Chapter 41

192 6 0
                                    

Chapter 41







UMAALINGAWNGAW ang katahimikan sa bahay ngayon ni Shian—ang headquarters ng Haiyan Gang.







Ibang iba ang atmospera ng bahay ngayon.








Kung noon ay magulo at nagkakasiyahan silang lahat ngunit ngayon ay parang nagkalat ang kalungkutan na pakiramdam sa bahay.







Kasalukuyan sila ngayong nagkalat sa sala. Nakaupo man o nakahiga. Ngunit sa salang iyon ay nagkagulo ang mga kagamitan.






Ang mga bintana ay nabasag, ang lamesa ay nabasag rin. Parang may dumaan na bagyo sa buong headquarters nila.










Ang mga postura at ayos nila ay gusot gusot at may mga bahid pa ng mga dugo. Ang mga mukha naman nila ay hindi maipinta ang itsura, may nalulungkot, naiinis, at nadidismaya.







"Naawa ako kay Haru.." biglang basag ni Bryce sa katahimikan habang tinitignan ang kamao niyang sugatan.




Ang suot suot nitong white sando ay may mga bahid ng dugo na naghahalo halo na.






Ilang sandali lamang ay hindi na napigilan ni Bryce at tuluyan na itong naiyak.





"Magiging ok ang lahat, Bryce.." lapit ni Ivan dito at niyakap siya. Lumapit rin si Bryan para makiyakap sakanila.


Napatahimik naman at napatungo ang iilan sa iyak ni Bryce na iyon.



Kung sino pa ang laging masaya o pinakamasaya ay siya pang pinakamalakas na umiyak at dinidibdib ang lahat ng mga bagay.




Hinayaan lamang nila si Bryce na umiyak at napapatingin na lamang sa mga sugat na nasa mga kamao nila.



"Noon hindi ko naisip na masusuntok ko siyang ganoon pero gago, nagawa ko," ngising saad ni Zack ngunit kitang kita pa rin sa mga mata niya ang pagkadismaya.





"Pabayaan natin siya, ginusto niya 'yon," malamig na saad ni Shian.






Bumubulyaw at parang naiinis man ngunit nalulungkot rin siya para sa kaibigan. Ngunit bilang leader ng grupo ay dapat lang niyang gawin iyon. Para iyon sa ikakabuti ng lahat.






"Pwede naman natin iyon pagusapan eh," biglang komento ni Vincent at agad namang tumayo si Brandon para kwelyuhan ito.







"Have you lose your mind?! Gago ka ba?! Sa ilang years nating pagsasama ay pinagmukha tayong tanga ng tanginang 'yon!" sigaw ni Brandon sakanya.




Ang tahimik na Brandon, ay wala na sakanyang rubics cube at biglang na lamang nagsalita na may galit na dinaramdam.



"Bitawan mo nga ako!" tulak ni Vincent sakanaya. "Bakit ba galit na galit ka kay Haru?! May dahilan siya kaya niya ginawa 'yon!"





"Tinatanong mo ako?! Tinatanong mo ako ba't ako galit?! Tangina?! Hindi mo ba alam na lumalatay ang dugo niyang iyon sa dugo ng mga mamamatay tao na 'yon?!" nanggigil na sigaw nito.

"Kami?!" turo niya sakanyang sarili at kina Xander, Kyle, Zack, Joshua, at Lance. "Ginulo ng pamilya niya ang buhay namin! Kaya dapat lang iyon sakanya!"





"TANGINA! TUMIGIL KA NA!" mula sa pagiyak ay biglang tumayo si Bryce at sinuntok si Brandon.





"Anong kinalaman ni Haru sa ginawa ng pamilya niya?! Grabe kang makapagsalita! Parang di mo naging kaibigan si Haru ah?!"






Agent RavenWhere stories live. Discover now