Chapter 20

290 24 0
                                    

Chapter 20




KUSKUS DITO, KUSKUS DOON. Arrange dito, arrange doon. Kanina pa ako naglilinis dito. At dahil nga 'di pa ako nakapagbihis nagmula noong kanina ay mas nangulasok 'yong amoy ko at ramdam na ramdam ko 'rin ang lagkit ng katawan ko.




Kung tinatanong niyo kung saan 'yong gago. 'Wag niyong nang tanungin, please.
Kanina pa kasi talaga ako nagtitimpi dito eh. Sinasagad nang bruhong ito.



Maya maya lang ay natapos ko na 'rin linisin 'yong pisara. Agad naman ako napabuntong hininga at napaupo sa isang upuan. Nakakapagod.

Muli ko namang tinignan ang paligid ko. Nakita kong 'yong isang cabinet na lang 'yong 'di ko naarrange. Ngunit apakataas iyon at baka 'di ko maabot kung 'di ako gagamit nang upuan.

Malapit iyon kung saan ngayon nakahiga SI Haru. Hays. 'Di na ako aasa na tutulungan ako nang lalaking ito. Bahala na siya sa buhay niya. As long as he is safe.

Baka masisante pa ako nito pag hindi eh.


"Hoy" tawag ko dito. Ngunit hindi ito sumasagot. "Tumabi ka diyan. Magarrange ako nang gamit diyan. Baka mahulugan ka diyan tas mabagok ulo mo ako pa may kasalanan." ngunit wala pa 'rin akong natanggap na sagot sakanya.

Bahala ka diyan. Binalaan na kita.
Tapos na tapos na talaga ako sa lalaking ito.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimula nang magaarrange ng mga envelope at libro doon.

Sa totoo lang dahil hindi ko pa alam kung saan ko ilalagay ang mga ito ay inilagay ko munang lahat sila sa mga lamesa. Hindi ko sila ibinabalik sa mga lalagyan nila. Bahala na kung mainis 'yong guidance officer. Kasalanan niya iyon, 'di niya kami binigyan ng instructions eh.

Matapos kong kuhanin lahat ng libro ay kukuhanin ko naman 'yong nasa itaas.
Kumuha ako nang bangko at agad na sumampa roon.

"Ha?- AAAHHH!"

Ngunit marupok na yata 'yong upuan at agarang nabali dahilan upang mahulog ako.

Pero 'di lang basta ako nahulog sa kung saan.

Nahulog ako sa katawan niyang nakahiga sa sahig.



At mukha niya pa ako lumanding.

Hayop.

Agaran akong tumayo at napapikit.

"Sorry! Sorry! 'Di ko sinasadya!" mabilis kong paghingi nang paumanhin kahit siya naman talaga 'yong may kasalanan.

Ngunit agad rin naman ako napamulat dahil parang 'di na ito sumasagot.

Hala.

Hinawakan ko 'yong mukha niya at sinampal sampal siya nang mahina ngunit hindi pa 'rin ito gumigising.

HALA

Kinuha ko naman 'yong kamay niya at chineck 'yong pulsuhan niya doon. Medyo mahina ito.

HALA

Masyado bang malaking tama 'yong pagbagsak ko?!

Chineck ko naman 'yong pulsuhan niya sa leeg. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag noong may narinig ako doing pulsuhan.


Medyo buhay pa siya.

Malas naman.

Sa aking pagchicheck sakanya ay niluwa naman noong pinto 'yong Guidance Officer.

"Ay ma'am! Buti naman bumalik pa ho kayo! Pwede na po ba akong umuwi?" biglang tanong ko pagkapasok na pagkapasok pa lang niya.

"Teka! Teka! Anong nangyari diyan?!" turo niya sa gago na walang malay.

Agent RavenWhere stories live. Discover now