Chapter 7
Gabrielle POV
Katulad nga ng gusto ko. Kinabukasan ay una kaming namasyal sa La Presa. Malayo ito sa hotel na tinutuluyan namin pero its all worth it dahil sa ganda ng tanawin. Over looking ang view at talagang magagandahan ka sa makikita mo. Sayang nga lang at walang shooting ang forever more ngayong araw. Kada sabado lang daw sila nagsho-shoot.
Kumuha ako ng picture sa lahat ng magagandang makikita ko. Nakakatuwa talaga ang lugar na ito. Malamig na, sobrang ganda pa ng mga tanawin. Ang alam ko, hindi sitio la presa ang pangalan nito eh. Sitio Pungayan ang totoong name ng lugar na ito. They started to call it La Presa nung nagsimulang magshoot ang forevermore dito. I dont know. Yun ang dinig ko sa mga tao dito sa lugar na ito eh.
Pagkatapos naming malibot ni Cray ang buong La Presa ay nagtungo naman kami sa strawberry farm. Pwede kang magharvest duon ng bibilhin mo. Enjoy na enjoy ako sa pagpitas ng mga strawberries. Actually maraming mga tourist spot dito sa baguio. Yung Botanical Garden, Camp john Hay, Mines view park, Burnham Park, at marami pang iba.
" Cray, punta kaya tayong sagada noh?" Suggest ko kay Cray ng pabalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin. Katatapos lang namin magpunta sa Camp John Hay. Nalibot na namin ang mga ibang pasyalan dito sa Bagiuo. At dahil madilim na din naman ay naisipan na naming bumalik sa hotel.
" Pwede rin." Tipid na sabi nito.." After nating malibot lahat ng mga magagandang park dito."
Tumango ako at excited na pumasok sa hotel na tinutuluyan namin. Pagod ako sa pamamasyal pero hindi ko yun inalintana. Nagpadeliver si Cray ng pagkain namin.
" Ang ganda talaga dito noh? Grabe. nag eenjoy ako sa mga tanawin." Sabi ko kay Cray habang kumakain kami.
Tumingin ito sa akin.." Halata nga." Sabi nito at kumain ulit.
Sinimangutan ko siya. Akala mo naman hindi nag enjoy eh mas madami pa nga siyang picture kesa sa akin.
" Nga pala, gusto kong pumunta sa inyo." Biglang sabi nito pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Napatingin ako sa kanya..
" Sa amin? Sa Ilocos?" Tanong ko.
Tumango ito.
" Bakit naman?" Takang tanong ko. Ngayon lang kasi nito sinabi ang bagay na iyon. Dati parang wala siyang paki kung san man ako nanggaling pero ngayon, gusto na niyang pumunta?
Nagkibit balikat ito.." Gusto kong makita kung san ka lumaki." Sagot nito aat nagpatuloy sa pagkain.
Binalewala ko na lang iyon. Ano namang masama kung gusto niyang makita kung san ako lumaki? Wala naman diba? Pero maarte ang lalaking yan. hindi siya sanay sa mga pangmahirap na lugar. Baka pag nakita niya ang lugar kunbg san ako lumaki, lalait laitin niya lang. May pagkabastos pa naman ang bunganga niyan..
" Wag ka nang pumunta dun. Wala rin namang magandang pasyalan dun eh." Sabi ko..
" Ano ka? Meron kaya. sa Vigan? Malapit na duon yung sa inyo diba?" Sabi nito.
Kahit ano pang sabihin nito, hindi ko siya ipupunta duon. Ang dami kayang tsismosa dun sa amin.
Kinabukasan ay naglibot ulit kami ni Cray. Dalawang araw na kami dito at bukas ay pupunta na kaming sagada. Isang linggo lang kami dito sa Baguio dahil balik trabaho na ulit si Cray. One week lang kasi ang leave nito sa office eh.
" Saan tayo sunod?" Tanong ko kay Cray habang papalabas kami ng 'the Mansion'.. Kumuha ako ng mga iilang pictures at hinarap siya.
" Tara sa Cathedral." Sabi nito..." Pero kumain na muna tayo." Sabay hawak nito sa kamay ko at hinila ako palabas.
Hinayaan ko siya sa paghila sa akin dahil gutom na din naman ako. Sumakay kami sa isang taxi para pumuntang SM...dun na namaing naisipang kumain. Pagkadating namin duon ay pumasok kami sa Mcdo. Nag order si Cray ng pagkain at ako naman ang naghanap ng upuan namin. Kumain kami duon at nagkwentuhan. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming tumulak papuntang cathedral. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Cray duon. Maganda siya. Sa ilang beses kong nakarating dito sa baguio ay kahit minsan ay hindi ko pa ito napuntahan.
Pumasok kami sa loob nun. May iilang mga taong nagdadasal akong nakikita at sa gilid ay mga magbabarkadang kumukuha ng mga litrato. Naglakad kami ni Cray papunta sa mga upuan at lumuhod duon. I bowed my head and started to pray. Nakita kong ganun din ang ginawa ni Cray. Actually, wala na akong mahihiling pa. Because i'm contented with my life now. Having a man who always there loving me over and over again is a contentment in my life..Asawang mapagmahal, pamilyang laging andiyan para sa suportahan ako. kaibigang masasandalan at ang mga bago kong kakilalang tumanggap sa akin ng totoo. Having them is a God's gift to me. Alam kong hindi perpekto ang buhay pero magiging perpekto lamang ito kung matututo kang makuntento. I'm contented. And i can wait for the next gift that god given to me. And that's our baby.
...........................................................................................
Hi sa mga new followers ko.(.kaway kaway)..thanks for voting guys..:)