Two Hearts become One(Sequel...

By Cute2ng

275K 6K 188

Life is not easy.. yan ang natutunan ni Gabrielle sa pagpapanggap niya bilang asawa ni Cray.. Everything is n... More

Two Hearts become One(a sequel story of IHPW)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2.
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28:
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Epilogue.
The Real Finale.

Chapter 14.

6.1K 158 9
By Cute2ng

Chapter 14

Gabrielle POV

Pagkadating namin sa office ni Cray ay agad akong sumalampak sa sofa na nadito sa office niya. Grabe, parang pagod na pagod ako ngayong araw na ito. Tinatamad din ako at parang gusto ko na lang ang humiga at matulog. Inalis ko ang heels ko at ipinatong ko ang mga paa ko sa sofa.

"Hay. Nakakapagod." Buntong hininga ko habang pinipikit ang mga mata.

Hinayaan ako ni Cray. Hinayaan ko din siyang magtrabaho. Inisip ko ang lahat nang nangyari ngayong araw. Yung pagbabago ni Amanda. Yung mga pagkilos niya. Alam ko na hindi dapat ako mabahala dahil mahal ako ni Cray. Pero meron at meron pa rin akong pangamba. Siguro yun ay ang katotohanan na si Amanda ang nag iisang babaeng minahal nito nuon. Inisip ko na paano kung magkapalit kami ng posisyon? Na paano kung marealized ni Cray na si Amanda pa rin ang talagang mahal niya? Am i ready to set him free kung sakaling mangyari iyon? No of course. I'm not going to set him free that easy. I'm the legal wife now. I have the right to fight for what is mine. 

Sa sobrang kakaisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako samahinang tapik sa pisngi ko. Nagmulat ako nang mata at nakita ko si Cray na nakatayo sa harap ko.

"Finally your awake." Sabi nito..bumangon ako at tumingin sa labas. Glass ang kompanyang ito kaya kitang kita ko na madilim na sa labas.

"What time is it?" Tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko.

"Eleven."

Nagulat ako. Ang tagal ko pa lang nakatulog. Nagsquat si Cray sa harap ko at siya ang nagsuot ng heels ko sa akin. Ngumiti ito sa akin at inalalayan akong tumayo. 

"Are you hungry?" Tanong nito habang nakasakay kami ng elevator. 

"Hindi naman masyado." Sagot ko.."Pero parang may gusto akong kainin." Sabay lunok ko.

Tumingin si Cray sa akin. Nagtaas ito ng kilay.."What is it?"

Nagkamot ako ng ulo.."Hindi ko nga alam kong ano yun eh. Basta yung matamis at maasim." Sabi ko.

Nung isang araw pa ako nagcra-crave ng ganung pagkain. Hindi ko nga lang alam ko ano ba talaga yung gusto ko. Basta matamis at maasim. 

"Ano yun? Candy?" Takang tanong nito

Umiling ako.."Hindi yun. Ayoko nang ganun. Basta maasim at matamis." 

Hindi ito nagsalita. Tinitigan niya lang ako.

"Wag na! Isipin ko muna kong ano talaga yung gusto ko." Sabi ko at lumabas na ng elevator.

Sumunod ito sa akin. Wala nang tao sa dito sa kompanya. Tanging ang mga security guard na lang ang nandito na busy'ng busy sa pagmamasid sa buong kompanya.

"Ano ba talaga yung gusto mo? I'll buy for you. Fruits?" 

"Wag na nga. Hindi ko alam ang pangalan nun. Hindi ko alam kung ano." Iritang sinabi ko.

Nang makarating kami sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan nito ay agad akong lumapit sa kotse nito at binuksan ang pinto at pumasok. Inilagay ko din ang seatbelt ko at sumandal na duon.

Ilang segundo pa itong tumunganga sa labas bago nagtatakang sumakay ng kotse. Tinignan niya na muna ako bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Tahimik lang ako buong biyahe. Nakatingin sa mga ilaw na nalalagpasan namin. Nararamdaman kong tumitingin tingin sa akin si Cray pero di ko na siya pinansin. 

Nang makarating kami sa bahay ay tamad akong bumaba ng kotse. Pinagbuksan kami ni Manang Lena ng pinto at dumeretso ako sa sofa at padabog na umupo duon. Itinaas ko pa ang mga paa ko sa mesa para marelax ang mga iyon. Tinignan lang ako saglit ni Cray at dumeretso na nang hagdan  paakyat sa kwarto namin. Hinayaan ko na lang siya. Iisipin ko muna yung gusto kong kainin. Pero ilang minuto na akong nag iisip ay hindi ko pa rin maisip yung gusto ko talaga. Kung anong pagkaing matamis at maasim ang gusto ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. May mga pagkakataong nagcri-crave ako ng pagkain na madalas ayaw ko. Minsan naman ay yung madalas ko ding kinakain ang mga gusto ko.

"I'll cook. what do you want?" Nakababa na pala si Cray galing kwarto at nakabihis na rin ito nang puting sando at itim na pajama.

"Wag na. Matulog ka na lang." Sabi ko sa kanya. Gabi na din at ayoko na siyang abalahin. Sigurado naman akong may pasok pa yan bukas.

:But you said your hungry."

"Di na. Hayaan mo na ako dito. Matulog ka na lang. Matutulog na rin ako maya maya." Sabi ko.

Tinitigan niya lang ako ng mataman. Pero dahil siguro pagod siya ay hinayaan na lang niya ako. 

Pumasok ako sa kusina at nagkalkal nang pagkain sa ref. Nakakita ako roon ng isang kahon ng pizza. Kinuha ko iyon at umupo sa counter ng kitchen. Nilantakan ko agad iyon. Basta talaga may cheeze gustong gusto ko. Nang maubos ko ang buong pizza ay satisfied na dumighay ako. Kahit hindi ako nakatikim ng maasim at matamis ngayon. Nakakaing naman ako ng pizza. Okay na ako duon. 

Nang matapos akong kumain ay bumalik ako sa sala. Binuksan ko ang tv at nanuod. Pinalipat lipat ko lang iyon at nang makita ko ang palabas na safe haven ay nanatili ako duon. Ilang beses ko na itong napanuod. Ang ganda ng story. Tungkol ito sa isang babaeng nagtago sa ibang lugar upang takasan ang asawa nitong pulis. Sa lugar kong saan ito nagtago ay nakilala nito ang lalaking isang single father. Gusto ko ang storyang ito dahil nagpapakita na kahit nangsinungaling yung babae sa totoong identity niya tinanggap pa rin ito nang lalaki. It was just like our story. Na kahit nagpanggap akong asawa ni Cray ay nagawa niya pa rin akong patawarin at tanggapin sa buhay niya ulit.

 Nang matapos ang palabas ay pinatay ko na ang tv. Nakaramdam na din ako nang antok kaya pumanhik na rin ako sa kama namin. Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako ng pinagpapawisan. Agad akong bumangon nang maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. Tumakbo ako papasok nang banyo at duon sumuka. Pinagpawisan at parang nanghihina ako nang matapos akong sumuka. Naghilamos at nagmumug ako. Wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa pagbaliktad ng sikmura ko.

"Nasobrahan yata ako sa pizza kagabi." mahinang sabi ko

Lumabas ako ng banyo at nahiga ulit sa kama. Tinignan ko ang oras na nakasabit sa dingding. Alas nuwebe na nang umaga. Kaya pala wala na si Cray. Malamang nasa trabaho na iyon. Ipinikit ko ang mga mata ko at matutulog ulit. Pinagpapawisan ako kahit na malakas ang aircon sa kwarto namin. 

Hindi ko alam kung ilang oras aulit akong nakatulog. Nagising ako sa katok ni Manang Lena sa pinto nang kwarto.

"Kanina pa tumatawag si Cray. Ba't raw di mo sinasagot ang tawag niya." Sabi nito nang pagbuksan ko siya.

Tumango ako.

"Okay ka lang ba?"

"Okay lang po manang." 

Tumango na lamang si Manang Lena at umalis na. Nang makaalis ito ay agad akongpumasok sa banyo at naligo. Pagkalbas ko duon ay nagring ang cellphone ko.

"Hello."

"Finally! I been calling you in a hundred times. But your not answering your phone."  

"Sorry, Hubby. Kagigising ko lang eh." Matamlay na sabi ko.

"Are you okay? Are you sick?" Worried na tanong nito

Umiling ako."Masama lang yung pakiramdam ko but i think i'm okay." Sagot ko sa kanya, umuupo sa kama.

"I'm going home. Aalagaan kita."

"Wag na, Hubby. Dont bother, im fine." Mabilis kong sinabi.."Wag ka nang mag abala. Just do your work there and dont worry about me, kay?"

"You sure?"

"Yep" Sabay tango ko.

I Heard him sighed.."Okay. Just take care okay? And call me if somethings happened."

"Okay, Hubby. Take care. I love you."

"I love you too, Baby."

Pinindot ko ang end button at bumaba sa kwarto. Nakasalubong ko si Manang lena at niyaya niya akong kumain. Nakita ko ang niluto nitong sweet and sour pork. Nagningning ang mga mata ko at agad umupo sa upuan.

"Pinaluto yan ni Cray. Sabi mo raw kasi ay gusto mo nang matamis at maasim na pagkain." Sabi ni Manang Lena habang sunod sunod ang pagsubo ko nang pagkain.

Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Grabe, parang isang linggo akong di nakakain. Nagutom ako nang makita ko ang niluto ni Manang Lena. Siguro dahil na rin sa pagsuka ko kanina kaya gutom na gutom ako ngayon.

"Dahan dahan lang at baka maimpatso ka niyan." Sabi ni Manang Lena at naglapag ng pineapple juice sa harap ko.

Ngumiti ako sa kanya at uminom. The best talaga si Manang Lena. Maasim na nga ang niluto nitong ulam, maasim pa ang juice na binigay nito.

Pagkatapos kong kumain ay umupo lang ako sa kusina at nanuod ng tv. Parang kagabi lang eh no. Dejavu ba? Napatigil ako nang makita ko kung ano ang palabas sa tv. Isa iyong prutas na kulay red ang balat. Anong pangalan niyan? Dragon fruit? Napalunok ako sa nakikita ko sa tv. Parang guto ko to ah. Nakakatakam ang itsura at yung kulay. Kinuha ko ang cellphone ko at agad dinial ang number ni Cray.

"Baby? Is there something wrong?" Pambungad nito..Mahina ang boses nito.

"Where are you? Bakit ang hina ng boses mo?" Tanong ko

"I'm with a meeting." Mahina pa ring sabi nito.."Excuse me everyone. i just answer my wife's call." Narinig kong sinabi nito sa kabilang linya.

"So what is it?"

"Pwede bang bilhan mo ako ng dragon fruit?" Sabi ko habang titig na titig sa tv.

"A what? Dragon fruit? What's that?" Tanong nito

"Yung kulay red ang balat na parang pinya pero maliit lang siya. Tapos yung laman ay kulay puti. Gusto ko yun Cray. Bilhan mo ako ah."

"San naman ako maghahanap nun? I dont know what's that Dragon fruit that your talking about. I dont familiar on that fruit." Nahimigan ko ang pagkainis sa boses nito.

"Basta gusto ko yun!" Sabi ko sa kanya..Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang ulo ko sa narinig ko sa kanya.."Wag na wag kang uuwi kung wala kang dalang dragon fruit para sa akin." sabay pindot ko nang end button.

Naiinis ako. Wala lang siyang mabiling dragon fruit lagot siya sa akin. Bwisit yun. Magrereklamo pa yata. Kainis. Minsan na nga lang akong humiling magrereklamo pa. La akong pake kung di niya alam ang prutas na iyon, basta gusto ko iyon, wala siyang magagawa...

..............................................................................................................................................................................

I want to say sorry for the wrong typos and grammar guys..

Next Update: Sunday...

Please vote and comments..

Continue Reading

You'll Also Like

369K 6.7K 21
"Handa akong gawin ang lahat, matutunan mo lang akong mahalin." Teenager pa lang si Charito, alam na niyang si Matthew ang gusto niyang mapangasawa...
2M 78.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 37K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
350K 5K 32
READ AT YOUR OWN RISK! Angela needed money for her parents. Handa siyang gawin ang lahat para sa mga ito maging ang pagpayag sa kasunduang inalok sa...