Chapter 37

198 9 4
                                    

Chapter 37








MAGULO AT NAKAKASULASOK. 'Yan ang pwede nating ideskripsiyon kung nasaan ngayon si Raven, at Ashton. Nasa labas sila ngayon sa isang beer house, at sa likod daw ilalim ng lugar na ito ay isang battleground.


Muli ay nagkatinginan ang dalawa at nagsimula nang maglakad papasok sa beer house.






Pagkapasok na pagpasok nila ay kukunti lamang ang mga taong nakaupo. Hindi na sila magtataka kahit noong binabantayan nila ang labas ay maraming mga tao ang pumapasok dito. Siguradong pumunta 'yong iba para panuorin ang mga laban o sila ang sasabak doon.



Maya maya lamang ay sinunod lamang ni Raven si Ashton papunta sa counter. May kung anong inorder doon si Ashton ngunit imbes na inumin ay papel ang binigay. Nagtataka man ngunit tumahimik lamang si Raven. Ang kasama niya kasi ang mas nakakaalam.



Naglakad si Ashton papunta sa likod at nakita naman niyang may nagbabantay na dalawang malaking tao doon. Triple pa yata ang laki sakanya. Makikisig at malalaki ang mga balikat at kamao nila.


Ibinigay naman ni Ashton ang papel ang sa isang bouncer, tinignan naman niya ito, at sa sandaling iyon ay binuksan na nito agad ang pintuan. Walang kahit anong boses ang maririnig sakanila, hanggang tinginan lamang sila.



Grabe naman yung pahkakaintindihan nila.


Naunang tumapak si Ashton doon at sumunod naman si Raven. At sa pagpasok nilang iyon agad namang nalaglag ang panga ni Raven sa mga nakita.




"WOHOOO!"

"KAYA 'YAN! 'WAG KANG PAPATALO!"

"YES! PATAYIN MO SIYA!"




Puno ng tao ang lugar, iba't ibang klaseng mga tao. Sa baba ay may mga maiingay at nagchecheer sa laban at sa itaas naman ay mga VIP na tahimik lamang na nanonood sa ibaba. Kasalukuyang nasa gitna sila ng mga ito, at may hagdanan silang dadaanan. Either papunta sa itaas, o papunta sa baba.



Ang ayos ng battleground ay parang nasa isang UFC place ka. 'Yong lugar na kung saan nagwrewrestling ang mga tao doon. Ngunit ang lugar na ito ay mas malaki pa doon. Malaking porsyon pa kaysa sa doon.


Sabay na bumaba sina Raven at Ashton. Sa pag baba nilang iyon ay nakita nilang may iba doon na nagbebenta ng kung ano ano. Mga sigarilyo, droga, mga patalim, at lighter.


"Hoy pusta na kayo! Dali dali!" rinig nilang pagaaya ng isang tagabantay doon. May bigote ito at malaki ang tiyan.



Nagkatinginan muna sina Raven at Ashton bago sila lumapit doon.

"Bago lang ba kayo dito?" tanong nito. "Hindi ko kayo nakita noon,"


"Ah opo, boss!" pagsakay ni Ashton dito. "Sino sino ba maglalaban na mga gang ngayon?"



"Naku! Marami maraming mga gang na lalaban ngayon eh!" Pinakilala naman ni Manong malaking tiyan ang mga gang na maglalaban laban ngunit isang gang lamang ang nagpatinag sa dalawa.




Ang gang nina Haru, at mga walanghiya.

Ang Haiyan Gang.


Saan nanggaling ang Haiyan? Sa mahanging bagyo lang naman. Oo, literal na bagyo. A super typhoon that killed 6,300 people. Oo, ganon karami. It hit the Philippines last November 2013, at ang super typhoon na ito ay pwede niyo ring tawaging Super Typhoon Yolanda.


Agent RavenWhere stories live. Discover now