Two Hearts become One(Sequel...

By Cute2ng

275K 6K 188

Life is not easy.. yan ang natutunan ni Gabrielle sa pagpapanggap niya bilang asawa ni Cray.. Everything is n... More

Two Hearts become One(a sequel story of IHPW)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2.
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28:
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Epilogue.
The Real Finale.

Chapter 20.

6.1K 124 3
By Cute2ng

Chapter 20


Gabrielle POV


"Cray, bilisan mo malilate na tayo sa simbahan." Sigaw ko rito. Natapos na ako't lahat lahat pero hindi pa rin siya tapos sa paliligo. Inaayos ko ang kanyang isusuot at sinisigawan siya sa pagiging makupad niya.

Ngayon ang kasal ni Ania at Ash. Finally, Dumating na din ang araw na ito. At alam kong excited na ang bride. Excited din ako syempre. Kaibigan ko si Ania at ganun din si Ash. Gusto ko sana ay maaga ako sa simbahan pero hindi na iyon mangyayari dahil sa pagiging pagong ni Cray sa pagkilos. Nakakainis. Ang hirap hirap ko siyang ginising tapos ang bagal pa kung makaligo. Balak na niya yatang ubusin ang lahat ng tubig sa shower.

"CRAY!" kinalabog ko na ang pinto ng banyo.

"Oo na. Eto na nga." Sabi nito at binuksan ang pinto. Nakatuwalya ang pang ibaba nito at basa pa at tumutulo ang buhok nito.

Umismid ako."Lumabas ka pa. Akala ko nalunod ka na diyan eh." Masungit na sabi ko, nagtataas ng kilay.

Umirap ito."Buti nga lumabas pa ako eh. Sarap kayang maligo." Sabi nito at naglakad papuntang kama kung saan nakalapag ang susuotin nito.

"Ang bagal bagal mo. Malalate tayo nito eh." Reklamo ko habang nakaharap sa salamin. Siya naman ay nagsimula nang magbihis.

"Tsk! Para namang ikaw yung ikakasal. Excited ka masyado. Anong oras pa lang eh." Sabi nito.

Tinignan ko siya. Mag a-alas nuwebe na kaya. Alas diyes ang kasal at sakto lang ang oras para makarating kami ng maaga duon.

"Bilisan mo na lang diyan."Sabi ko at kinuha na yung purse ko.

Purple strapless dress ang suot ko. Hinayaan kong ilugay ang straight at may kulot sa dulo kong buhok. Light make up and a red lipstick. Hindi naman masyadong bongga. 

"Let's go." 

Tumingin ako kay Cray na nakabihis na ng tuxedo. Gwapong gwapo ang dating ng loko. Nilapitan ko siya at inayos ang coat niya. Tumingin ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Ngumiti ito at hinalikan ako sa lips. Agad ko siyang tinulak.

"Masira yung lipstick ko." Sabi ko sa kanya.

Tumaas ang kilay nito."So?" 

"Che!" Inirapan ko siya at pinanlakihan ng mata.."Malilate na tayo."

"Oo na nga. Tara na." Sabay hawak nito sa kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto.

Hindi naman kalayuan ang simbahan kung saan ang kasal.  Fifteen minutes ay nakarating na kami duon. Pinark ni Cray ang sasakyan at agad akong bumaba. Nilapitan ko si Andrea na kausap yung girlfriend ni Jon na si Cristine. Nagtatawanan ang mga ito habang nagbubulungan.

"Andx." Lumapit ako dito at niyakap ito.."Hi, Cristine." Bati ko kay Cristine na nakangiti sa akin.

"Hello, Gabrielle." Bati nito at niyakap ako.."How are you? I heard from Jon that your pregnant? Is that true?" Tanong nito

Tumango ako."Yep. Kukunin kitang ninang ha." Sabi ko.

"Sure thing, Girl." Masayang sabi nito at pumalakpak pa.

Cristine is a model. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala ni Jon. Ang alam ko ay magkababata ang mga ito sa probinsiya nila. Pero nawalan sila ng komunikasyon nung nagpunta si Cristine sa Paris at duon na tumira. Hindi ko alam kong anong story nila at kung paano naging sila. Sila na nga ba talaga? Sa tuwing nagtatanong kasi kami ay laging itinatanggi ni Jon ang relasyon nila ni Cristine. Magkaibigan lang daw sila. Pero alam ko ay may pagtingin si Cristine kay Jon, pero hindi niya lang masabi. Ang sweet nga nila eh kaya napagkakamalan naming magsyota. Hindi ko alam ang tunay na estado nila. Friends with benefits ang drama nila. Hindi ko nga alam kung bakit hindi magustuhan ni Ash si Cristine eh. Mabait siya at mahinhin(Katulad ni otor..)..Simpleng simple yung beauty niya at hindi nakakasawa(Katulad ulit ni otor..haha). Sexy at habulin ng mga lalaki..(Katulad ulit yan ni otor..)..oh sige na! Sayo na lahat otor. masyado kang feeling..hahaha..She's perfect. I dont know kung bulag lang ba talaga si Jon o ano? Hanggang kaibigan lang daw talaga ang tingin nito. Tsk! Mukhang nafriendzoned si Cristine ah.

"Susunod na din kayo, Girl." Biro ko dito

She rolled her eyes.."How i wish. Baka nga mauna pa si Geo eh." Sabi nitong natatawa.

Tumawa ako.."Naku! Wag ka nang umasa kay Geo. Alam mo naman yun, poreber playboy." Umiling ako.

Nagtawanan kami. Parehas naming alam na hindi mahilig si Geo sa pangmatagalang relasyon. Kapag dumating man ang araw na iyon, siguro kapag matanda na siya. Siya na rin mismo ang nagsabi na hindi pa siya handang magseryoso. Siguro, hindi pa talaga niya nahahanap ang taong mamahalin niya at magpapatino sa kanya. Kaya ayun, sinusulit ang moment.

"Andiyan na ang bride."

Sabi nang organizer kaya pumasok na kami sa simbahan. Simple yet elegant ang pagkakayos ng simbahan. Mula sa white carpet na may mga violet petals. Sa mga nagagandahang bulaklak na pinaghalong kulay puti at purple. At sa mga puting tela na nakasabit sa taas ng simbahan. Simpleng simple pero maganda.

"Hay, kailan din kaya ako ikakasal." Parang nangangarap na sambit ni Cristine habang tinitignan ang buong simbahan. Nagkatinginan kami ni Andrea at parehas din kaming napangisi.

"Ayain mo na kasi si Jon para magpakasal." Pang asar ni Andrea.

Umirap ito."As if naman he likes me noh. Super arte kaya ng lalaking yan."

Tumawa ako."Tanungin mo baka gusto niya." Sabi ko ng natatawa

"No way!" Agad na sabi nito.."I'm not desperate. I'll find another guy na lang noh." Sabi nito at tumingin kay Jon na nakikipag usap kay Ash habang tumatawa. 

Tumawa kami ni Andrea habang pinagmamasdan itong nakatingin kay Jon. Mukhang inlab ang loka. Natotorpe sa bestfriend.


Lumapit sa pwesto namin sina Cray, Jon at ang kadadating lang na si Geo. Nakita ko agad ang ngisi niya at kumaway sa akin. Nginitian ko rin siya. Busy na talaga itong lalaking to. Di ko madalas mahagilap eh. Kahit sa pagbisita sa akin ay di man lang niya magawa. Mas busy pa kaysa kay Cray. 

"You shut up." Napatingin ako kay Cristine na mukhang iritado sa tumatawang si Jon sa tabi nito. Napailing ako nang nakita ko ang pagpula ng pisngi nito sa pag akbay ni Jon dito. Hay, ang sweet naman kasi ng lalaking bestfriend kaya nainlab si babaeng bestfriend. Ito namang lalaki, hindi man lang mapansin si babae. Nako naman, Lucky im inlove with my bestfriend ang peg.

Nagsimulang tumugtog ang kantang for all of my life piano instrumental. Nagsimula na ding maglakad ang groom na kabadong kabado. Gwapong gwapo sa kanyang kulay puting tuxedo at may matang sobrang saya. Sa ganitong pagkakataon, makikita mo talaga na hindi lamang ang mga babae ang kinakabahan. Pati ang mga lalaki ay marunong ding kabahan sa mga ganitong sitwasyon. Masaya ako para kay Ania at Ash.Finally, they're walking down the aisle with full of love and hold with each other arms. 

Nagbukas ang pintuan ng simbahan at lahat kami ay nakaabang ang tingin duon. Pagkabukas nun ay bumungad sa amin ang nakangiti at super gandang bride. Halata na ang umbok ng tiyan nito. She's very stunning. Sa kanyang kulot na buhok na pinalibutan ng bulaklak ay mas lalong nakapagpadagdag ng kanyang kagandahan. Sa kanyang paglalakad ay ang pagtugtog ng kantang 'Your the inspiration ni Diane elise'..Humawak ito sa kanyang ama na naiiyak sa tabi niya. They happy. 

'you know our love was meant to be..the kind of love will last forever..

and i want you here with me

from tonight until the end of time..'

Nakangiti ang lahat ng nandito sa simbahan ng magsimulang tumulo ang luha ni Ania. Nakita kong deretso ang tingin nito kay Ash na naiiyak na din sa harap ng altar. Masaya ako sa para sa kanila. Tinignan ko si Cray, nakangiti ito. Ganun din si Jon at Geo. Bestfriend silang apat at alam kong marami na silang pinagdaanan. At sa lahat ng iyon ay nalagpasan nila ng magkakasama. At ngayon ay nandito sila para sa importanteng araw ng kanilang kaibigan at suportahan ang kasiyahan nito. They're friendship is very strong. And i'm happy na nakilala ko ang mga taong ito.

'you're the meaning in my life, you're the inspiration

you bring feeling to my life you're the inspiration..'

Alam ko at ramdam ko ang ganitong feeling. Naranasan ko na ito. Nung kinasal kami ni Cray ay sobrang saya ko. I feel like i need to give my heart to him. Sobrang saya ng pakiramdam na pagkatapos ng unos na dumaan sa inyong dalawa ay dito pa rin ang bagsak niyo. Masarap sa pakiramdam. Because no matter how hard the struggles that come in your relationship, what more important is, you two still holding in each other hearts. Na sa kabila nang dumaan sa inyong dalawa ay nanatili pa rin kayong matatag.Saludo ako sa mga relasyong hindi bastang basta natitibag. Na sobrang laki ng pundasyong itinayo at hindi bastang bastang natitibag nang kahit na anong bagyo at kung gaano man kalakas ito.

Sa pagbitaw ng vow nang dalawa ay naiyak ako. Ganun din si Andrea at Cristine na nasa tabi ko. Nagpunas ako ng luha at nakangiting pumalakpak nang inianunsiyo ng pari ang huling parte ng kasal. They are perfect for each other.

"That's so sweet." Nagpunas ng luha si Cristine at nakangiting nakatingin kila Ash na buhat si Ania ng pangbridestyle. Maraming flash ng camera ang sumalubong sa kanila at talagang sweet na sweet sila duon.

"Magpakasal ka na din kasi." Rinig kong sinabi ni Jon dito.

Umiling na lang ako. Manhid alert. Tanga nitong si Jon eh. Nandiyan na nga ang napakaganda niyang bestfriend eh hindi man lang niya makita. Buhay nga naman oh parang life.

"Congrats girl." Niyakap ko si Ania nang mahigpit pagkatapos nang nakakapagod na pictorial. Masyadong masaya ang briede na hindi na niya inintindi ang kumakalam naming tiyan..hihi..joke.. moment nilang dalawa yan ni Ash kaya pagbigyan.


"Thanks, Gab." Masaya ito. Halata sa kanyang mukha ang kasiyahan at kakuntentuhan. Ganyan tlaga pag bagong kasal. Kuntento at masaya ka sa buhay dahil nahanap mo na ang lalaking magmamahal sayo at ihaharap ka sa altar. Makukuntento ka dahil alam mong nahanap mo na yung makakasama mo habang buhay. Yung mamahalin ka sa hirap at ginhawa. Na sa bawat paggising mo sa umaga ay may yayakap at lalambing sayo para maging masaya ka. Yung papangitiin ka araw araw at sa tuwing malungkot ka. Its not perfect, but you can tell, you're satisfied. Yung may magpupuno sa puso mong may kulang noun. Na mayroon kang hihintayin sa bahay at may mauuwian. Merriage is not a word, its a sentence. A life sentence.

..............................................................................................................................................

sorry for the wrong grammars and typo's guys..wala na akong time para iedit ang mga yun. Pasensiya kung masyadong madaming mali. Ieedit ko na lang yun pag nagkaroon ako ng time...sorry guys..

please vote and comments..

Continue Reading

You'll Also Like

788K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2M 79.3K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.2M 27.8K 31
Haciendero Series V The Zein Aguire and RC Joaquin Story