Chapter 19

285 25 0
                                    

Chapter 19



"HA?" parang sabog pa na tanong ni Haru. Hays, mukhang 'di pa nakagetover sa kilig ang loko.

"Basta sundan niyo ko!"

Lumabas siya sa room at nauna ko naman siyang sinundan. Sa paglalakad ko ay rinig na rinig ko naman ang mga kaklase ko.

"Hala niyo!"

"Magd-drop out na kayo niyan!"

"Hala!"

"Ano ba kayo! Dapat think positive! Kita niyo nga oh magkasama sila at silang dalawa lang ah!"


"Ay Oo nga"

"YIEEEEEEE"

"YIEEE MAGKASAMA SILA"


Mga hayop.

Pustahan. Kinikilig 'yong isa diyan.


'Di ko na lamang sila pinansin at tuluyan na kaming nakalabas sa detention room.
Agad naman akong nakaramdam ng kaginhawaan sa pagtapak na pagtapak ko pa lamang sa labas ng pinto.



Ah yes! Hangin!




Parang nakahinga ako ng maluwag noong nakaalis ako sa silid. Parang kasing talaga impyerno doon dahil apakarami talagang estudyante at pawang mga sardinas kami na nasa lata.

Tumuloy na lamang ako sa paglalakad at sinundan ang officer.

Sa paglalakad namin ay napapalingon ang lahat ng tao saamin ngunit wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin nila.

Nakita kong papunta kami sa building namin.


Ano bang gagawin niya saamin?


Pumasok kami sa loob at naglakad lamang kami na naglakad hanggang sa tumigil kami sa isang pinto.

Binuksan niya iyon gamit ang susing hawak niya at pumasok doon.

"Pumasok kayo!" inis na pasigaw ng officer saamin.


"Ampota. Ansungit naman niya. Kala mo siya may ari ng school na'to"


Muntik naman akong matawa dahil sa bulong ni Haru. Ngunit buti na lang ay napigilan ko iyon dahil baka kung ano pa talaga ang mangyari saamin.

Pumasok kami at nakita kong puro mga lumang libro ang mga nakatambak dito. May mga sirang lamesa at upuan 'rin.

"Imbis na magaway at magpatayan kayo. Bakit hindi niyo na lang muna linisin ang mga kalat dito?! Aba'y nakakatulong pa kayo hindi ba? Kung ayaw niyo naman maglinis, edi wag! Magpatayan na lang kayo diyan pero walang uuwi hangga't 'di niyo nalilinis ang kwartong 'to! Naiintindihan niyo ba?!"


"H-Ha? Teka lang naman po. Ang laki naman nang kwartong ito para linisin lang naming dalawa." reklamo ko.

"Aba'y kasalanan niyo 'yan. Magdusa kayo, dzuh."

Aba't!

"Hindi! Hindi kami maglilinis!" rinig kong sigaw ni Haru.

"Oo! Hindi! Bahala kayo diyan!" pagsangayon ko naman sakanya.


"Tsk. Hindi niyo ba narinig 'yong sinabi ko kanina? Edi don't nga diba? Hala sige magpatayan kayo diyan hanggang sa malinis na 'yong kwarto. Kung may mamatay, wala kaming pakialam!" mabilis na sagot niya saamin at agad namang napalaki ang mga mata ko noong tumakbo siya papunta sa pinto at isinarado iyon.


"Baliw yata 'yong officer na 'yon ah" nasaad ko na lang.

"AARGH! KASALAN MO TALAGA ANG LAHAT NG 'TO!" sigaw niya kung kaya't 'di naman ako makapaniwalang napatingin sakanya at tinuro ang sarili ko.


Agent RavenWhere stories live. Discover now