A Way To Your Heart (Street S...

By itsjepg

22.2K 1.1K 97

📍Sylverio Street The stubborn and hard headed son, Parrish Montenegro sent to the Venturero's sanctuary, Cas... More

Street Series #5
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Thank you!

Chapter 14

353 19 3
By itsjepg

Chapter 14: Family

The weeks continue. Sa tuwing weekdays ay pumapasok sa eskwela at kahit papaano, iniiwasan ko na ang pagiging pasaway at paggawa ng gulo sa loob o labas man ng classroom.

I'm trying also to listen in every lectures. Sobrang baba kasi ng scores ko sa nagdaang quarterly exam. At siyaka araw araw din kung tumawag si Mommy sa akin para kamustahin ang araw ko. Ayaw ko naman laging isagot ang kasinungalingan kaya ito ako't pinaninindigan ang mga sinabi.

"I'm trying my best to understand the lectures, Mom..." I answered one night after school.

Nagbibihis na ako. May usapan kasi kami ng mga pinsan ko na sabay sabay maghahapunan but Mom called so I answered her first.

"We're not pressuring you to understand it. Kung ano lang naman ang kaya mong intindihin, anak..." she said smoothly.

I beamed. "Yes, I'm doing it, Mom. Huwag na kayong mag-alala ni Dad 'cause I'm also trying to be better than before..."

"That's good to hear, hijo. Nga pala, Brandean called two weeks ago noong nasa Thailand pa ako. Pinaliwanag niya sa akin na siya ang may gustong huwag sabihin sa amin ang mga ginawa mo. Ngayon ko lang naalala na sabihin. And I'm also asking Brandean about you. Tugma naman ang mga sagot n'yo kaya sige at maniniwala na ako na good boy ka," she stated.

I bit my lip. Hindi nasabi sa akin ni Brandean na natawagan niya na ang parents ko and it was good to hear that he literally did what he promised.

"Next week ay pupunta kami diyan ng Daddy mo to fetch you..." she reminded.

"Bakit, Mom? Anong mayroon?"

"Birthday ng Tito Brandy mo! Nakalimutan mo na ba? Magtatampo 'yun sayo!" sagot niya.

And my lips parted when she said that. Hindi ko na naalala pa iyon ah. Kung hindi pa niya sasabihin ay baka nga tuluyan ko nang nakalimutan.

"Yeah right. I know, I know. Sige po, Mom..."

And that's when we ended up the call. Na saktong may kumatok naman.

"Parrish? Kakain na," it's him.

Sasabay din siya sa amin kumain? Binuksan ko na ang pinto at bumungad siya. Una ko agad napansin ang buhok niyang hindi nakaipit ngayon. Ang haba ng buhok niya ay hanggang ilalim ng tainga. Makapal pero sa tingin pa lang, halatang smooth and shiny.

His hair looks like from the 90's boy like mine. Akala mo'y isa siyang guwapong binata na nagmula sa mga naunang taon. Sa tangkad, tikas ng katawan, hindi talaga imposible na magustuhan siya ng mga babae sa school ko sa Maynila kung sakali man nagkabaligtad ang sitwasyon namin at siya ang pinag-aral sa school ko para bantayan ako.

"Tinawagan ka ni Tita?" pang uusisa niya nang pababa na kami.

"And how did you know that?" I raised my brow. Lahat nalang talaga kailangan alam niya?

"She called me first at sinabi niya sa akin na tatawagan ka din daw niya,"

Bumuntong hininga ako dahil ano pa nga ba ang inaasahan ko. Kulang na nga lang ay gawin siyang kapatid ko. Brandean Montenegro? Ew. Hindi pala bagay.

Lumipas pa ang mga araw at sa mga araw na 'yun. Naging maganda naman ang atmosphere sa pagitan namin ni Brandean tuwing nagkakasalubong at nagkikita kami sa school. Kahit sa malayo kapag nakikita niya ako ay tinatawag niya ako at kinakawayan.

"Kaibigan mo pala si Brandean?" si Felix sa tabi ko, isang mainit na tanghali ng biyernes papunta kami sa canteen.

"Hindi. Ganiyan lang talaga 'yan..." sagot ko at hinanap na sa dagat ng tao si Irish.

Nasa lamesa na siya at nagtama agad ang mata namin. Kasama niya ang ilang babaeng kaibigan din. Sa tuwing recess kasi ay lagi akong naglalapag ng bottled water with snacks sa lamesa niya. She probably knows I like her but still, hard as rock. She's always giving me a doubtful eyes. Malayo talaga siya sa mga babaeng nagustuhan ko na kapag binibigyan ko ng ngiti ay kinikilig at ngumingiti pabalik. But she's not like that, kaya nga siguro mas nagustuhan ko pa siya.

"Feeling close?"

I shook my head. "Hindi rin naman. Malapit siya sa pamilya ko kaya siyempre nagkakausap at nagkikita kami," sagot kong muli sa mga pang uusisa ni Felix.

"Alam mo ba na 'yan ang crush ng crush mong si Irish?" he divulged that made me stopped.

"What did you say?" I asked but already in disbelief.

"Crush ni Irish si Brandean! Halos lahat ng estudyante dito alam 'yan dahil siyempre famous ang dalawang 'yan. Ikaw ba naman ang parte ng student council na sobrang ganda at guwapo, hindi magiging famous?" paliwanag ni Felix.

Nilingon ko tuloy si Brandean na wala na ngayon sa bulletin board. May kinabit lang siya siguro doon at umalis na agad pagkatapos.

"Baka yung hinihintay mo na ang dinikit niya! Tara!" hinila ako ng mga kaibigan ko palapit sa bulletin board.

Hindi ko na tuloy naintindi ang iritasyon na bigla kong naramdaman nang malaman na crush ni Irish si Brandean. Bakit kailangang siya pa? Nakakairita.

Nakakabuwisit.

Nakakainsulto.

Nakakabanas.

"Oh, brad!" si Felix na nagdiwang na agad nang makita ang pangalan ko sa mga nakapasok na manlalaro sa sports fest under track and field category.

Tuluyan nang lumisan ang iritasyon ko at napalitan na ng nag-uumapaw na saya at excitement. Nagtalunan at hampasan kami ng mga kaibigan ko.

Matagal ko nang hinihintay ang resulta mula noong huling try out namin. Lagi kasing postponed ang pag-announce kaya naisipan nila na isabay na sa iba pang sports na maglalabas ng resulta.

"Congrats..." pare pareho nalang kaming napalingon sa nagsalita sa likod namin.

Lumapad na agad ang ngisi ko nang makilala kung kaninong boses iyon. Sinisiko na ako ng mga tropa ko dahil ako nalang ang nakatalikod at hindi humaharap.

Kaya unti unti na akong humarap suot ang malaking ngiti sa labi na biglang lumubog nang makitang kasama ni Irish si Brandean.

"Congrats, Parrish! You deserve it," Brandean added.

Hilaw ang naging ngiti ko sa kaniya pero matamis ang ngiti na binigay kay Irish. "Thanks,"

"Tara na, Brandean!" aya ni Irish at umalis na sila. Mukhang magdidikit pa sila ng mga papel sa ibang bulletin board na nagkalat sa school. Kanina lang kumakain siya roon ah? Anyare at mukhang pinili nalang na sumama kay Brandean kaysa kumain!

"Ang ganda ng ngiti ni Irish no? Kaso kay Brandean niya lang napapakita 'yan..." my friends murmured behind me like a devils.

"She will give me that beautiful smile of her someday. Di hamak na mas guwapo naman ako kay Brandean!" sambit ko sa mga ito.

"Hindi ah. Pantay lang. Pero alam mo kasi, pre. Dagdag pogi points ni Brandean yung pagiging matalino at ma-prinsipyo niya. Dagdag mo na rin yung mga pananaw niya. Sa panahon kasi ngayon, doon na nahuhulog ang mga babae! Hindi naman sa mataas ang standards nila sadyang matalino at praktikal lang!" Felix being frank and straightforward.

"Kaibigan ba kita? Hindi ba dapat sinusuportahan mo ako?" giit ko dito sabay ipit ng ulo niya sa siko ko at gulo na rin ng buhok. Nagtawanan kami.

"Mahal kita, pre, kaya sinasabi ko lang ang totoo!" anito.

"Gago! Hindi kita lilibre bahala ka riyan!" saad ko sabay agaw ng kaniyang bench bath at tinakbuhan na sila.

Naghabulan na kami sa gitna ng field na parang mga bata sa elementarya na masayang masaya lang.

"Parrish, wake up!" marahang tapik ni Mommy sa akin.

Tinanggal ko na ang suot na sunglasses at airpods. Naging mahaba haba ang tulog ko dahil traffic sa edsa. Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at ako ang unang lumabas para alalayan si Mommy.

"Kuya Parrish!" sinalubong agad kami ng pamilya ni Tito Brandy at tumakbo na palapit sa akin ang kanilang unija hija na si Viny, a cute little girl.

Lumuhod ako para mayakap siya at buhatin na rin. Hawak niya pa ang laruan niyang baril imbes na barbie doll ang hawak dahil siyempre may impluwensya ko.

"Naku traffic ba?" si Tita Dina after she make beso with my mom, her bestfriend.

"Sobra! Akala ko nga aabutin kami ng gabi!" si Mommy.

Nagmano ako kay Tito Brandy and I kissed Tita Dina's cheek as a sign of respect to them. Ganoon din ang ginawa ni Viny sa magulang ko na ninang at ninong niya.

Tito Brandy is the newly elected mayor while his wife, Tita Dina is the vice mayor.  Silang apat ay magkakaibigan na mula pa noong highschool kaya hindi lilipas ang isang taon na hindi kami pupunta sa mansion nila or minsan sila ang dumadalaw sa amin. Naging malapit na rin ako sa mag-asawa at lalo na dito kay Viny na tinuring kong batang babaeng kapatid 'cause I only have one sibling na nasa abroad pa.

"Kumusta itong batang pasaway na 'to?" si Tito Brandy sabay gulo sa buhok ko.

"Tito, hindi na ako pasaway..." giit ko.

"Well at least he's trying his best not to give us a headache!" si Daddy.

Nag usap at tawanan pa sila dito sa patio bago kami tuluyang pumasok sa loob ng malaking mansion nila na sa labas ay napapaligiran ng maraming bodyguards dahil siyempre pulitiko. Minsan na rin kasing nalagay sa peligro ang buhay nilang mag asawa.

In fact, they lost their first child in between the death threats and troubles they had encountered. That was very saddening and heartbreaking story.

I treat them as my second family. Noong nandito pa kasi ako sa Maynila ay minsan dito ako tumutuloy kapag nagtatalo kami ni Daddy. Mayroon na nga akong kuwarto dito in case na pumunta. They treat me like a son too so it's very heartwarming when you have two families.

Tito Brandy is handsome with his eyes which resemblance to the people of middle east country, muscular and broad body with fair skin. And Tita Dina is looks like a chinese but she's pure filipina. She's tall and slender woman. Meanwhile their daughter, Viny. Kahit apat na taong gulang palang ay makikita mo na ang kagandahan lalo na kapag lumaki.

Tito Brandy always want a simple celebration for his birthday. Marami naman siyang kaibigan but they still choose to be with just us for safety and peacefulness na rin dahil kapag maraming imbitado, hindi rin sigurado kung ang lahat ba ay imbitadong talaga o may mga sumabit lang at balak manggulo.

"He's fine and always better. 'Wag na kayong mag-alala sa kaniya," usapan nila na wala akong ideya kaya nakipaglaro nalang ako kay Viny.

Tapos na kaming kumain kaya nandito sila sa malaking garden at nagta-tsaa. Si Mommy at Tita Dina naman ay tumitingin ng mga bulaklak na akala mo'y mga dalaga pa. Napangisi tuloy ako.

Iniwan ko saglit si Viny para gumamit ng restroom kaya pumasok muli ako sa mansion. Nang natapos ay agad din namang bumalik kaso natigil nang may mapansing mga litrato sa malaking sala na noong huling punta ko rito ay wala naman.

A huge picture frame on the wall. Ngumiti ako pero agad ding nalusaw dahil akala ko si Viny ang batang buhat ng mag asawa. But I figured out it was a little boy with curly hair, chubby and the skin is like milk. The little boy was cute too and he was probably their first son who they've lost in the middle of the politics battle.

"Kuya Parrish!" tinawag na ako ni Viny kaya binalikan ko na siya.

Lumipas pa ang mga buwan at nadagdagan ang ginagawa ko sa bawat araw. Nagsimula na rin kasi ang training namin dahil February next year ang sports fest kaya ngayon palang ay naghahanda na kami.

It was another quarterly exam. Parang kahapon lang noong dumugo ang utak ko dahil sa hindi ko maintindihan ang lessons ngayon ay kaharap ko na naman ulit ang reviewer.

Nandito ako sa rancho sa tapat ng mansion nila Dion. Umagang umaga ay na papel agad ang hawak ko. It was a miracle act of mine. But I don't know what's up with me. Nagising nalang ako na insipiradong mag-aral nang mabuti. Marahil katabi ko lang si Irish sa araw ng exam. Inayos kasi ang upuan namin para hindi magkopyahan ang magkakaibigan at napangisi ako nang kami ni Irish ang pinagtabi.

"Wow! Nagre-review 'yan?" biglang sulpot ni Brandean at lapag ng gatas sa gilid ko na may kasamang pancake with butter and mapple syrup.

"Ang hirap ng mga sequence na 'to. Magagamit ko ba ito para maging succesful sa buhay? Tsk..." I ranted and drink some milk.

Napatingin ako sa pagkain na nasa harap ko at siyaka kay Brandean na umupo na sa tabi at binabasa na ang mga papel. Did... he made these breakfast for me?

"Part of the curriculum kaya kailangang ituro. Madali lang ito kung iintindihin at seseryosohin..." aniya.

"Hindi pa ba ako seryoso sa lagay na ito?" katwiran ko.

Ngumisi siya at tinignan ako. "Wala naman akong sinabi. Turuan nalang kita, gusto mo?" he offered so I looked at him.

I sighed. "Hindi na. Gawin mo yung mga gagawin mo---"

"Ipagluluto ba kita ng agahan at pupuntahan dito kung may gagawin ako?" agap niya na oo nga naman.

"Pero linggo ngayon?"

"And so? Hindi naman talaga ako trabahador dito. Kusa lang akong tumutulong no!" he insisted.

Tumango na rin ako. Maganda ang offer niyang iyon. Malakas din ang boses niya at mas malinaw pa siyang magpaliwanag kaysa sa math teacher ko.

So the morning is just us. With him explaining everything to me and I always try to understand it and gave my best.

Kinain niya na rin ang tirang pagkain ko na hindi ko naubos hanggang sa sumapit na ang tanghalian ay magkasama pa rin kami na bagong bago sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

151K 4.9K 49
Tagalog-English BL - Romeo Andres and Romeo Emilio shared three things. They shared one name, one yard and one feeling. However, it's not the kind of...
23K 1K 54
📍Nuestra Street Ryu Concepcion, the matured, smart and wise son never expected that he will met a boy who's opposite to him. He met Felizardo Reyes...
935K 32.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
615K 7.8K 31
Gagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na...