Chapter 25

286 16 4
                                    

Chapter 25

 

NAGKAKLASE ngayon dito, at history ang tinuturo ngayon. Para namang gusto kong matulog dahil sa boring ng klase namin ngayon. History doesn't interest me.

Tinignan ko naman ang paligid ko, lahat sila ay may kanya kanyang buhay.

Himala pa nga at buhay pa ang bag ko, nagdala pa kasi ako nang sling bag papunta dito.
Kung nagtatanong kayo kung anong laman nang sling bag na ito, syempre..pagkain. Walang iba kung hindi pagkain!

["Ang boring naman diyan, what if magcutting ka?"] rinig kong suhestiyon ni Rosario.

Pero may point siya ano. Wala naman kasi dito si Haru para bantayan ko.

Hindi naman ako nagpatumpik tumpik pa at nagtaas ng kamay.

"Yes, Ms. Legaspi. May idadagdag ka ba patungkol sa leksyon natin?" tanong naman saakin ni Prof.

"Ah none po. May I go to the comfort room?" tanong ko dito.

"Oh I thought may matalinong estudyante na ang magkukusa dito. Pero yes, you may go."

Tumango na lamang ako at umalis na.
Dala dala ko rin ngayon ang bag ko.

"Rosario, pupunta ako diyan sa headquarters." diretsong saad ko dito.

Machichika kami ni Azarah at Xia doon.

"Ba't 'di mo muna hanapin kung nasaan si Haru?" tanong niya saakin.

"Baliw ka ba? Gumagawa nga ako ng paraan hindi ba?" bagot kong saad.

["Heh! Sunduin muna kaya 'yong estudyanteng 'yon?"]

"Teka. Inuutusan mo ba ako?!"

["Tsk. Sinasabi ko lang para mapadali buhay mo."] napabuntong hinga naman ako dahil sa sinabi nito.

Agad naman ako naglakad at bumaba ng building para hanapin sana ang teachers room. Ngunit siniswerte ka nga naman. Hindi pa ako nakakababa ay nandito siya ngayon sa floor namin at halatang papalapit saakin.

"Saan ka naman pupunta?" tanong niya saakin.

"Cutting. Sama ka?

"Mali sa isang President ng council ang magcutting." saad nito at inindiyan ako. Nakita ko namang papalapit siya sa classroom namin.

Hala. Anong gagawin niya sa room namin?!

Pumasok naman siya sa classroom namin at agad ko siyang sinundan. Nasa pintuan lamang ako ngayon at nakikichismis dito sa labas.

Nakita kong nakikipagusap si Kian sa prof namin.

Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila. Puro tango lamang si Prof.

"Uhmm, ok class. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niyo dito.   Ngunit ayon dito kay Mr. President ng council. Isa sa inyo ay lilipat daw sa Class K."

"Class K?"

["Class K?"]

Sabay naming saad ni Rosario. Mukhang naririnig rin niya ang sinabi ng prof.

"Miss Xi? Bago ka lumipat sa section mo, any last word?"

Agad ko namang binalingan ng tingin ang sinasabi niyang Xi. Chinese yata ito.

"No Comment." saad nito at tumayo na. Tumango naman si Kian sa prof at mga kaklase naming mukhang wala namang pake at ihahatid sana siya.

Ngunit papalabas pa lamang sila ay bigla namang nagtama ang tingin ng babaeng kaklase ko.

Agent RavenWhere stories live. Discover now