Chapter 5

453 39 0
                                    


Chapter 5


NAKATULALA ako ngayon.
Nakatayo lang sa harapan ng pintuan at gusot gusot ang aking damit.
'Di ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Magagalit ba o maiiyak?





Binaboy nila.




Binaboy nila ang bag ko.



Animo'y parang ginahasa ang bag ko sa kanilang ginawa!
Mga hayop sila.



Kinuha ba naman yung mga baon ko sa bag.



Tsk. Hayop. Mabuti na lang may umaligid umaligid na guard dito at lahat sila pinadetension buti na lang hindi ako pinasama dahil bago lang daw ako at walang kamalay malay sa mga schoolmates ko.






Nakakaputragis naman! Ang saya ng unang araw ko! Umiling na lang ako at napahawak sa sintido ko.




Tinignan ko ang buong kwarto na tinatapakan ko, puno nang kalat ang sahig kahit 'di pa nagsisimula ang klase.






Tinignan ko ang black board at lumaki naman ang mga mata ko.





Syete! Nakakadugo ng mata ang mga nakikita ko. Puro mga hindi inaasahang salita at guhit ang makikita.




Ano ba ang pinasukan ko?
Paaralan ba 'to ng mga estudyanteng walang modo at puro kabastusan ang alam?





Tinignan ko ang mga upuan. Pansin kong may mga bag na sa kanya kanyang mga upuan. Mukhang nandito na rin yung mga kaklase ko. Mukhang namamasyal-masyal lang. Pansin ko rin na parang parehas parehas sila ng bag. Color black na kagaya rin sa akin. Parehas parehas ba talaga bag dito?




Tinignan ko na lang ang seating arrangement. Seven columns and three rows. Ang laki ng agwat ng mga upuan para namang may virus dito ah.


Lumakad naman ako papunta sa likod at patuloy na tinitignan ang kabuuan ng kwarto. Kung hindi lang 'to makalat ay iisipin mong mas mukhang opisina ito kaysa isang classroom. Pure white ang kulay ng buong kwarto na naging sanhi ng napasilaw na sinag na bumabalot sa loob.





Tinignan ko naman yung isang bookshelf sa gilid. Nakakapagtakang luma na ito at maraming sulat sa magkabilang gilid nito.




'Gwapo ni Bryce'
'Tanga, mas gwapo si Shian'
'Mga bobo, si Haru pinakagwapo dito pogi pa'






Bigla naman akong napaismid. 'Di ko alam kung mga babae ba ang sumulat nito o ang mga lalaki rin? Kabataan talaga.








'Chicken is Life'
'Fries Forever'
'Coke lang sapat na'







Tsk. Patay gutom amp.







'Akin lang si Danice with lock² poreber in ever'






'Zaricia Forever 🔒'






Pfft. Jeje amp.
Parang masusuka yata ako ah.









Maya maya bigla akong nagulat dahil sa bell na aking narinig. Mukhang mags-start na ang klase ah?







Umupo na lang ako sa pinakadulong upuan at naghintay ngunit ilang minuto na ang nakalipas wala paring estudyante na dumadating. Ilang saglit lamang ay may lalaking sumilip sa kwarto.






"Excuse me? Are you the new student here? Miss Rylie Karen Legaspi?"








Mukhang hindi siya estudyante dito pero pawang nakasuot siya na pang guro. Ngunit parang napakabata naman niya para maging guro.







Nagtatakang tinuro ko naman ang sarili at tumango naman siya.






"Yes po,"



"I am your Master and Math teacher, Liam Fajardo. You can call me, Sir Liam."




"Nice meeting you po, Sir Liam."




"Nice meeting you too— err— what do you want me to call you?"





"Karen na lang po."



Katunog ng pangalan ko eh.
Alam niyo 'yon?





Karen, tas Raven. Parehas –en dulo.
Basta alam niyo na 'yon. Ba't ba ako nagpapaliwanag?




"Okay Karen, just wait for your classmates here. They are all in the detension room."





"Ha?"




Napanganga naman ako.




Kung ganon mga classmates ko pala yung mga yun?



Nakakatangina naman talaga, oo.






























Agent RavenWhere stories live. Discover now