Chapter 60

157 2 0
                                    

Chapter 60





"We wish you a Merry Christmas, we wish a Merry Christmas~"



"Wow, mukhang Christmas na Christmas dito ah?" komento ng isang matandang lalaki nakasuot ng butler na kasuotan at sumandig sa kanyang upuan. Pumikit ito at pinakinggan lamang ang musika.




"'Wag kang magulo dito, Cielo. Nawawala ngayon ang tagapagmana," saway naman noong lalaking nakatakip ang mukha at nakatux. Nakamaskara ito upang hindi makilala ng ibang nandodoon. Kasalukuyan siyang humihithit ng sigarilyo.

"Ano na gagawin natin?! Hindi natin alam kung nasaan ang batang iyon!" sigaw ng nagiisang babaeng nakaupo sa hapag na iyon.



"Sigurado ka bang wala kang lead, Kiko?" tanong naman ng matandang lalaking may mahabang puting buhok at may balbas. Nakasuot ito ng pambutler na damit ngunit ibang iba siya ngayon dahil sa kanyang paraan ng pagasta. Nakapatong ang kanyang paa sa lamesa at ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang ulo.




"Nakausap ko na 'yong pamangkin ko, hanggang ngayon 'di pa rin nila alam kung nasan ang tagapagmana ng mga Manaturi."



Muling lumitaw ang inis sa pagmumukha ng babaeng iyon, at hinampas ang lamesa. Habang ang tatlong kasama niya namang mga matatandang lalaki ay walang pake.




"Tumigil ka na sa pagdadabog mo, Riyee. Wala kang karapatan gumanyan. Nasa poder mo na ang bata, hindi mo pa mabantayan ng maayos." muling sabat noong lalaking nakamaskara.




Napakagat naman ng labi si Riyee.


"Excuse me?! Bakit parang kasalanan ko pa? Eh nagtratrabaho din 'yang si Cielo sa mansyon na 'yon ah?!" turo nito sa butler.


"'Wag mo 'kong idamay sa katangahan mo, Riyee. Alam mo namang habang tulog kayong lahat sa malalim na gabi ay tumutulong ako sa pagmamanage ng business namin ni Kiko. Hindi ba Kiko?" Tawag ni Timothy sa kanyang kaibigang si Kiko. Ngumisi ito at kumuha ng isang basong may rum.
Ang business na sinasabi nila ay ang pagbebenta ng mga sako-sakong droga.



"Walang kwentang, lalaki." pabulong na panlalait ni Riyee kay Cielo at agad naman iyon narinig noong lalaking nakamaskara.

"Tumahimik ka na, Riyee." saway muli noong lalaking nakamaskara.

Hindi naman alintana ni Cielo at Kiko ang sinabi ni Riyee dahil nagkaroon sila ng sarili nilang mga mundo. Pinaguusapan nila ngayon ay tungkol sa bentahan ng droga at ang mga panahong muntik na silang mahuli.



"Eh ano ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Riyee. Sa kanilang apat ay mukhang siya lang talaga ang may pake sa pagkawala ng tagapagmana.


"Ano ba, babae?! Kanina ka pa ah?! Malayo pa ang operasyon, ok?! Bakit hindi mo na lang unahin ang asawa mo at gumawa kayo ng sarili niyang pamilya? 'Yan 'yong problemahin mo!" naiinis na saad ni Cielo.

Kanina pa kasi itong kinakabahan at hindi mapakali. Sigurado namang walang kagaguhan na iisipin ang batang iyon. Wala naman sigurong tutulong sa kanya. Oh 'di kaya sa paglalayas nito ay mamatay na 'yon sa gutom sa kung saan. Wala siyang pake sa buhay ng batang 'yon.

Ang sa kanya lamang ay dapat mapabagsak na ang grupong Manaturi. Mawala na sa mundo ang kompanyang iyon, at maghihirap na sila magpakailanman.

Ang pangalan niya ay Ryxer Cielo Vista, anak sa labas at panganay na anak ng Chairman Manaturi.

Anak man siya sa labas ngunit hindi siya nangarap na makuha ang yaman ng Manaturi. Bakit pa siya hahangad ng yaman nila kung gumagawa na lang din siya ng sarili niyang pera?

Agent RavenWhere stories live. Discover now