang cute ng baby niyo, kamukha mo." Sabi pa nung isa, nagpasalamat ako at nagfocus ulit sa laro.

"Buti na lang may halong Ate Mika, kundi minalas na talaga." Sinamaan ko ng tingin si Dani.

"Tandaan mo, magkamukha din tayo." Bawi ko sabay tawa ng malakas. Booyah!

"Whatever Manong!"

I focused on the game when it started.

Dala dala pa rin ni Mika ang game face niya kapag naglalaro or kahit basta nasa court siya at nakajersey, hindi siya tumitingin sa gawi namin because she gets distracted agad. Naging issue namin to before. One of the reasons why I opted watch sa gilid or tago, kasi nacoconscious siya. Even sila Mama Bhaby, kapag nanunuod hindi sobrang lapit. Matigas lang talaga ulo ko.

Tuwing makakapuntos o magseserve si Mika pumapalakpak kami.

Natapos ang game 4 sets in favor of my bebe's team syempre. Nakakaproud lang, ganda ng laro niya akala ko Player of the Game na eh pero kahit hindi para sakin siya the best.

We're just waiting for her to go outside, sila Mama Bhaby nauna na umuwi late na kasi at may pasok pa sila Mikole bukas. Buti na lang hindi na tulad noong college days, sobrang higpit hindi sila pwedeng humiwalay sa team. Kailangan ko pang antayin na ihatid sila ng coaster nila sa dorm bago ko makasama si Mika.

"Grabe si Mika parang walang anak no? Sexy pa din." Nakunot ang noo ko ng may grupo ng mga teenager na lalaki ang dumaan sa harap ng sasakyan ko at pinaguusapan si Mika.

"Abat! Ang babata pa nung mga yun nakakabanas ah!" Tawa ng tawa si Dani habang si Issa naman mukhang napagod talaga ayun bagsak sa lap ni Dani. Nakababa kasi ang windows namin kaya narinig ko yung mga bata.

Tsk. I'll never stop being possessive of my love and oh speaking of here she is. Her short hair still wet you could see drips of water from it falling to her shoulders and neck. Ang hot ng baby ko.

Lumabas na ako ng kotse to be her personal body guard mejo naharang na kasi ng mga tao. May mga guards naman din, thank God.

"Babe." Kinuha ko yung bag niya at inantay na matapos magpapicture yung fans.

"Thank you." Mika smiles to everyone, kumaway din ang mga fans niya nung nagpaalam na kami.

"Congrats b! Galing mo." Sabi ko sa kanya ang kissed her cheeks bago pumasok sa kotse.

"Thanks. Grabe napagod ako, buti na lang 4sets lang yun kung nag5 pa haggard na talaga." Halatang napagod siya kasi pagkaupo palang sa kotse napasandal na siya agad.

"Hi my little angel, I could hear your cheers for Nanay. Thank you. Come here." Kahit pagod kinuha niya pa din si Issa kay Dani.

"Ate infairness di halatang napagod ka kanina. Freshness pa din!!" Hindi naman ako yung sinabihan pero feel ko mas proud pa ako. Syempre. Baby ko yan eh.

Just like before after her game we headed to Eastwood to dine out, tapos pinasabay ko na kay Thirdy si Dani dahil ihahatid ko pa si Mika.

"Babe pagod ako." Drama ko pagpasok ng sasakyan sa parking area ng building kung nasaan ang condo ni Mika.

"Talaga?" She just smirked at me. Tignan mo to, di nanaman naawa sakin. Kamot ulo moment for me.

Isabella's sleeping, dead tired to. Hyper buong araw eh. Binuhat ko siya palabas ng kotse at paakyat sa unit nila.

"Lay her there na lang. I'm gonna change her clothes pa." Pinasok ko na at hiniga si Issa sa kama niya. I kissed my little princess goodnight, Mika took over and changed Issa's clothes to her sleepwear para mas kumportable.

We tucked her in and kissed her bad dreams away.

"Magingat ka pauwi." Diretsong sabi ni Mika pagkasara ng pinto ng kwarto ni Issa. Dahan dahan akong humarap kay Mika at hinawakan siya sa bewang.

"Babe, nakakapagod talaga today. Biruin mo intense nung tune up game namin. Tapos right after super cheer kami sayo, ang galing galing mo kanina babe. Grabe!" Mika was just staring at me with her 'ah-talaga'? look.

"Babe... Please? Tonight lang? Pagod talaga po ako." Lumipat ako sa likod ni Mika and hugged her from the back. Lalambing lang.

"Pinagbigyan na kita nung isang araw, namimihasa lang Kiefer?" Humaba ang nguso ko. Mukhang wala akong panalo tonight ah. Nilagay ko ang mukha ko sa leeg niya at niyakap siya ng mas matagal.

Sabi nga nila kapag di madaan ang santong dasalan, ireverse mo. Daanin natin sa pakonsensyahan. Hihi.

"Sige babe, baka isipin mo nga sumusobra na ako. Uuwi na po ako. Sunduin na lang ko kayo bukas?" Hindi nagsasalita si Mika, she's just observing me.

"Okay babe uuwi na ko." Kumalas na ko ng yakap sa kanya pero tinangay ko siya, hawak hawak ang kamay niya.

"Uuwi na ko babe. Baka sa bahay na lang nila Mama ako umuwi. Lungkot kasi sa bahay natin babe." Tumango si Mika still no reaction.

"Text na lang kita kapag nakauwi na ko. Buti di traffic kasi madaling araw na." Dagdag ko pa. Hindi pa rin nagrereact. Olats ah.

"Hays. Ang lungkot magdadrive ako magisa. Buti na lang nagpadownload ako ng new songs kay Thirdy para di ako makatulog habang nagdadrive." We're reached the door. I sighed, olats talaga.

"Paano babe, eto na. Uwi na ko." Ba-bye ko nanaman. Tumango lang si Mika. "Uhuh."

"Bye babe. Tulog ka mahimbing ah." I kissed her forehead saka dramatic na binuksan ang pintuan. Bumulong bulong pa ko ng, bye, paulit ulit but still not working.

Palabas na ko ng pinto when I heard her clear her throat.

"Baka maaksidente ka pa mabiyuda ako ng wala sa oras. Sige na dito ka na matulog." Muntik na kong mapatalon when she finally gave in. Yehess!

"Di mo ko talaga matiis baby." Tumakbo ako sa kanya saka niyakap siya ng mahigpit.

"I love you." I whispered in her ears saka inakbayan siya papasok sa kwarto namin este niya.

"Sa susunod talaga na ihatid mo kami hanggang dun ka lang sa lobby." Tumawa lang ako. Di din babe, di mo kaya charms ko. I said to myself pero syempre I can't say that out loud baka mapauwi ako ng di oras.

Hurray for a goooood night.

Mika

Convenient din naman na dito natulog si Kiefer last night, kasi maaga kaming magaasikaso ng mga bagay para sa birthday ni Issa. Nahihiya na ko kanila Celina kasi sila na lahat nagayos.

Tulog na tulog pa ang mokong, kapit na kapit sakin akala mo mawawala ako.

"B, magluluto lang ako." Paalam ko habang dahan dahang inaalis ang braso at binti niyang nakayakap sakin. Tulog na tulog talaga oh? Kawawa mukhang pagod talaga.

Everyday he's very patient. Hatid sundo kami ni Issa dito sa Taft papunta sa kahit saan. Kahit may game at training siya or commitment susunduin kami niyan at ihahatid. He never stopped trying to win me back kahit alam naman niyang he already won me again.

May takot pa din sa puso ko pero mas nananaig yung pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko lang kasi maatim na masira kami dahil sa isang beses niyang pagkakamali. Yes it was trust that was broken between us, oo mahirap ibalik yun pero kung I'll let that issue come between us paano pa kami magiging masaya ulit?

I can always move on. Pwede ko siyang tuluyang kalimutan and I know I can. Mahirap na proseso pero hindi imposible. Pero it came to me, magtitiis ako ng ilang taon trying to forget about him and be miserable kung pwede namang sumubok kami ulit ng magkasama.

If you can try to forget love and move on mas lalong kaya mong kalimutan ang isang pagkakamali ng magkasama hindi ba?

Parati ko na lang pinapaalala sa sarili ko na, mas marami pa ding kaming napagdaanan na masaya at mas worth na ilook back. That way mas madali ang healing process.

I touched his face and got off. Kailangan ko na magprepare ng breakfast any moment now gigising na yung prinsesa namin.

Thank goodness for breakfast food puros fried lang. At least di masyadong nacha-challenge ang cooking skills ko. Ang galing ko pa naman.

Nilagay ko sa plato ang scrambled eggs, tapos na ko magluto ng bacon and hotdogs. Magtitimpla na lang ako ng coffee for Kiefer and Milo for Issa.

Yung anak naming yun fan talaga ng tatay niya imbes na mahilig sa gatas mas mahilig sa Milo, pero tipid din endorser tatay niya eh.

I'm just stirring Kiefer's coffee when I felt him hug me from the back. Alam kong siya yun wala namang iba kaming kasama ni Issa dito.

"Good morning." He said in his groggy voice and kissed the side of my neck.

"Morning. Pwesto ka na sa table, gisingin ko lang si Issa para kumain na tayo." Humarap ako sa kanya. Nakakatawa, ang kapal ng labi.

"Ang cute." Pangigigil ko sa labi niya. Hinatak ko talaga yun, kunot na kunot tuloy yung mukha.

"Pinaglihian nanaman yung labi kong perfect." He said with so much pride. Ang kapal talaga.

"Wow ah." Biro ko, niyakap niya ako. Hindi na ko pumalag, masarap naman kasi yung sense of security na nararamdaman ko everytime he's holding me. Tinapat ko na lang ang mukha ko sa leeg niya, our signature and favorite move.

"Mornings with you are the best." He said. I smile against his neck.

Indeed.

Continue Reading

You'll Also Like

12.3K 794 61
complete : haikyu filo au (?) ㅡ in which Nishinoya Yu is interested to a first year junior Hitoka Yachi and attempts to get her attention
169K 3.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
18.9K 140 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...