Chapter 23

283 24 0
                                    


Chapter 23


"AGENT RAVEN, meet Agent Rosario— your partner."

"Hi!" bati niya at tumango lang ako dito.

"Okay, Raven. I have planned that habang binabantayan mo ang heir. Si Agent Rosario naman ang magbabantay sa iyo. Are we good about that? " matagal naman akong nakasagot at tinignan muna si Rosario bago ako mahinang tumango.


"But, Agent Gonzaga. Ang number one rule natin." Agad naman akong napahinto sa sinabi niyang iyon.






Patay.




"May nakaka alam na ba sa sikreto natin?" tanong niya saakin dahilan upang mas napako ako sa kinatatayuan ko.



"S-siguro?" nasabi ko. Hindi ko pa naman nasasabi kay Kian ng mission kong ito. Pero alam kong malalaman din niya.






"Ano?!" nagulat ako noong sumigaw siya.


"Hala! Chief! Wag highblood! Ikaw po! 'Diba alam niyo naman po 'yong misyon nating ito? Marami kaya ditong nakakaalam sa misyong nating ito, diba?" mabilis na palusot ko.




Nagulat ako noong sinapok niya ang kanyang ulo gamit ang kanyang mga kamay. Agad naman akong napa iwas ng tingin dahil sa ginawa niyang iyon.



Mahirap na mahawa kung baliw man siya hindi ba?




Narinig ko naman ang paghalakhak ni Rosario sa likod. Hmmp! Asitone.



Binalingan ko naman siya ng tingin at tinignan siya ng masama. Ewan pero naiinsulto ako sa tawa niya.



"Ang ibig kong sabihin ay may nakakaalam ba na sa misyon mo maliban saamin?"


Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga pwedeng isali ang pangalan ni Kian. Ayokong madamay siya dito.


"Ah! Sina Chairman at President Manaturi, tsaka si Lady Riyee." sambit ko.



Nakita ko namang parang naiinis na talaga saakin si Chief.

Actually kanina ko pa siya naiinis. Ewan pero nakakatuwa siyang makita pagnaiinis siya. Lumalaki kasi yung ilong niya at tenga.

"GET OUT!"


Bumalabog ang boses niya sa kasulok sulokan ng kwarto.



Nagkibit balikat ako at umalis doon sa office at napansin ko namang nakasunod si Rosario saakin.



'Di naman sa naga-assume ako pero mukhang crush ako ng isang 'to.

Eme.



Pinabayaan ko lang siya at pumunta sa crime interview room.

Ililipat rin namin siya sa presinto ngunit kailangan mo na namin siyang kausapin bago siya kunin ng mga pulis.



Sa pagdakip namin sakanya ay napagtanto kong hindi siya ang sinasabi nilang Ms. Kate o ang guardian officer.


Nagsuot siya ng masskara para maging kamukha 'yong babaeng guardian officer. Napagalaman rin namin na ang totoong guardian officer ay umuwi pala ng probinsya nila. Tsk. Wala siyang kaalam alam na may nagpapanggap pala bilang siya.



Naka school uniform pa pala ako ngayon at napansin kong parang may mabigat sa bulsa ko.
Kinapa kapa ko yun at napansin kong baril pala 'yon.


Agent RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon