Chapter 42

162 5 0
                                    


Chapter 42

RAVEN




14 years ago..








"Stop there, Luke."





Dali dali naman akong nagtago saaking kama.




"So someone's here, huh?"






Nanginginig ako ngayon at namamawis. Iba ang tingin ko sa lalaking yun parang monster!






Bigla akong napasigaw noong rinig na rinig ko ang mga pagkabasag at pagkahulog ng kung mga ano. Rinig na rinig 'ko rin ang iba't ibang mga daing.




Napaiyak na lamang ako sa takot dahil sa ingay na 'yon.







"Papa!"




Paulit ulit kong tawag sakanyang pangalan at sa sandaling iyon. Rinig na rinig ko ang sigaw ng kung ano.





BAAAANNNGGGG




Baril.




Isang putok ng baril.






"PAPA!" malakas na sigaw ko kay papa.




Ngunit sa sandaling pagsigaw ko na iyon ay biglang tumahimik ang paligid. Ngunit rinig na rinig ko ang mabilis na mga yapak papunta sa kwarto ko.





"Raven!"






Boses iyon ni Papa!







Napatingin ako sa labas ng kama ko at nakita ko namang tinitignan ako ng papa ko. Pawis na pawis siya at gulong gulo ang kanyang damit.






"Papa!" Dali dali akong lumabas sa ilalim ng kama ko at tumakbo papunta sakanya.









Kahit pawisin siya ay agad niya akong niyakap, at kinarga.






"Let's get out of here,"






"Ha?"





'Di ko siya maintindihan.
Hindi na lamang ako nagsalita at mas lalong kumapit sakanya.





Lumabas na kami ng kwarto at kitang kita ko ang pagkagulo ng bahay namin.




Basag na basag ang TV ko, nagkanda sira sira na rin ang mga lamesa namin dito. Ano ba 'yan!





Ngunit sa sandaling papunta kami sa pintuan ay kitang kita ko ang lalaking umaaway kay papa. Nakahandusay na siya ngayon sa sahig.





Papalabas pa lamang kami ng pinto ay naramdaman kong napahinto si papa. Ang mga mata niya ay puno ng takot, ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso niya.





Dahan dahan naman akong napatingin doon sa tinitignan niya ngunit nagulat ako noong bigla lamang akong nilapit ni papa sakanyang katawan, tumakbo siya ulit papunta sa kwarto ko. Sa pagtakbo naming iyon ay naririnig ko ang mga pagputok ng mga baril.





Agent RavenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora