Chapter 11

364 25 0
                                    


Chapter 11

GULAT NA GULAT yan ang nakita kong ekspresyon galing kay Boy Yabang. Nagtataka siya at parang 'di makapaniwala na nandito ako ngayon sa pamamahay nila.

As usual mukhang wala pa 'ring ligo ang itsura niya. Medyo malinis lang yata siya tingnan dahil sa suot niyang black three piece suit. Tsk.


Lima kami na nandito ngayon, si Lady Riyee, Haru, ang President at ang Chairman ng Manaturi Group.


Ang Ama at Lolo niya.

Master Ryxer Hoshi Manaturi at Master Ryxer Rin Manaturi.


Sa mundo ng Manaturi ang mga kalalakihan ay dapat may 'Ryxer' sa pangalan.

Aba't ewan ko sa trip nila.
Walang pang nakakaalam kung bakit. Nalaman ko lang kay Xia.


Nakaformal suit ang lahat. Nakagray three piece suit si Mr. Chairman at parehong nakablack three piece suit si Mr. President at si Boy Yabang. Nakared dress naman si Lady Riyee at ako? Nakagold. Gold ako 'eh.

Tahimik lamang kumakain ang lahat.
Napawkward ng buong dining area ng Bahay ng Manaturi ngayon.

Ba't kasi may pawelcome-welcome dinner pa? 'Yan tuloy.



Alam ng Mr. Chairman, Lady Riyee at Mr. President na nagpapanggap lamang ako. Kunti lang ang mga nakakaalam na isa akong spy dito. Sila ni Mr. President at iilang mga trusted bodyguards lamang nila.


Taimtim lamang ako kumakain ngayon. Ang sarap kasi ng pagkain nila. Seafood.

Halos lahat ng putahe ay seafood. Mahilig rin siguro sila sa seafood.

Habang taimtim akong kumakain ay napatigil ang lahat dahil biglang tumikhim si Mr. Chairman.

Si Boy Yabang naman ay parang walang pakialam at bored na bored pa ang tangna.

"It is nice to finally meet you, Karen." nakatipid na ngiting saad naman nito saakin. Nginitian ko naman siya pabalik.


"Same to you, Mr. Chairman."

"I am also glad to finally meet you, Karen." saad naman ni Mr. President at ngumiti rin naman ako sakanya.


"How is your first day in Manaturi International School? You are in the same section with Haru, right? I guess, you finally meet each other,"
nakatitig na tanong naman saakin ni Lady Riyee.

"Well, the school is huge and all neat. Pwede nang ipanglaban sa ibang school sa US. Students were also great and they treat me really nice. It looks like the school is really teaching them a well-mannered behavior. " sarkistong sagot ko kay Lady Riyee at nakangiting tumingin naman kay Haru.

Kumakain lamang ito na kumakain. Parang ilang araw na gutom 'eh.

Parang gusto ko naman siyang ibalibag noong tumingin rin siya saakin at nakakaasar rin niya akong nginitian.

"O-oh well, that's good to h-hear", mukhang 'di makapaniwala na saad ni Mr. President. Tsk. Tsk. Mukhang alam niya yata ang nangyayari sa school?

"Uhmm I heard you did cutting class again, Haru? Where did you go?" tanong naman ni Mr. Manaturi sakanya.


Hindi naman tumigil sa pagkain si Haru at kumain lamang ng kumain.



"Haru! Your father is talking to you. Manners please." saway ni Lady Riyee.

Tumigil naman siya sa pagkain at uminom ng tubig.


"Paki niyo ba, wala na kayo 'roon" sagot nito sa magulang niya.


Aba't! Bastos na batang ito!
Kung ako sinampal ko na 'yong bibig niya 'eh.

"Haru! Don't talk to us like that! Your father is just asking nicely!" saway ulit ni Lady Riyee sakanya. Si Mr. President naman ay kumakain lang na para bang walang nangyayari ngayon sa hapag kainan.


"Heh! Tumahimik ka nga, Melinda! 'Wala ka naman dito sa usapan 'eh. Sabat ka ng sabat!" biglang sigaw ni Haru na agad na napatigil kay Mr. President sa pagkain. "Hay naku! Tapos na ko kumain. Sibat na 'ko!" agad na paalam ni Haru at tumayo sakanyang inuupuan.

"Y-young Master!!" tawag ni Butler Edwin dito noong tuluyan siyang naglakad paalis.
Aakmang susundan niya ito ngunit pinigilan siya ni Mr. President.

"Let him go, Edwin." utos nito at nagpatuloy lamang sa pagkain na parang walang nangyari.


Napahawak naman sa sintido si Mr. Manaturi at si Lady Riyee naman ay parang 'di maipinta ang mukha.

Teka, ba't Melinda tawag ni Haru sakanya?
Sa pagkakaalam ko ay Riyee Legaspi-Manaturi ang name nito?

Ha?


•••


NANDITO na ako ngayon sa kwarto ko at hindi ako maka get over sa nangyari.
Nag aaway pala sila. Ang gulo gulo siguro dito sakanila araw araw 'no?

Nakapagbihis na ako at nandito ako ngayon sa veranda, nagpapahangin.
Nakasuot ako ng black hoodie at shorts.

Narealized ko lang, ang ganda ganda ng dress ko kanina 'di man lang nila napansin. Wala silang taste. Tsk.

Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin lamang sa labas. Bilog na bilog ngayon ang buwan at ang sarap ng ihip ng hangin. Ang lamig!

Tumingin naman ako sa baba. Mini Garden pala dito sa baba. May mga halaman, maliit na pond at may dalawang bench lang.

Habang nagmumuni muni ako dito at napatigil ako noong may narinig akong tunog ng cellphone. Aakmang papasok ako sa loob para tingnan sana kung cellphone ko 'iyon ngunit may narinig akong boses na labas.


Agaran akong umupo sa sahig at gumapang papunta sa railings ng veranda upang silipin kung sino iyon.

Si Haru.

Umupo at tumalikod ako railings para hindi niya ako mapansin.

"Buti naman at napatawag kayo! Shit. Wala na akong matutuluyan mga pre. Nahanap ako ng family butler namin doon sa tinutuluyan ko. Saan na ako titira nito?" namomoblema na saad ni Haru.



"Paano ka ba nahanap? Tsaka teka, bakit ka muna nila talaga hinanap?" saad ng boses na telepono. Mukhang isa sa mga kaklase ko 'yon. Tandang tanda ko pa ang mga boses nila.


"Tangina! So ito ngayon, tanda niyo 'yong bago nating kaklase? Pamangkin pala iyon ng Matildang 'yon!" sagot nito.


Teka, hindi ba Melinda 'yong kanina? Ba't naging Matilda?! Ano ba talaga?!




"Wait, WHAT?! IP-AR? IP-AR? ISTUGO? ISTUGO?" rinig kong sigaw ni Boy Bunot.


"ANONG IP-AR? TSAKA ISTUGO? TEKA! ANO BA 'YONG SINASABI MO?! BASTA TULUNGAN NIYO KO! WALA NA AKONG LUGAR NA TITIRAHAN!!" gigil na sigaw ni Haru.



"Aray pre! Ang sakit sa tenga 'yong sigaw mo! Oo na! Tutulungan ka namin! Pero may isa pa tayong problema, tol."


"HA?! PROBLEMA?! ANO 'YON?!"

"Nandito ngayon sa presinto sina Lance at Dash, pre. Nahuli silang nakikipagbakan kanina." rinig kong sabat sa kabilang linya.

"ANO?!"

Agad naman akong napakagat ng labi noong marinig ko ang sigaw niyang iyon.



Paano kung malaman nila na ako 'yong babaeng tumulong sakanila?

LAGOT.













•••


Agent RavenWhere stories live. Discover now