Chapter 59

154 3 0
                                    

Chapter 59

RAVEN

"Raven! Anong nangyayari?!" rinig kong sigaw ni Tonton.

Ahh! Ang sakit ng ulo ko!

















Itinaas ko naman ang baril ko at itinutok sa lalaking iyon.

"ANAK! Bitawan mo 'yan!" sigaw sa akin ni papa. Ngunit mabilis ko iyong pinalabas sa kabilang tenga.

"Makinig ka kay papa, bitawan mo ang baril na 'yan!" sigaw niyang muli sa akin.

Hindi ko pa rin siya pinakinggan.



"Raven! Ikaw ba si Raven? Aba makinig ka sa papa mo. Alam mo bang masamang laruan 'yang hinahawakan mo?" sigaw no'ng lalaking nakahawak kay papa.

T-Teka...

Kamukha... Kamukha niya ang papa ko!

Pero ibang iba siya sa papa ko. Parehas lang sila ng ilong at labi, pero ibang iba pa rin ang hugis ng mga mata at kilay nila.

"Bitawan mo si papa!" sigaw ko sa kanya.

"Bitawan mo muna 'yong baril mo," sabat naman ng matandang ito sa akin.

Bigla naman akong nagdalawang isip. Ngunit napatingin ako kay papa, nagmamakaawa ang mga mata nito. Bitawan ko daw ang baril.

Nubayan.


Umupo naman ako at agad ko iyong binitawan.

"Ha! Parehas kayo ng tatay mo, mamamatay tao. Kaya dapat hindi na kayo mabuhay sa mundong 't- ah!"

"AAHH! PAPA!" sigaw ko kay papa.

Bigla kasi itong tumayo, kinuha ang baril sa kanya, at hinampas niya ito gamit ang baril.

"Nagtitimpi lang ako sa'yo, Rowan. But I had enough!" sigaw ni papa sa kanya.

W-Wala akong may naiintindihan.

English kasi.

Binigyan ni papa 'yong lalaking iyon ng napakalakas na suntok, at agad naman itong natumba.

"I let you destroy my fucking life, Rowan! Pero 'wag na 'wag mong idadamay ang anak ko dito!"

Kitang kita ko na sumuka ng dugo 'yong lalaking iyon. Tumawa ito at tinulungan nito ang kanyang sarili na tumayo.

Hala! Baliw na ba 'to?! Ba't 'to tumawa?! Hindi ba masakit 'yong suntok?!

"K-Kulang pa 'y-yan. K-Kulang pa a-ang lahat ng g-ginawa ko sa'yo k-kung ikukumpara mo sa g-ginawa mo sa akin!" Tumutulo ang dugo sa kanyang bunganga habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Ikaw lang ba ang anak para umasta ng ganyan?! Please, Rowan! Maniwala ka nga sa akin! I did not kill anyone!"

'Yong lalaking Rowan naman 'yong nagbigay ng suntok kay papa.

"Papa!" sigaw kong muli sa pangalan nito. Nabitawan nito ang baril na hawak niya.

"R-Raven, 'w-wag kang lumapit," rinig kong saad sa akin ni papa. Hawak hawak nito ang kanyang tiyan. Halatang namimilipit ito sa sakit.

Agent RavenOnde as histórias ganham vida. Descobre agora