Chapter 26

248 17 4
                                    

Chapter 26




"HINDI mo talaga ako ihahatid kung saan si Haru, hindi ba?" diretsiyahang tanong ko sakanya.

Kanina pa kasi ako nandito, sa labas ng SSG room eh. Ngunit halos lahat ng mga members ay nagsiuwian na. Tanging siya na lang talaga ang nandito.

"Mamayang 8 pm pa ako pwedeng lumabas, may ginagawa pa ako." bagot na saad nito.




"Sana sinabi mo man lang, edi sana kanina pa ako umalis!" reklamo ko dito ngunit nagkibit balikat lamang siya.



Bumuntong hininga na lamang ako at umalis.



Wala akong pakialam kung may ginagawa talaga siya o kung nagpapalusot lang siya pero kung hindi niya ako kayang dalhin doon ay gagawa ako ng sarili kong paraan.













Haru



BIGLA akong nagising sa aking pagkakatulog noong may naramdaman akong malamig na hangin. Hindi ko alam ngunit nagsitayuan ang mga balahibo ko.



Napatingin naman ako sa bintana at nakita ko namang bukas iyon, kaya siguro malamig.



Dahan dahan naman akong tumayo sa aking pagkakahiga at unti unting naglakad papunta doon.



Sa paglapit ko doon ay ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadapo saakin. Puting puti ang buwan na sadyang ikinaganda nito. Kitang kita ko rin ang mga bituin na kumikislap at ang mga puno na nagsasayawan.


Pinikit ko ang aking mga mata at mas dinamhin ang kalikasan.





Sana ganito na lang palagi katahimik ang paligid ko. Walang gaanong iniisip na problema at tanging nakahinga lamang ako. Bakit kasi hindi ako pwedeng mamuhay ng ganito araw araw.




Napabuntong hininga muli ako at binuksan ang aking mga mata.




"BOO!"


Muli akong napapikit at agad na napaatras noong may umihip sa mga mata ko.




Naging alerto ako at tinignan kung sino yun. Ngunit parang napako ako saaking kinatatayuan noong makilala ko ang pagmumukha niya.





"Hay naku! Dito ka lang pala nakatira! Hayop na Kian yun! Di pa sinabi eh, naghintay pa ako ng ilang oras don." reklamo niya at kumuha ng timing para tuluyan ng makapasok dito sa kwarto ko.





"P-Paa-- Bakit ka nandito?"





"Wala lang, gusto lang kitang kamustahin." nag hairflip siya at naglakad sa kama ko at doon umupo.




Hindi ko siya pinansin at mabilis akong naglakad papunta doon sa bintana. Tinignan ko ang ilalim, at nakita kong gumamit siya ng hagdanan.




Tangina? Wala bang kinakakatakutan tong babaeng 'to?





Tinignan ko siya muli at nakitang kong may hawak hawak na itong picture frame. Agad ko namang kinuha sakanya iyon at kwinelyuhan siya.






"Pinadala ka ba dito ng matandang iyon?!" nanlilisik kong tanong sakanya ngunit wala man lang akong nakitang takot sakanyang mga mata. Napabungisngis lamang siya at tinap ang balikat ko.




"Kalmahan mo lang, pre. Hindi ka pa nakakakain no? May binili akong balut doon sa kanto niyo, nasa bag lang. Baka gusto mo?"




Hindi ko naman pinansin ang mga sinasabi sakanya at mas hinigpitan ang pagkwelyo ko. Ngayon kitang kita ko ang repleksiyon ng mukha ko at ang buwan sa mga mata niya. Ramdam na ramdam ko rin ang paghinga niya saaking mga labi.





"Hindi ako nakikipaglokohan sayong babae ka." talagang pinanilisikan ko ang mga mata niya.



"Sagutin mo yung tanong ko o gusto mong mamatay ora mismo ngayon? Tandaan mo nasa puder kita ngayon, babae."




Nakita kong naging seryoso na ang mukha niya saaking mga sinasabi ngunit agad naman itong napalitan ng ngisi.





"Binabantaan mo ba ako?" tanong nito.


"Hindi ba obvious?" ngisi ko rin dito. "Ngayon ay sabihin mo saakin ang totoo, pinadala ka ba nila dito o ano?"




Hindi niya ako sinagot at tinapig niya ang kamay kong nakakwelyo sakanya. Agad naman akong napabitaw sa kwelyo niya dahil sa sakit ng pagkakatapig niya.




"Nanakit ka pala ng babae ngayon ha?"


"Gusto mo talagang mamatay ha?"



Aakmang itutulak ko siya sa isang pader ngunit kinuha niya ang braso ko at ako ngayon ang tinulak niya sa pader.



"'Wag na 'wag mo kong babantain na ganon. Baka nakakalimutan mo yung sinabi ko noon? Naku, oo nga pala, nauntog yung ulo mo. Well, ipapaalala ko sa'yo. Ganitong ganito rin kalapit ang pwesto natin noon." matamis siyang ngumiti at inilapit niya ulit ang mukha niya sa aking tenga. "Anak nga ako ni Santanas. Remember?"


Hindi ko alam ngunit mas lalong nanindig ang balahibo ko pag sinasabi niya ang katagang iyon kaysa sa lamig ng hangin na dumapo saakin noon.



Hindi ko naman siya pinaglagpas na takutin ako at itinulak ko siya sa kama. Doon ay ikinulong ko siya sa mga bisig ko.



"Kung ikaw anak ng santanas. Ako, isa ako sa mga demunyong sinasabi mo."



"Crush mo talaga ako 'no?" bigla niyang pagiba ng istorya. Kung kaya't agad namang kumunot ang noo ko.




Itinuro ng mata niya ang kama at agad naman akong napatayo noong makuha ang sinasabi niya.


Agad naman siyang humalakhak matapos nang pagtayo kong iyon. Dahan dahan siyang umupo at tinignan ako ng may ngiti sa labi.


"'Wag kang magalala ako lang magisa at nagdesisyong pumunta dito. Grabe naman pala pag nagsama ang takot at galit mo, grabe ang intense. Grrr!"



"Kung ganon, ano ba talaga ginagawa mo dito? Alam mo bang pinapatay namin ang makakaalam sa bahay na 'to?"

Wala siyang pake sa sinabi ko at Humiga ulit sa kama.



"Weh? Ba't di niyo pinatay si Kian? Member na ba siya ng grupo niyo?" saad niya na ikinagulat ko naman.




Agad kong hinila ang mga paa niya pinalapit saakon. "Paano mo alam 'yon?"


"Sabi ko nga sa'yo-"


"You have your ways." pagdugtong ko sa sasabihin.



"Woah. Alam mo na ah! Very good!" hanga niyang saad.



"Hindi ko na tatanungin pa kung sino ka ba talaga o kung ano ka o anak ka ba talaga ni Santanas. Pero may tanong lang ako sa'yo." seryoso kong saad sakanya at nakita kong medyo nag seryoso naman siya.




"Alam kong may nangyari pa noon noong pinalinis tayo sa abandonadong kwartong iyon. Anong nangyayari? 'Wag mong sabihin na wala dahil hindi ako bulag o bata na kaya mong utuin. May narinig rin akong mga putok ng baril. May mga nangyari, hindi ba?"




Tinignan niya naman ako ng matagal at mukhang nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya o hindi.





"Ang totoo.. may nagtatangka sa buhay mo." sagot niya sa tanong ko na ikinagulat ko naman. "Hindi lang ito simpleng mga tao na pwede mong awayin, Haru. Sobra pa to sa mga iniisip mo. At sa oras na hawak ka nila ay siguradong hindi mo kakayanin. Mamatay ka, Haru. Mamatay ka."


















Agent RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon