Unforgettable Concert

49 4 0
                                    


Maulang araw sa lahat. This is Faith of Pampanga once again.

Month of December--can't remember the year. Mabilis na kumalat ang balita na may magaganap na concert sa araw na yon. Bata pa ako non.

May isa kasi kaming ka-barangay na naging artista kaya syempre proud kami. Saglit lang siya sa 'That's Entertainment' non kasi marami na ang alaga ni Kuya Germs don at kahit paano naman ay tumatak na sa madla ang kanyang pangalan. Syempre excited ang lahat kahit di piyesta ay nagpalagay ng mga banderitas. Ang kapitan namin non ay ninong ng Kuya Norbert ko. Bale may pamangkin siyang artista at magsasama daw ng kasamahan. At sina Ate Annie ko naman non ay nanalo sa pa-contest sa Regional Convention ng choir sa School nila kaya magpe-perform daw sila.

Ang concert na magaganap ay walang passes kaya pwedeng pumasok ang lahat. Ang artistang tinutukoy ko ay singer din. Siya si Mariz Camurungan o kilala sa tawag na Mariz at ngayon ay asawa ng action star-director.

Sila ang may pinakamalaki at pinakamagandang bahay don sa aming barangay. Mababait ang mga kamag-anak nya at mapagkawanggawa. Yung pare ni tatay na tinutukoy kong naghatid samin sa doktor sa kwento kong hika ay Tito nya yon, kapatid din ng Tatay nya. Halos lahat sila ay may kaya na non sa buhay bago pa pumasok sa showbiz ito.

December 30--Araw ng Concert, 7pm palang ay nandoon na kami, at madami ng tao. Kaso wala pa raw ang mga artista. Inip na inip na ang lahat, ang sabi ay 7pm magsisimula. Mga bandang 9pm ay may mga sasakyan ng dumating at nagkagulo ang lahat. May mga nag-cover  naman sa mga artista para makapasok sila. Yung mga barangay councils. Tapos pinakain muna at pinagpahinga then nagbihis. Diyos ko po napipikit na mga mata namin ng mga barkada ko, sina Rona at Daisy tsaka Jerome and Alfred. Hanggang nainip na sina Jerome at Alfred at uuwi na raw kasi inaantok na talaga. Sige sabi namin kami manonood pa.

Bandang 10:30pm ng may marinig kaming magsalita sa stage. Sigawan ang mga tao at tulakan. Hanggang sa tinawag si Mariz at kinanta ang kanyang first single na 'Kasalanan ba?' Palakpakan ang mga tao, hiyawan. May mga back-up dancers din siya. Tapos may mga nagsayaw na mga babae na maiiksi ang mga damit. Lalong nagsigawan ang mga tao at lalo namang ginanahan ang mga artista na mag-perform.

Sa loob naman nung time pala na yon na nagkakagulo ay lumapit daw ang mga kababaryo namin na magpe-perform mamaya dun sa mga artistang nasa loob, isa na ang ate. Mga suplado at suplada daw ang iba. Siyempre kasama ni Mariz si BF, alam naman natin na di siya palangiti. Isa lang ang ngumiti sa kanila at nagpaunlak din sa ate ko na magpa-picture. Sabi daw nya kay ER (George Estregan Jr--mabait siya) "Can I have photo with you?" Ngumiti daw ito at lumapit tapos bigla siyang binuhat. Na-shokt ang ate ko kaya ng makuhanan sila ng pic ay nakanganga siya at ang kasama nya ay ang guwapo. Para silang bagong kasal sa picture nila.

Kami naman pagkatapos kumanta ni Mariz ulit nagyayaya ng umuwi si Rona inaantok na daw talaga. "Ang layo-layo ng nilakad natin para makarating lang dito tapos kainis magyayaya ito", sabi ni Daisy. Hanggang pumayag na kami na umuwi nalang nga.

Ang lalakarin namin mula sa kanila ay mga nasa 15 kilometers hanggang school yon tapos malayo pa non. Mula school hanggang samin ay nasa 10 kilometers. Ang layo. Maliwanag naman ang buwan. Bale kami lang non kasi ang iba dahil madalang lang makapanood ng artista samin kaya naman gusto nilang tapusin. Kwentuhan kami habang naglalakad 

Nasa may kabahayan na kami, malapit sa school ng may marinig kaming mga boses ng mga lalaki. At maiingay sila habang tumatakbo. Mga lima katao sila. Tapos kami naman ay kinabahan non kasi nung time na yun ay may batang nagahasa sa amin. Kaya naghawak-kamay kaming tatlo. Tapos nagsalita ang isa sabi nya, "Mga bata may nakita ba kayong tumatakbo dito?" Sumagot naman si Daisy, "Opo, kayo." "Hindi maliban sa amin," sabi ng lalaki.
"Ahh kayo lang po at kadarating lang namin dito," sagot ko. "Ahh sige may hinahabol kasi kaming tao", sabi ng isa.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now