Chapter 48

153 4 0
                                    

Chapter 48





NAGLALAKAD ngayon ang dalawa sa gitna ng gabi. Ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila.


"Alam mo ba kung sa'n tayo pupunta?" tanong ni Haru kay Raven na nangunguna sa paglalakad.



"Oo," simpleng sagot lamang nito.


Pinansin muli ni Haru ang nilalakaran nila. At papunta ito sa butas, sa lugar kung saan siya palaging tumatakas.


"T-Teka... Alam mo?"


"Syempre naman, ako pa! Tumahimik ka na nga lang diyan! Baka mahuli tayo e—" biglang napatigil si Raven sa pagsasalita.

"A-Anong problema?"

"Shh..." pagpapatahimik niya dito.

May nararamdaman kasi siyang yapak ng mga paa papunta kung nasaan sila ngayon.

Napalingon lingon naman si Raven sa paligid niya at lumaki naman ang mga mata niya noong makitang may anino ng isang lalaki na mukhang pabalik na sa mansyon.


Agad na kinuha ni Raven ang kanang kamay ni Haru at nagtago sila sa dilim.

"Ahh!" Mabilis na tinakpan ni Raven ang kanyang bibig.

Kasalukuyang nasa pader sila ngayon na tinatabunan ng mga malalagong halaman. Nakasandig si Haru sa pader habang nasa harapan lamang nito si Raven.

Magkadikit ang katawan nila ngayon na ikinailang naman ng binata. Ngunit wala namang pakialam si Raven at tanging pinakikiramdaman lamang ang lalaking paparating.

"Imposible. May mali rito, sigurado akong hindi pa patay si Samuel," sagot nito sakabilang linya.

May hawak hawak kasi itong cellphone na siguradong may katawagan ito.


"T-Teka s-si—"


"Shh!" pagpapatahimik muli nito.


"Are you that stupid?! 'Yong inutusan na tao para ipapatay siya, hindi pa bumabalik!"

Nanatili lamang silang tahimik sa gilid at nakikinig doon sa lalaki.

"The tracker stops, sigurado ka bang walang kinalaman si Rosales dito?— Anong may nagpanggap bilang pamangkin niya?! Ginagawa niyo ba akong tanga?! Fix this, now!

"If someone knows our plan, your dead. Got that?"

Pinatay niya ang cellphone niya, at napapikit siya nang mariin. Kumuha siya ng bato at inihagis iyon dahil sa inis.

Ngunit sa kasamaang palad, ang batong ibabato niya ay papunta sakanila.

Napansin naman agad iyon ni Haru, kung kaya't agad niyang niyakap si Raven at pinagpalit ng posisyon nila.



"Hmmp!"


Si Haru naman ang tumakip sakanyang bibig.

Hindi nila namalayan na gumalaw pala ang sangang dahon na pinagtataguan nila. Dahilan upang mapansin naman iyon noong lalaki.

Parehas namang napalunok ang dalawa dahil sa kaba.


Kahit iisang tao lamang sila ay wala sila sa kondisyon ngayong makipaglaban. Baldado sila.
Baka kung anong mangyari sakanila.


Muli ay ramdam naman ni Raven ang paparating nitong yapak papunta sakanila. Napakagat ng labi si Raven dahil doon, habang si Haru naman ay mas hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga at napapikit nang mariin.

Agent RavenWhere stories live. Discover now