Chapter 15

302 21 0
                                    


Chapter 15

 MALAPIT  na mag break time kaya nagligpit na agad ako ng mga gamit ko. Ngunit habang nagliligpit ako biglang kumunot ang noo ko dahil may pinapasapasahan silang papel na parang pinunit lang sa isang notebook.

Tsk. Ano na naman kaya 'yon?

Papalapit na ang papel sa akin, nasa row ko na ang pinag papasahan nilang papel. Binabasa pa 'yon ng isang lalaki sa harapan ko.

Aabutin ko sana yung papel pero nagulat ako no'ng ibinigay niya iyon sa katabi kong mukhang pera.

Mukhang ayaw nila akong pabasahin ah.

Liningon ko naman si Kyle at umaasang ipapasa saakin ang papel pero ang loko tinignan lang ako at ipinasa ulit yun sa harap.

Ah may ganon.
Tsk. Well, paki ko naman ba?

Sinundan ko naman kung saan papunta ulit ang papel at nagulat ako nung huminto iyon kay Boy Yabang na nasa dulo.

Hayop. Mukhang may ibinabalak sila ah
Lumingon uli ako kay Kyle.

"Pst!" tawag ko dito.

Pero ang hayop ayaw lumingon!

"Hoy!"

"Hoy!"

"HOY!!"

Agad naman siyang napalingon saakin dahil sa gulat ngunit 'di nagtagal tinaas niya naman ang kilay niya.

"Basugalera ka 'no?" bigla niyang tanong kung kaya't napatigil naman ako.

Basugalera

"Oh? Natahimik ka?"

Hindi ko nalamang siya sinagot at agad na sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano 'yong nakasulat sa papel?" diin kong tanong

Hindi siya sumagot saakin at tinitigan lamang ako.

"Ganoon ba ako kaganda kaya tinititigan mo ko?", bigla kong saad sakanya.

Agad naman siyang napaiwas siya ng tingin at lumingon doon sa subject teacher namin ngayon.

Si Ma'am Sabrina, maganda siya at bata pa. English and Filipino Teacher namin.

"Okay, Class. 'Yon ang mga gagawin niyo next Thursday. Are we clear?"

"Yes, Ma'am"

"Hoy Kyle. So ano na?" bulong ko sakanya.

"Okay class dismi-- ay meron pa pala sa next Tuesday---" naputol ang sasabihin ni Maam no'ng nagring na ang bell.

"Oo na nga! Magc-class dismissed na nga eh!" inis na sigaw niya at umalis na sa classroom dala dala ang mga gamit niya.

Ang mga kaklase ko naman ay masayang tumayo at nagsilabasan na rin.

"YES!"

"YOOOHOOOO!"

"ARAT! SABAY TAYO MAGLUNCH!"

"LET'S GO!!"

Nakatili lang naman ako nakaupo sa upuan hanggang sa wala ng tao sa room. At maya maya lang ay nakita ko sa peripheral vision ko na tatayo sana si Kyle kung kaya't bigla akong tumayo at hinampas ang arm chair niya.

Nakita ko namang agad siya nagulat sa hampas kong iyon.

Siguro sasabihin niyong masyado akong OA o kung kaya bigla-bigla akong nanakit ngunit kailangan ko lang malaman kung ano ang nasa papel na 'yon 'eh!

"Sabihin mo saakin kung anong meron sa papel na iyon.", maotoridad kong saad sakanya.

Nanatili lamang siyang nakatitig saakin.

Agent RavenWhere stories live. Discover now