Chapter 36

200 11 1
                                    


Chapter 36





"Sure ka bang dito 'yon?" Tanong ni Raven sa nagdridrive na si Ashton.





"Hindi, doon pa 'yon," turo niya sa isang eskinta gamit ang bibig. Napatahimik naman si Raven at tinitigan lamang ang eskintang tinuro ng partner.





Hindi sila papunta ngayon sa underground world. Ngunit papunta naman sila sa isang battle ground. Dito pala kasi maglalaban ang gang nila nina Haru laban sa Raven gang.
Grabe nga ang pasasalamat ni Raven lalong lalo na si Ashton na hindi sila natuloy doon sa underground world.





"Dito tayo magpapark, mahirap na at baka pirapirasuhin nila ang baby ko. Maglalakad lang tayo papunta roon, ok?" Tumango naman si Raven bilang sagot.





Tuluyan nang itinigil ni Ashton ang sasakyan at lumabas na sila doon. Bago pa sila maglakad ay may kinuha si Ashton sa likod ng sasakyan.




"Anong ginagawa mo?" kinakabahan  tanong ni Raven sakanya.



Kinuha kasi ni Ashton ang jacket nito at nilalagyan ito ng mga patalim.




"Getting ready,"




Napapikit naman ng mariin si Raven. She knew it. Kahit sa mga ganitong lugar ay pwede pa rin silang mapahamak.




Those place are full of gangsters, members of fraternities, and fighters, at alam niyang ang mga ganoon ay may kayabangan talagang tinataglay. Pag may isa lamang silang nakabangga doon. Boom. Kailangan mo silang labanan. Kung hindi ay papatayin ka nila doon nang wala sa oras.





"Long-range weapons were prohibited, kaya mga daggers lamang mga dala ko. Here," bigla niyang paghagis sakanya ng dagger. Mabilis naman niya iyon nasalo.





Buti na lamang ay nakajacket din siya kung kaya't maitatago rin niya doon ang dagger na ibinigay sakanya. Ngunit sa loob din ng jacket niyang iyon ay nandoroon ang paborito niyang stick na hindi niya pa nagagamit noon pa man.





Kinakabahan man sa mangyayari ay medyo naeexcite siya dahil magagamit niya muli ang astig na armas niyang iyon.






"Ok na 'yan sayo?" Tanong ni Ashton kay Raven kung sakto lang yung binigay sakanyang dagger. Hindi pa kasi ito nanghihingi ng isa pa, ngunit tumango lamang ang dalaga sa tanong nito.






Nakibit balikat na lamang si Ashton sa sagot ng dalaga at tuluyan ng isinira ang likod ng sasakyan. Kung magaalinlangan man ang dalaga kung may magaganap mang laban bibigyan niya na lamang ito ng panibago.






Iniwan nila lahat ng importanteng gamit nila gaya ng cellphone, at relo. Gumamit sila ng mask na natatakip lamang ang kanilang bibig at ilong, at nagsuot na rin ng kanilang mga shades.




Tumingin muna sila sa isa't isa bago sila maangas na naglakad papunta sa eskinita.










Sa kabilang banda naman, ay naging doble ang kaba  at excitement na nraramdaman ng gang nina Haru. Excitement dahil sa magiging laban, kaba sa magiging resulta naging doble ang mga ito dahil sa babaeng kaklase nila na si Karen, pero Raven talaga pangalan niya ha. Baka masanay kayo diyan eh.





Noong ipinagkalat nga ni Bryce na nandoon si Karen sa kwarto kung saan nagpapahinga si Haru ay naggulo talaga ang lahat. Ngunit sa huli, nagpalusot uli si Haru. Sinabing gusto daw sumali ni Karen slash Raven sa gang nila. Kaya daw siya laging nasa kwarto niya dahil nagpupumilit ito kung hindi ay isusumbong daw ang gang niya sa Tita niyang asawa daw ng dean ng MIS.





Agent RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon