Chapter 54

142 6 0
                                    

Chapter 54

RAVEN






"You grew up so well, Ave. We're so proud of you. Welcome back home, sweetie."



Napangiti naman ako sa sinabi niya.



Aaminin ko, natouch ako sa sinabi ni Lolo Antonio. May kung ano sa sinabi niya na humaplos sa puso ko.



Kahit ngayon ko lamang muli sila nakita ay parang napakaligtas ang pakiramdam ko.


Ito ba ang lukso ng dugo?


Bigla namang nalipat ang tingin ni Lolo sa likuran ko kung kaya't agad naman akong lumayo kay Lola at tinignan din ang tinitignan ni Lolo.

"Hi po," bati naman ni Shian sa kanila. "Nice meeting you, sir, ma'am." kinuha nito ang kamay nina Lolo at Lola at nag mano. "I'm Shian po, your granddaughter's friend."


Nakita ko namang biglang napatingin sina lolo't lola sa isa't isa. Kita ko namang ngumisi ng malapad si Lola, habang si Lolo naman ay hindi maipinta ang mukha.

"Hi, iho! Kay gwapo mo namang lalaki. May lahi ka rin ba?" tanong ni Lola sa kanya, at hinawak hawakan ang biceps nito.

"Ah yes po, I'm half chinese po."

"Oh what's your family name, iho?" Kailangan mo pa bang makilala 'yan, Lola?

"Wei, po."

"Nǐ jīnnián duōdà?" tanong naman ni Lolo sa kanya.

Naramdaman ko namang siniko ako ni Ashton sa gilid ko.

"Ano daw sabi?" Hindi ko naman siya sinagot at inindiyanan lamang siya.

"Mainit po di—"

"Shí liù sui," tipid naman na sagot ni Shian.

"Hoy! Ano ba sinasabi nila? Kailangan ko ng translator!"

"Tài niánqīng." Agad naman akong napangisi sa sinabi ni Lolo.

"Hoy, Antonio! Tinatakot mo naman ang bata! Nǐ chīle ma, iho?"

Hays, 'di naman nakakapagtaka na marunong mag chinese 'tong pamilyang 'to.

Yu kaya sila.

Pero bakit Antonio name ni Lolo? Siguro 'yon lang 'yong napili niyang English name.

"Ah hindi pa ho,"

"Kung ganon, tara sa loob! Kumain tayo, naghanda kami ng mga makakain ninyo."

Nakita ko namang pinauna kami ni Lola Zenzen at Lolo Antonio papasok sa loob. Napatingin naman ako kay Ashton na nasa likod ko. Kinakausap niya 'yong isang lalaki, at tinuturo niya 'yong sasakyan niya. Mukhang pinapakuha niya ang mga dala-dala kong mga grocery sa likod.

Napako naman ang tingin ko sa mansyon ng mga Yu. Kung tutuusin ay mas malaki talaga ito kaysa sa mansyon ng mga Manaturi. Mas moderno at sa parteng ito ay glass ang bubong ng bahay.

Hindi ba sila naiinitan dito? Ngunit mukhang mataas naman kasi ang lokasyon ng mansyon na ito kung kaya't hindi ganoon randam ang init.

"Hindi namin alam, ang paborito mong ulam. Ave, pero kung may pagkain kang ipapaluto sabihin mo lang."

"Ah wala na po," ngiting saad ko na lamang.

Hawak hawak pa rin ako ni Lola palakad sa dining room nila. Ano ba naman 'to, ang layo ng lalakarin papuntang dining room.

Ngunit ilang saglit lamang sa paglalakad namin ay napahinto naman kami noong may nakita kaming mga lalaking pababa ng hagdan. Noong natuntong na nila ang paunang palapag ay lumapit sila sa amin at sabayang yumuko.

Agent RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon