Chapter 35

203 10 0
                                    

Chapter 35

ALAS OTSO na ng gabi, at sa isang malaking mansion ay may dalagang mabilis maglakad papunta sa opisina ng kanyang ama. Noong papunta siya doon ay nakita na naman niya ang tauhan ng kanyang ama galing sa opisina nito.


Minalditahan niya ito at kitang kita ang pagtawa ng mga tauhan na iyon sakanya. Hindi dahil kinukutya nila ito, kung hindi nakyukyutan dahil sa palagi niyang reaksyon sa tuwing magkikita silang lahat.


"DAD!" sigaw ng dalaga dahilan upang mataranta ang mga lalaki at mabilis na tumakbo. "Stupid jerks." bulong na lamang niya sakanyang sarili.


"DAD!" tawag nito sa ama pagkapasok na pagkapasok niya sa pintuan. Sa pintuang iyon ay kitang kita niya naman ang ama niya na busy basahin ang mga papeles niya. Hindi nagabala ang ama niya na tingnan siya at nagtanong na lamang.

"Bakit? What do you need?"

"Plano mo ba siyang patayin ha?!" diretsong tanong niya sakanyang ama.

Sa sandaling iyon ay napatigil na ang kanyang ama sa pagbasa ng isang papeles at sa wakas ay tinignan na siya nito.

"Saan mo nalaman 'yan?" tanong nito sa anak.

"So plano mo nga siyang patayin?!"



"NO! I DON'T! HINDI AKO GUMAWA NO'N!" depensa ng ama sa sarili.

Hindi pa sana maniniwala ang dalaga sakanya ngunit sa pagkakaalam niya ay hindi marunong magsinungaling ang ama. Lahat ng plano ng ama ay ibinabahagi niya sakanyang sakanya kahit muwang na bata pa lang ito noon.


"Then who?"


"Why would I kill him if I'm planning to marry you off with him? I'm not that stupid, dear." pagrereal talk nito sa anak. "Ako na bahala alamin kung sino ba ang gustong pumatay sakanya, pero sa nakalap ko— it was C who's giving him death threats. Maybe it was him, and I think it was kind of organization. Marami sila." pagreport nito sa anak.

Napakagat naman ng labi ang dalaga sa sinabi ng ama. Naku, delikado ang mahal niya!


"And about your classmate," natigil ang pagkabahala ng dalaga at napalitan ito ng inis at galit. Kung natatandaan niya talaga ang kaklaseng iyon na dikit nang dikit sa Haru niya ay naiisip niya talagang sabunutan ang babaeng iyon dahil sa gigil.



"What about her?"


"I think, she's the one we should finish." maotoridad na saad ng ama niya. "She's no one, our private investigator can't find her real identity. Maybe she's the one who's trying to kill the heir. She's been clinging with him lately," hindi naman makapaniwala ang dalaga sa sinabi ng ama. "See these pictures," paglatag nito ng mga litrato sakanyang lamesa.


Dahan dahang lumapit naman ang dalaga sa lamesa ng ama. Doon ay makikita niyang magkasama si Haru at Raven, naglalakad ang mga ito sa gabi, sabay kumain, at sa huling litrato na nakita niya na mula sa bintana  ay nasa silid ng kwarto sila na nakahiga si Raven at nakahubad pa ang mahal niya.

"This can't be..." hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikitang litrato.

"She's hiding her real identity behind the name of Rylie Karen Legaspi, known as the niece of Riyee Legaspi— the current wife of President Manaturi. She's from states and nothing else more."

"SHE'S DEFINITELY A FUCKING WHORE!" sigaw nito at hindi inalintana ang sinabi ng ama. Siya nga ay hindi niya man lang mahawakan si Haru tapos marami na silang ginawa nito na magkasama?!

Agent RavenWhere stories live. Discover now