Chapter 57

137 4 0
                                    

Chapter 57





"K-Kailangan kong puntahan si Azarah." matigas na pagkakasambit ni Raven.








Aakmang igagalaw niya na ang kanyang paa ngunit bigla naman siyang pinigilan ni Ashton at hinawakan ang kanyang braso.








"Hindi pwede." 







"Ano ba, Ashton?! Kaibigan niya ako! Kailangan ko siyang makita!" Kinuha ni Raven ang braso niya sa kanya.








"Mapapahamak ka sa ginagawa mo, Raven! Kailangan natin magplano!"







"Anong plano ba, Ashton?! Hindi ko na kaya 'tong nangyayari! May nawala ng buhay! Naiintindihan mo ba 'yon?! Nawala na 'yong kaibigan na hindi dapat madamay dito! At ayaw ko ng maulit 'yon!"







Tumutulo ang mga luha ni Raven ang sinasambit ang mga katagang 'yon.







Ayoko niya na.
Pagod na siya.







"Kaya nga diba magpla-plano?! Hindi ka ba nakakaintindi?! Sige nga! Pupunta ka doon, ano gagawin mo?! Iiyak?! Posibleng maraming gustong ipahamak ka dahil mukhang konektado ito sa tatay mo!"







"Edi mapahamak na kung mapahamak! Kung ang buhay ko ang kailangan nila para matigil ang lahat ng ito then I'm willingly give my body and soul to them!"






Parang mawawalan na ng hininga si Raven dahil sa sigaw niyang iyon. Wala na siyang pakialam.





Wala na siyang pakialam sa sarili niya. She no longer see her value, her worth.






Hindi naman makapaniwala si Ashton sa sinasabi nito.





"Shit." mura nito. "N-Naririnig mo ba 'yong si-sinasabi mo?"








"Wala na akong pake, Ashton." huling sambit ni Raven at umalis sa pangyayari.





Aakmang hahabulin naman siya ni Haru ngunit pinigilan siya ni Ashton.




"Hayaan mo siya." sambit nito.




Maya-maya lamang ay tumunog muli ang phone ni Ashton. May tumatawag sa kanya. Tinignan niya kung sino 'yong caller.





Si Brent iyon.




Sinagot niya naman ito.





"[Ashton, kailangan naming makuha si Raven.]" Bungad sa kanya ni Bryan.





"Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka lumayo layo na 'yon." pagdadahilan ni Ashton.





"[Alam naming alam mo kung nasaan siya, Ashton. Please, sabihin mo sa amin kung nasaan siya. Hindi siya pwedeng makuha ng tatay niya."





B-Buhay ang tatay niya?





"Bakit? Gustong gusto ni Raven na makasama ang tatay niya, why would we stop her?"




"[Hindi mo alam kung ano klaseng tao ang ama ni Raven, Ashton. Nagkagulo na ang agency dahil sa taong 'yon. And we are actually suspecting him killing her own daughter's friend.]"




A-Ano?






"T-Teka, teka! Alam niya ba na buhay si Raven? O si Raven mismo?!"






Agent RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon