Ang Embalsamador kong Nobyo (Parts 1-4)

51 1 0
                                    


Part 1

Magandang gabi sa lahat! Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagbasa ng "Ang Yaya ni Madam" sana ay magustuhan nyo rin ang panibagong serye na ito.

Bulacan 2015.

Hindi pa rin tanggap ng pamilya ko ang pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko lalaki, palibhasa natatakot silang husgahan at pandirian ng mga kamag-anak at kapitbahay kaya ako lumayo pansamantala at sumama sa aking nobyo na embalsamador sa Bulacan. Tanggap ng pamilya ni Ruben ang relasyon namin kahit mahirap lang sila, kasama ko sa bahay nila si Aling Ling, ang ina ni Ruben at Tina Pay, ang nag-iisang kapatid nya.

Ako nga pala si Dennis, at ito ang kwento ko.

Sa isang Funeral Parlor nagtatrabaho si Ruben, siya rin ang nagme-make up sa mga patay at nag-eembalsamo pag wala si Ka Ferdie, assistant siya kumbaga. Mag-aalas siyete na ng puntahan ko siya para sunduin sa trabaho.

Dennis: Ruben, tara na uwi na tayo?
Ruben : Sandali lang, pinapatapos lang ni Ka Ferdie yung make up nung namatay kanina kawawa nga e. Bata pa at gwapo. Hahaha.
Dennis: Naku ha, dont tell me na type mo.
Ruben: Hahaha hindi no! Ikaw lang okay na! I love you!

Normal nalang samin ang ganung set up palibhasa sanay na kami sa uri ng trabaho ni Ruben, balewala nalang sa amin ang mga patay, para sa amin sila ang aming buhay.

Aling Ling: O kumain na kayong dalawa Dennis, Ruben. Nandiyan ang ulam sa ibabaw ng lamesa bahala na kayo diyan, matutulog na kami.

Habang kumakain kami ni Ruben, bigla siyang napatigil at napag-usapan yung lalaking inayos nya kanina sa punerarya.

Ruben: Alam mo Dennis nagtataka lang ako kung bakit ayaw ipa-embalsamo ang katawan nung lalaki kanina.
Dennis: Huy! Bakla ka umayos ka nga! Type mo ba talaga yon?
Ruben: Hindi, ang nakakapagtaka kasi ay parang buhay pa yung tao, sa loob ng 5 taon ko na sa punerarya alam ko na ang kalakaran ng totoong namatay at sadyang pinatay.
Dennis: Hay naku! Matulog na tayo pagkatapos nating kumain.

Lumalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Ruben kaya niyakap ko siya pero pagtingin ko sa mukha nya ay iba, hindi siya si Ruben, bagay na ipinagtaka ko o baka naman namalikmata lang ako.

Kinaumagahan, pagkagising ko wala na si Ruben sa higaan, maya-maya pa ay tumunog ang CP ko at nag-text siya ng ganito.

'Dennis, huwag mo na muna akong sunduin mamaya sa punerarya, may pupuntahan kami ni Ka Ferdie.'

Dito na ako nagtaka sapagkat ngayon lang nag-text sa akin si Ruben ng ganito. Ano ang ibig sabihin nito? Kaya tinawagan ko siya agad.

Dennis: Ruben, may problema ka ba?
Ruben: Wala naman pasensya ka na di na kita ginising kanina nagmamadali kasi ako.
Dennis: So hindi na kita susunduin mamaya?
Ruben: Bakit?
Dennis: Kaka-text mo lang diba, nagsisinungaling ka ba?
Ruben: Hindi ako nag-text ano ka ba?

Natakot ako sa pagkakataon na yon.

Part 2

Pasado alas otso ng gabi ng puntahan ko si Ruben sa punerarya. Dahil sa takot ko inabangan ko nalang siya sa labas kaya nag-text ako na sa tindahan ni Carmen ako mag-aantay, habang inaantay ko si Ruben nakakwentuhan ko si Carmen ang kababata ni Ruben.

Carmen: Uy Dennis bakit di mo nalang puntahan si Ruben doon? Medyo gabi na kasi magsasara na ako.
Dennis: Saglit lang Carmen, palabas na rin naman yon. 10 minutes pa pleassse....
Carmen: Sabagay, nga pala alam mo na ba na magsasara na yang punerarya na yan? Saan lilipat si Ruben?
Dennis: Magsasara? Ha? Bakit?
Carmen: Ang alam ko kasi nalulugi na raw yan pero ang chismis kasi yung may-ari raq eh minumulto ng mga naembalsamo diyan.
Dennis: Hoy Teh! Impakta ka! Huwag kang gumawa ng story na di naman pang famas! O siya ayan na pala si Ka Ferdie eh.
Carmen: Magandang Gabi Ka Fredie. Pauwiin mo na si Ruben at itong si Dennis ay kanina pa rito.
Ka Ferdie: Dennis, pumasok ka nalang sa loob patapos na rin naman yung si Ruben eh.
Dennis: Sige po.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now