Chapter 12

358 26 0
                                    

Chapter 12



"SHIT. Sige papunta na ako diyan pre."

Tsk. Tsk.

Susundan ko ba siya? Wag na siguro ano?

Tinignan ko ang relo ko.
10:00 PM pa lang naman pala.
Pero kailangan ko 'ring gumising ng maaga para bukas. Tsaka baka aagahin pa ako pag sinundan ko siya.

Pero oo nga pala. Kailangan ko talaga siyang sundan. Kailangan ko siyang bantayan 'kong saan man siya pupunta.


Hayop. Ba't ko ba pinili itong trabahong ito.

Noong naramdaman kong wala na ang presensya niya ay dali dali kong kinuha ang mask at black cap ko.

'Di na ako lumabas ng kwarto ko at agaran akong tumalon sa veranda ng kwarto ko.




"AAHHHH! TANGINA! GAGO!"

"Ha?— HALA UY! TANGINA!"


Agad akong iniwas ang mukha ko patalikod at tinakpan ang mga mata ko. Napansin ko namang nagayos siya at inayos ang pantalon niya.


"TANGINA! SA'N KA NANGGALING?! BA'T KA BIGLA BIGLANG SUMUSULPOT DIYAN?!"

"HAYOP KANG GAGO KA! BA'T KA UMIIHI DIYAN SA POND?! NAKAKADIRI KA GAGO!" sigaw ko sakanya.

Tangina akala ko umalis na siya! umiihi lang pala sa pond nila gago! Wala ba silang CR?!

"Tangina! Pake mo ba?! 'Eh pagmamay-ari naman namin 'to! Pero wag mong ibahin ang usapan! Paano ka kaaagad napunta diyan?! May narinig ka ba? May narinig ka ba ha?!" sigaw niya. Lumapit siya saakin at hinawakan ang braso ko.


Nabigla man ngunit agad kong binaklas ang kamay niya sa braso ko.

"Hoy! Gago 'yong kamay mo! Kakahawak mo lang sa ano mo 'eh! At ano ba diyang pinagsasabi mong narinig?! Kaya nga ako tumalon diyan kasi akala ko walang tao dito 'eh!" sabat ko sakanya.

Hindi niya pwedeng malaman na may narinig talaga ako.

"Hindi ako tanga para 'di mo marinig iyon! 'Eh apakalakas ng boses ko at nakaloudspeaker pa 'tong cellphone ko!"

"'Eh kasalanan mo naman pala ba't sumisigaw sigaw ka tas ayaw mo pa lang iparinig! Nagiisip ka ba?!"

"Loko ka ah! Baka nakakalimutan mong may atraso ka saakin?!"

Hayop. Oo nga pala. Natadyakan ko pala siya.

"Nakikita mo 'to?! Nagkapeklat ulit ako dahil sayo! Nadamage ang pogi na mukha 'kong 'to!"

'Di ko naman napigilang napatawa sa sinabi niya.

"Ayos ka pre, pagpatuloy mo 'yan. Baka madiscover tayo,"

Nagpapatawa siya 'eh 'di 'rin naman ako may gawa sa pagmumukha niyang 'yan.

"Tangina! Wag mo 'kong biruin na ganyan! Dapat matakot ka saakin!"

"Heh! Matatakot? Ako? Sa mukha mong 'yan?! Mukha kang katawa tawa gago!"

"Aba't hayop ka 'ah! Gusto mo bang mabigwasan?!"

"Sus. Natadyakan nga kita no'n 'eh bibigawasan pa kaya?", ngising saad ko.

"Tsk. Hindi lang kita pinalagpas noon dahil alam 'kong babae ka. Pag ginawa mo ulit 'yon, baka makalimutan 'kong babae ka.", ngising banta niya 'rin saakin.


Hindi ko alam. Ngunit parang bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Pero hindi dapat ako kinakabahan.

Isa akong well trained spy agent tas tatalunin lang ako ng isang basugulero?

Agent RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon