Chapter 33

210 9 0
                                    

Chapter 33

NANDITO kami ngayon ni Haru sa isang karenderya, naghihintay ng pagkain. Nilaga at sisig inorder namin. Makikitang kahit gabi na ay marami pa ring pumupunta dito. Ang iba ay umiinom.




Medyo naiilang ako dahil kasama ko ngayon si Haru kumain. Parang noon lang, ayaw niya akong makita doon sa pamamahay niya.



Hindi ako sigurado kung ang rason lang ba talaga ni Haru ay tumulong sa misyong ito o ano. Pero hindi niya naman sasabihin saakin lahat ng mga personal niyang dahilan kung hindi. Tsaka, ipinagkatiwala niya ang lahat ng iyon saakin na hindi nalalaman ng mga kaibigan niya.


"Masarap pagkain dito, dito ako kumakain palagi ng hapunan ko," saad niya.



Kaya pala, late na siya minsan umuuwi doon sa mukhang headquarters ng gang niya— ang bahay ni Shian.


"Hindi kasi sila gaano kumakain sa bahay, kung si Zack magluluto sakanya lang rin naman 'yon,"

Oo nga pala, anak pala ng may ari ng restaurant 'tong si Zack. Syempre, tinuruan din yata magluto 'yan kaya magaling siyang magluto pero matakaw din.



"Ikaw na kumuha ng plato natin, at kubyertos, bilis!" utos niya saakin. Kumunot naman ang noo ko sa agarang utos nito.

May saltik ba sa ulo 'to?


"Ano? Ako na nga nagbayad ng kinainan natin eh! Ako pa kukuha ng mga plato?" Tumahimik na lamang ako at napabuntong hinga.

Hays. Akala ko ba naman ibang iba na talaga siya at mabait. Pero kung makapagutos naman ngayon. Naku, naku, naku.

Tumayo na lamang ako at tumungo doon sa counter na may mga plato at kubyertos. Ayaw ko na rin magreklamo, gutom na ako eh. Bumalik naman ako dala dala ang mga iyon.

Saktong dumating naman 'yong order namin na nilaga, mainit init pa iyon, gaya rin ng kanin, tapos 'yong sisig parang bagong luto rin.

Aakmang kakain na ako ngunit nakita kong kumunot ang noo niya sa ginagawa ko.

"Bakit?" tanong ko dito.

"Hindi ka ba magprapray?" tanong niya na ikinanuot ko naman ng noo.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

Parang joke 'yong narinig ko ha?
Siya? Nagdadasal?

"Tinuruan ako ng nanay ko magpray," saad niya na ikinatahimik ko naman.


Dahan dahan akong tumango at hinayaan siyang maglead ng prayer. Nagsign of the cross siya at ginawa ko rin iyon.



"Lord, salamat sa pagkain na nakahanda sa hapag namin ngayon. Amen." pasasalamat niya. Nagsign of the cross uli siya at sinunod ko lamang siya.



"Ang ikli naman ng prayer mo," salita ko dito.



"Kahit maikli at least nagpasalamat," tipid na sagot niya at kumain na.
Napatingin pa ako sakanya ng matagal ngunit ilang sandali lamang ay kumain na rin ako.


Umaalingawngaw ang katahimikan habang kumakain kami. Tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig saaming dalawa. Siguro naiilang kami dahil sa pinagusapan namin habang naglalakad kami?


Pero para saakin parang nabitin ako sa mga sinabi niyang iyon. Gusto ko pa makilala itong Boy Yabang na ito.

Maya maya lamang ay tapos na ako kumain at tanging nakatitig lamang ako kay Haru habang sumusubo siya ng pagkain niya.

Agent RavenWhere stories live. Discover now