Chapter 24

270 14 0
                                    


Chapter 24







ILANG ARAW na ang nakakalipas, ngunit hindi ko alam at ang tanging ginawa ko lamang ay isipin kung sino ang posibleng kalaban ko sa headquarters.

Hindi naman ako pwedeng magconclude agad ng pwedeng maging suspect. Bago pa lamang ang misyon kong ito. Kailangan ko pa maghukay ng malalim at kuhanin lahat ng mga pagkakataon na darating saakin.






HARU

BIGLA akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko ngayon, at sa paggising ko ay ramdam na ramdam ko naman ang pagkasakit ng ulo ko.

"Uy! Uy! Gising na si Haru!" tinignan ko naman kung sino ang nagsalita na 'yon at si Bryan pala.

Napatingin ako sakanilang lahat dito. Wala pala 'yong iba dito, nandito lamang sina Bryan, Bryce, Ivan, Dash, Dominic at Brandon.

"Pre! Kamusta pakiramdam mo? Anong nangyari?! Pinagtulungan ka ba ng mga kalaban natin?!" sunod sunod na tanong ni Bryce.

"Teka. Hayaan niyo muna si Haru, pwede? Haru oh. Tubig." abot saakin ni Dominic. Dahan dahan naman akong umupo at ininom ang tubig.

"Haru, ilan 'to?" tanong naman saakin ni Ivan at pinakita ang tatlo niyang daliri saakin.

"69."

"Hala gago! Dalhin na natin 'yan sa ospital pre!" suhestiyon ni Ivan sa lahat.

"Baliw! Ok pa 'yang si Haru." saad naman ni Dash.

"Sino ka?" pabirong tanong ko naman dito at inabot ang baso kay Dominic.

"Gago?" rinig kong mura nito.

"Pfft! HAHAHAHA! Kinalimutan!" - Ivan.

"Hoy. Tigilan niyo si Haru. Magpapahinga pa 'yan." saway ni Shian sakanila. "Pumunta na muna kayo sa game room." saad nito.


"Hays."

"Sabi ko nga."

"Naku naman."

Nakita ko namang nagdadabog silang lahat na umalis ng kwarto. Nakita ko namang tinignan pa ako ng matagal ni Brandon at inihagis saakin ang rubics cube niyang laging dala dala. Agad ko namang nasalo iyon at napatingin doon. Tumango na lamang ako sakanya at nakita kong tuluyan na siyang nilamon ng pinto.

Tinignan ko naman ng mabuti ang paligid at napatigil naman ako sa bintanang nasa gilid.

Nandito ako ngayon sa isa mga bahay ni Shian. Oo, may sariling bahay siya at ginawa naming tambayan. Wala naman daw sakanya iyon. Mayaman eh, anong magagawa natin.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong niya saakin na may halo talagang pagaalala.

"Masakit ang ulo ko..." sagot ko dito at pumikit.

"Hmm.. magpahinga ka na lang muna." saad niya at kinumutan ako. "Nagaalala talaga kami sa'yo noong makita ka namin noon. Ano ba ang nangya--"

"Teka. Noon? Anong taon na ba ngayon?" biglang tanong ko rito.

"Tanga. 'Wag kang OA. Two days ka pa lang naman, nakaratay diyan." sagot nito saakin na ikinagulat ko. "Mukhang napahaba ang tulog mo dahil sa pagod. Pinagamot ko na rin ang mga pasa at sugat mo kay Tito Whian. Ano ba talaga kasi ang nangyari?" mahinang tanong nito saakin.

Hindi ko naman siya agad na nasagot.

"'W-Wala.." sa totoo lang ay hindi ko 'rin alam kung ano ang totoong nangyari.

Agent RavenWhere stories live. Discover now