Chapter 34

211 8 0
                                    

Chapter 34




"T—Thank you," paghingi niya ng pasasalamat.



"Bakit hindi alam ng mga kaibigan mo na birthday mo?" tanong ko dito. Nandito pa rin ako ngayon sa kwarto niya at nakabihis na siya. "Kahit yata si Boy Singkit, at Boy Panot, hindi alam. Hindi mo ba sakanila sinabi?"




"Boy Singkit, at Boy Panot?" taka niyang tanong.




"Oo, si Shian, tsaka si Bryce," nakita ko namang napatawa siya sa sinabi ko.




"Hoy! Ikaw nga Boy Yabang eh!"




"Ba't naman ako naging mayabang? Ha?!"





"Ang yabang mo kaya! Hindi ka ba aware? Kawawi ka naman,"




"Paniwalaan mo na lang gusto mong paniwalaan," pagsuko niya. "Tsaka, sanabi naman, pero nakalimutan siguro nila. Busy ngayon sa gang eh," pagsagot niya sa tanong ko.





"Hay naku, wala talaga kayong makukuha sa gang na iyan," iling na iling kong saad habang nakatingin lamang sa kisame ng kwarto niya. Kasalukuyan kasi akong nakahiga ngayon, habang si Haru naman nakaupo habang tinitignan ang relong binigay ko sakanya.





"Alam mo bang hindi ko inexpect na makakatanggap ako ngayon ng regalo?", pagiiba niya ng usapan natin.




"Hindi, hindi ko alam,"




"Umayos ka nga!" saway niya saakin. "Umalis ka na nga dito!"





"Wow ah? Parang 'di ka thankful sa niregalo ko!"





"Alis ka na bilis!" pinaalis niya ako sa kama niya. Ngunit hindi ako nagpatinag, nagpapabigat ako para hindi niya ako mapaalis. "Ano ba?!"



"Haru? Anong nangyayar— Karen?!"




Napatigil naman kami ni Haru sa paghihila namin, at napatingin sa nagsalita sa may pintuan.





Si Boy Singkit.





"Karen? Nandiyan si Ka—" hindi na natapos ni Boy Yabang ang kanyang sasabihin dahil isinara agad na ni Shian ang pinto ng kwarto. Agarang siyang lumapit saakin at hinawakan ako sa wrist.






"What are you doing here? Paano mo nalaman ang bahay na 'to?!" Inis niyang mga tanong saakin.





"Shian. Bitawan mo siya." maotoridad na saad ni Haru sakanya.





"Ikaw ba nagpapasok sakanya, Haru?! Gusto mo bang mamatay?!" sigaw niya sakanyang kaibigan. Hindi ko naman mapigilan ang inis ko at sinampal ko siya.





"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan sa kaibigan mo!" bulyaw ko sakanya.





"I can't believe this, Haru. You're putting your life in danger!"






"I've been in danger, Shian!" sigaw rin nito sa kaibigan. "Karen is not what you think, we are not related. Hindi siya pamangkin ng malanding higad na iyon. Karen is not even her real name!"





Nagtiis bagang naman ako sa sinabi niya at agaran ko siyang binatukan. "Gago, sinabi ko ngang 'wag mag snitch eh!"




"Eh tanga! Paano natin iexplain na nandito ka sa kwarto ko ngayon?!'





"Marami namang pwede irason diyan eh!"





"Eh ano?! Sabihin mo!"




Napatigil naman ako at inisip kung ano ba pero medyo wala akong magandang rason na ibibigay.




"Kita mo! Napatahimik ka nga eh!"




"Teka nga! Pansinin niyo ako dito!" biglang pagsalita ni Shian. "What do you mean, Haru? Kindly elaborate."




Napatingin naman si Haru saakin, nanghihingi ng pahintulot saakin.



"She's actually my hired bodyguard. Pero under ko na siya ngayon,"  Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.




Ako? Under niya? Baka siya.



Aakmang hahampasin ko sana siya ngunit mabilis niyang sinalo ang mga kamay ko. Napatingin siya saakin na parang kinakausap ako na sumakay na lamang ako sakanya.




"I don't trust her, baka isumbong tayo niyan—"





"She's been here a while now,"



"Pero hindi pa rin siya pwede dito!"




"Then let's recruit her,"




"What?"— Shian.






"Ha?" — ako.







Hayop, na 'to! Papasalihin pa ako sa kawalanghiyaan niya!






"No!" — Shian.



"Ayoko nga!"— ako.






"Tsaka may pinagusapan tayo diba?!" Hindi naman agad siya makasagot.




"Shian, 'wag mo munang sabihin sa lahat 'yong sinabi ko sa'yo. Umalis ka muna dito," Mukhang nagalinlangan pa si Shian na sumang-ayon sa utos nito.




"Alam nilang nandito si Karen. Alam mo naman bibig ni Bryce," paalala niya saamin, at tumango na lamang si Haru sakanya.




Tuluyan na ngang umalis si Shian, at hinarap naman ako ni Haru.




"Pagnahuli mo na ang gustong pumatay saakin,"




"Ano?!"




"Pag nahuli mo na kung sino ang gustong pumatay saakin, it's all over. Hindi na ako sasali sa gang, sasabihin ko na sakanilang lahat kung sino ako. Basta matapos lang ang lahat."





Hindi pa siya handa. Hindi siya handang iwan, at bitawan ang lahat.





Lumayo ako sakanya at dahan dahang pumunta sa bintana.



"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong niya saakin.





"Hindi ako sasali sa gang niyo, at magfofocus na ako sa paghahanap sa letcheng C na iyon." maotoridad kong saad at tumalon mula sa bintana.



















Agent RavenWhere stories live. Discover now