Chapter 31

199 10 1
                                    

Chapter 31



NANDITO ako ngayon natambay sa tindahan ni Lola. 'Yong sa tapat ng MIS, natatandaan niyo pa ba 'yon?



At syempre ano nga ba gawa ko rito? Nanonood ako ng kdrama kasama si Lola. Tsaka kinakausap ko rin siya paminsan minsan pagcommercial na. May anak siya na nagtratrabaho daw at madalang umuwi. Pero hinahayaan na lamang ni Lola ito dahil nagbibigay naman ito sakanya ng pera pambili ng mga bagay na kakailanganin niya.

Medyo naawa ako kay Lola dahil sa sitwasyon niya ngunit sino ba naman tayo para ijudge 'yong anak niya. Ni hindi nga rin alam ni Lola kung ano trabaho ng anak niya. Baka naman kumakayod talaga ng maagi ito.

Nabanggit rin niya na may estudyante rin namang pumupunta sakanya dito, at chinecheck siya. Tinutulungan rin daw siya minsan pakyawin ang tinda niya dahil palaging malaking pera ang dala niya kung bibili ito.

Habang nanonood kami ay napakunot ang noo ko noong may tumatawag sa tindahan.


"Pabili! Pabili po!"

Ano ba 'yan! Nanonood kami dito ni Lola eh!


"Hoy, anak! Assist ka nga doon!" utos saakin ni Lola.

Nubanaman 'yan! Istorbo!

Wala naman akong nagawa at tumayo saaking pagkakaupo. Medyo sumilip silip pa ako sa TV para panoorin kung ano magaganap.

"Pabili!"

"Teka, heto na!" agaran akong lumapit sa tindahan.


"Ano bibilhin?" tanong ko rito at binuksan ang maliit na pinto.




Nagulat naman ako noong biglang may ulo na mahabang buhok ang sumilip doon.





"Karen?!" tawag nito sa pangalan ko. Nagulat rin naman ako sakanya, ngunit agad kong iniba ang ekspresyon ko.





Raven, kasi pangalan ko. Raven, ano ba 'yan.





"Anong bibilhin mo, Boy Yabang?" diretsong tanong ko dito. Oo, si Haru ang bumibili dito ngayon.

"Teka, ba't ka nandito?"

"Tumatambay," tipid kong sagot. "Ano? May bibilhin ka ba o wala?!" Ang bagal niya kasi, nalalaktawan ko na pinapanood namin eh.

Nakita kong tumingin tingin naman siya sa mga paninda na nakadisplay. Oh kita mo, 'di pa nakapagpili eh.

"Ah itong gummies na lang," turo niya sa garapong may gummies sa uod.

"Ilan?"

"Ilan ba lahat 'yan?"

Napatingin naman akong seryoso sakanya. Sigurado ba siya sa tinatanong niya? Alam ko na modus nito eh! Pabibilangin ako kung ilan tas isa lang pala bibilhin.


"Ginawa mo pa akong tanga, ilan nga bibilhin mo?"

"Lahat nga diyan!"

"Weh? Totoo? Isusumbong kita kay Lola!" paghahamon ko dito.

"Sige, sumbong mo, tawagin mo!"

"Anak, ba't ang— Oh! Anak! Nandito ka pala!" bati niya kay Haru.

Anak rin tawag niya rito?

"Hi po, Lola! Lalo po kayong gumaganda ngayon ah, nagskiskincare ba kayo?" bola nito sa matanda.

"Naku! Tamang hilamos lang, Iho! Baka gusto mo lang naman mangutang eh!"

"Ah hindi po! Bibili po ako gummies, lahat 'yan. Ngalang 'yong tagabantay po, ayaw ako iassist," pagsisimangot nito at pagsumbong niya saakin.

"Ah iassist mo na 'tong si Haru, anak! Siya 'yong namamakyaw ng mga paninda ko minsan eh!"

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Haru. Hindi ko inisip na ganito siyang tao. Mas ineexpect ko lang pagtripan niya ang matandang ito.

Hindi na lamang ako nagreklamo pa at binilang nga ang gummies na natira.

"Twenty-three pieces, twenty-three pesos lahat,"

"Sige kunin ko, pati na rin mga tsitsirya na mga nakadisplay," saad niya at kinuha ang wallet niya.

Tatanungin ko na sana siya ngunit may ibinigay ng plastic si Lola saakin kung saan ilalagay daw doon lahat ang mga chips. Kinuha ko na lang iyon at tinulungan ako ni Lola na maglagay ng mga chips doon. Ako na nagbilang ng mga pinamili niya. At umabot iyon sa 183 pesos.

"One hundred, eighty-three pesos lahat," Binigyan niya naman ako ng one thousand.

Magaalangan pa sana ako dahil baka walang sukli si Lola ngunit kinuha na ng matanda ang perang hawak ko at pumunta sa isang kwarto. Maya maya lamang ay may dala dala na itong mga perang panukli.


"Ilan ba sukli, anak?" tanong nito saakin.

"Eight hundred, seventeen po," sagot ko.

"Galing ah?" rinig kong compliment ni Haru saakin. Nakatitig ito saakin at nakangiti.


Anong nakain nito?

"Thank you po, Lola!" paghingi nito ng pasasalamat. "Teka, nanonood po ba kayo ng kdrama? Tara! Sali po ako!"

"Sige, sige! Anak, pasok!"


Habang papasok si Haru ay tinitingnan ko talaga siya nang may pagtataka. Ano ba plinaplano nito?

Bago pa man siya makatungtong sa sala ay kinurot ko ang gilid niya.
"Anong ginagawa mo?"


"Nagdadate kasama si Lola," tipid na sagot niya at kumain ng gummies. "Gusto mo?" alok nito saakin.

Hindi naman ako sumagot at tinignan lamang siya ng may pagkairita.
Bakit ba siya nandito?

"Ano ba 'yan! Dapat sinampal na nong babae 'yong higad na 'yon eh!" komento ni Haru sa pinapanood namin.

"Oo nga Iho! Pero wala ka talagang magagawa kung gusto mong gawin ang gusto mo ngunit maraming nakakakilala, at may ineexpect sila sa'yo. Dapat kung artista ka, role model ka sa lahat," Napatigil naman kami ni Haru sa narinig. "Minsan 'yan talaga nangyayari saatin, kahit hindi tayo artista ay hindi natin magagawa ang gusto natin dahil sa mapanghusgang mundo." dugtong niya.

"Teka, alas syete na ah? Hindi ba kayo uuwi mga anak?" pagiiba nito ng topic.

"Ayaw mo na ba saakin, Lola?" tanong ni Lola dito.

"Hindi sa ganoon, baka magalala mga magulang niyo sa ginagawa niyo!"

"Sige po, isasara na lang po namin ang tindahan niyo bago kami umalis." sagot ko dito, at lumabas sa bahay para isira ang tindahan.

Aakmang iaabot ko na sana ang bahaging kahoy na magsasara sa tindahan ngunit mabilis naman itong ginawa ni Haru. Kung hindi ko nasasabi sa inyo ay mas matangkad siya saakin.

"Tatambay ka ba doon sa bahay?" mahinang tanong niya saakin.

"Mamaya pa siguro, kakain muna ako,"


"Gusto mong sumabay saakin kumain?"

Nagulat naman ako sa sinabi nito, at mas lalo siyang tinignan ng masama.



"Hoy! Ang weird mo ngayon? Ano ba nakain mo?!"

"Tanga, nagassume ka ba? Wala lang akong kasamaang kumain kaya niyaya kita!"


"Ganoon?"




"Bilis, paalam na tayo. Minsan lang naman ako magaaya eh."




Teka, good mood ba siya?
Sana araw araw na lang.











Agent RavenWhere stories live. Discover now