Chapter 9

395 29 0
                                    

Chapter 9

NANDITO na ako ngayon sa tapat ng gate ng mga Manaturi. Badtrip na badtrip talaga ako ngayon dahil wala na akong phone! Ano na ngayon ang gagamitin ko?!

Hayop.



Ngunit buti na lang sa pagtakas ko kanina ay may namataan akong gas station. Nanghiram ako doon nung phone at doon ay tumawag ako ng police. Syempre gumawa na naman ako ng alibay, sabi ko may nagnakaw ng phone ko tas yung isang kasamahan ko ay sinutosuntok kasi nanlaban kasama ko.



Medyo nahirapan pa nga ako 'eh kasi pinapasagot 'yong kasama ko daw. 'Edi yung pinasagot ko yung isa sa mga tao doon sa gas station.


Pero ngayon ay past is past na. Hays! Malas talaga ang araw ngayon. Umiling ako at huminga ng malalim.

Tinignan ko ang gate nila. Mas mataas pa sa truck ang gate nila. Tumingin naman ako sa paligid at agad naman akong may namataang guard house.

Niloob ko ito at 'di pa naman ako nakakapasok ay bumungad kaagad saakin ang isang guard na nakahiga sa sahig.

Agad naman akong lumapit sakanya at sinusubukang gisingin siya. Ngunit ayaw niyang magising. Tinignan ko naman ang pulso niya at tumitibok pa naman kung kaya't agad akong nakaramdam ng ginhawa.

Ngunit anong nangyari dito?

Inikot ko ang mga mata ko ang mata ko sa paligid. Magulo at makalat ito. May mga nagkalat na mga damit at jacket sa sahig at kung saan saan. Nasa sahig na rin ang flashlight at may spilled na kape rin sa lamesa at pawang tumutulo pa ang ito papunta sa sahig.


May mga nagkalat 'rin na sobre. Ngunit ang 'di maalis ng aking tingin ay isang sobreng may dalawang parenthesis.


Kinuha ko iyon at binuksan.

Nakita ko namang puro mga pictures ni Haru ang mga nandito at satingin ko ay kakakuha lang ng mga litratong ito dahil ganitong ganito ang itsura niya kanina.

Shit. Hindi ko talaga siya nabantayan kanina dahil nagcutting ito at nasa classroom lamang ako.

Ang ibang mga nakuha ay nasa loob naman ng eskwelahan. Posible kaya yata talaga na nasa school ang gustong magtangkang magpapatay kay Haru?

Napatigil ako sa pagiisip nung may naramdaman akong paparating na kotse. Lumabas ako sa guard house at hinarap ang kotse.

Maya maya lamang ay biglang bumaba ang bintana sa backseat at bumungad saakin ang isang napakagandang babae.

"Excuse me, who are you?", maarteng tanong nito.

Seryoso naman akong napatingin sakanya at nagpakilala.

"I'm Karen." Pinakita ko sakanya ang ID ko at pati na rin sa bodyguard rin niya. Hindi na ako nagsalita ng kung ano pa dahil baka may makarinig at hindi pwedeng malaman ng iba na isa akong ispiya.

"Oh! Karen?! Is that you?" pagaacting niya at agaran naman akong ngumiti. "Ako 'to! Your Auntie Riyee!" pakilala niya pa.

Kung ganon siya ang Ina ni Haru.

Bumaba ang isa sa mga bodyguard ni Ms. Riyee sa kotse at binuksan niya ang pinto ng backseat. Tinignan naman ako ng malagkit ni Mrs. Manaturi at parang sinasabing pumasok ako sa kotse.

Bago ako pumasok sa kotse ay palihim ko namang inabot sa guard ang sobreng nakita ko. Agad naman siyang nagulat no'ng makita iyon.

"The guard inside is unconscious." bulong ko sakanya at nakita ko naman itong tumango at may kinausap sa earpiece niya.


Automatikong bumukas ang gate. at bumungad naman saakin ang napakahaba pang daan. Ngunit mula dito ay kitang kita na ang malaking Mansyon ng mga Manaturi.

Merong dalawang daan papunta sa papunta sa Mansyon nila, pabilog ito ang daanan na ito at ang sa gitna naman ay statue at fountain na simbolo na pagmamayari ito ng mga Manaturi.

Huminto ang sasakyan sa hakdan na aakyatin pa. Maraming guard na nakaposition kada hakbang sa hagdan.

Alam ko ang iniisip niyo. Madami na silang guard ngunit bakit hinire pa nila ako? Inuulit ko. Isa ako spy. Hindi alam ng binbantayan ko na binabatayan ko siya.

Maya maya lamang ay may bumukas ng pinto ng kotse at bumaba na ako. Bago ako maunang maglakad ay hinintay ko muna si Ms. Riyee na bumaba.

Dumaan kami sa hagdan at tumigil sa isang malaking pinto, binuksan naman ito ng dalawang guard at hindi na ako nagulat pa.

Malaki ang loob ng Mansyon ng mga Manaturi at sa pagkapasok at pagkapasok mo pa lamang ay hall na agad. Pag may event sa bahay ng Manaturi ay dito nagtitipon tipon ang mga tao. May dalawang hagdan pa paakyat sa taas.

Tsk. Parang sa Cinderella lang.

"Karen, this is Timothy. He will guide you in your room." ngiting saad nito at ngumiti naman akong pabalik sakanya.

Pinauna ko munang lumakad si Mrs. Manaturi at naglakad ito paakyat ng hagdan. Umakyat na 'rin si Timothy nang hagdan ngunit sa kabila ito.

Sa pagdating namin sa taas ay pumunta kami sa isang corridor. Diretso lang kami sa paglakad hanggang lumiko kami sa right way

Hanggang huminto kami sa isang pintuan.
Tinuro niya lang saakin ang pintuan at agad akong tumango.

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Ibig sabihin dito ang kwarto ko.

Sa pagpasok na pagpasok ko pa lang ay agad akong napabuntong hininga. Ang lamig ng aura kanina. Buti na lang ay sanay na ako.








•••

Agent RavenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin