Chapter 1

914 59 8
                                    

Chapter 1




RAVEN


NANDITO ako ngayon sa isang bar hinahanap ang dalawang lalaking tumakas kanina sa operation namin at naiilang ako sa suot ko ngayon. 'Yong suot ko kasi ay isang floral dress.



Eh pa'no ba naman kasi 'yong operation namin nasa dining restaurant tapos pinahabol pa ko ng mga letcheng lalaking 'yon papunta dito, ang layo pa naman no'ng restaurant dito! Mga limang kanto yata ang tinakbo namin?



Letcheng mga lalaking 'yon.



“WOAAHH,”



Agad naman akong nairita sa kaingayan dito. Saan na ba yung dalawang yun?




Nakasuot kasi sila kanina ng tuxedo pero hinubad nila yung coat nila kaya naka long sleeves na lang sila ngayon.
Ano kaya trip no'ng mga yun?




Tumingin tingin ako sa paligid at hinanap sila.



Agad naningkit ang mga mata ko no'ng makitang nasa gitna ang isa sa dancefloor— sumasayaw, kasama pa ang ibang mga tao na gumagalaw galaw din na parang walang bukas.




Aba' naman, nakuha pa niyang sumayaw ah?




Nakisiksik ako sa mga sumasayaw para mapuntahan ko ang lalaki pero masyadong marami ‘yong mga tao dito kaya...



No choice.



Kailangan kong gawin ang pangmalakasang technique ko.



Ang... sumigaw.





"Hoy! Ikaw tumigil ka!" Napatigil nga siya pero mukhang hindi lang siya yung tumigil kundi lahat ng tao na nandito ngayon.



Gano'n ba talaga kalakas yung boses ko para mapatigil silang lahat?





Bigla naman siyang tumingin saakin at napatigil ako no'ng makita ang maamo nitong mukha. Para siyang anghel na singkit na hulog ng langit dahil sa kagwapuhan. No'ng nagpaulan siguro si Lord ng kagwapuhan nagswimming siya sa kalsada.



Ah pwe! Landi mo na naman Raven.
Stick sa isa, sa crush ka lang dapat kumarengkeng.




Pero marami akong crush? Sino do'n?
Ah pwe! mission punta mo dito Raven.




Hindi landi!




May illegal kasing transaction kanina na nagaganap, may bentahan ng droga sa bonggang restaurant na pinanggalingan ko at ‘yan ang mission namin. Kailangan namin mahuli ang mga drug pusher na nagbebenta sa mga malalaking tao kaya ganito outfit ko, floral dress. Well, medyo gusto ko rin naman, nagmumukha akong tao.




Malaki ang grupo ng mga drug pusher na 'to. Ayon nga kay Chief, sila pa nga ang nagsu-supply sa mga iba pang nagbebenta sa iba't ibang bahagi ng bansa. Kailangan mahuli rin namin ang drug lord ngunit sa kasamaang palad nakatakas siya. Kaya kailangan kong mahuli ang dalawang lalaki kanina, sila yung susi para malaman pa namin kung kailan at saan magaganap ang iba pang transaction nila. Kung saan kota nila.





"Excuse me miss?—" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad ko siyang sinipa sa kanyang sikmura. Kinuha ko ang braso niya at pinaikot iyon papunta sa likod niya. Agad ko siyang isinandal sa lamesang malapit sa kinatatayuan namin.




"Masyado niyo akong pinapagod! Pinatakbo niyo ako nang limang kanto papunta rito, tas makikita kong sasayaw lang pala kayo? Nakakabilib rin kayo ano?"




Agent RavenOnde histórias criam vida. Descubra agora