Akala mo ah! (Parts 1 & 2)

55 0 0
                                    


Part 1

Maraming tahiin ang lola ko noon (mother side) as in rush daw, wala masyadong pahinga dahil pasukan na sa susunod na linggo. Puro uniporme pa naman daw mga ito at karamihan talaga ng mga taga baryo kay lola ngpapatahi dahil sya lng ang nag-iisang mananahi doon. Yung iba daw kasi eh sa bayan pa.

Dumating daw itong matanda sa bahay. Tawagin na lang natin siyang Aling Pasing. Isa sya sa pinakamatanda sa lugar namin. Tindera ito ng isda at sa pagkamangha ng marami eh nakakabuhat pa ito ng dalawang malalaking timba ng isda sa kabila ng edad nito.

Pinapasok sya ni lola at tinanong kung anong kailangan nya. Sinabi naman nito na napunit yung short nya na madalas nyang gamitin sa paglalako. Pinatatahi nya kay lola pero tumanggi si lola dahil nga marami syang nakabinbin na tahiin at pagod na rin sya. Pinagpilitan pa rin ni Aling Pasing. Sinabi pa na sandali lang naman daw ito tahiin dahil manipis lang ang tela pero tinanggihan pa rin ni lola. Umirap lamang ito at umalis na.

Ilang minuto ang lumipas pagkaalis ng matanda nang biglang sumuka ng dugo si lola. Biglang lumabas si lolo at tinignan ung suka ni lola at sinabing "pababalikin ko yang matandang yan!" Nilinis daw ni nanay ko yung suka at pinaupo sandali si lola. Maya-maya may kumatok. Yung matanda kanina ay bumalik at humingi ng dispensa sa lola ko. Sinabi ng lolo ko na "di lang namin tinanggap yung pinatatahi mo gaganyanin mo na ang asawa ko?!" Sabi naman ng matanda eh uminit lang daw ang ulo nya dala din ng pagod sa pagtitinda. Sinabi naman ni lolo na "ulitin mo pa yan at sinisiguro ko sayo na di ka aabot ng buhay sa inyo!" Napayuko daw yung matanda at nag-sorry ulit. "Hagurin mo ang likod nyan!" sabi ni lolo at sumunod naman ito. Parang hangin lang na dumaan eh bigla bumalik sa normal si lola habang hingal na hingal pa rin. Umalis na yung matanda at nangakong di na uulit.
kwento po yan ng nanay ko sa akin.

Btw, si Lolo at Lola ko po ay manggagamot. Pero si lolo ko ang mas kakaiba dahil may kakayahan din syang gumamit ng mahikang itim na bibihira namam daw nyang gamitin. Kapag nagkagipitan lang daw.

Part 2

Fiesta sa bayan ng araw na iyon. Nagpunta daw sila Lolo at Lola kasama si nanay ko (btw, kuwento po ito ng nanay ko samin at wala pa kami ng panahong yon). Laging nanay ko at Tito ko ang kasa-kasama nila Lolo dahil dalawa na lamang po silang magkapatid na dapat po eh pito. Saka ko na ikukuwento about sa mga kapatid nila nanay.

Habang naglalakad-lakad daw sila nanay may nakita silang anitong sumasayaw. Yun po yung nagpapasanib sila sa mga masasamang espuritu para makagawa ng mga bagay na kakaiba sa paningin ng ibang tao. Bigla daw itong tumigil sa pagsasayaw at natumba na parang hinang-hina at hingal na hingal. "Bakit ka tumigil. Ituloy mo lang ang pagsasayaw mo" sabi ni Lolo dun sa anito. Pero ang sumagot eh ung tao na. Yung totoong may-ari ng katawan. Sabi daw eh "Hindi ko na po kaya at tsaka di ko po kaya yang dala-dala nyo." Sinabi pa raw nito na napakabigat ng pagdating ni Lolo. Umalis na daw sila at pinagpatuloy ang paglalakad. Pero ng nilingon daw ni nanay eh nakita nyang nagliligit na ang mga ito ng gamit at mukhang aalis na.

Patuloy pa rin daw sila sa paglalakad at tumitingin-tingin ng mga pwedeng bilhin. Maraming tao at talaga daw nalilibang sila nanay. Nang biglang nagsalita daw si Lolo ng "Ano yon?!" Habang nakatuon ang pansin ni Lolo sa matandang nasalubong nila na nakabelong itim at pilit tinatakpan ang mukha. Lumingon naman daw ito at nang mapagtanto nitong sya ang tinutukoy ni Lolo eh sumagot itong "Wala po Manong". Nilapitan daw ito ni Lolo at napayakap naman si nanay kay Lola. "Ang sabi ko ano yon?" ulit ni Lolo pero pilit tumanggi yung matanda at sinabi ulit na "wala nga po Manong". Nagalit na daw si Lolo at sinabing "Akala mo ba di ko narinig? Pareho lang tayong may kakayahan! Alam ko kung sino ka at malayo ka pa lang amoy ko na kung ano ka! Bawiin mu yung ibinulong mo sa anak ko kung ayaw mong ikaw ang kainin ng mga alaga ko!" Pagkasabi daw ni Lolo non eh nanlaki ang mata ng matanda at wala itong nasabi kundi ang tumango at naglakad na palayo. Tinanong daw ni Lola kung ano ang nangyari sabi daw ni Lolo eh binulungan daw ng matanda si nanay ng latin. At ang ibig sabihin non eh maliligaw si nanay sa bayan at mahihirapang makauwi. Nang lingunin daw ni nanay yung matanda eh di na nya ito makita. Di raw bumitaw si nanay kila Lolo at Lola sa takot na makasalubong ulit yung matanda.

Nang mapagod daw sila sa kalalakad eh pumunta na sila sa talagang pakay ni lolo, ang perya.

Hindi lang swerte sa sugal si Lolo kundi gumagamit sya ng orasyon para makita ang mga di dapat sa sugalan. Una daw eh sa cards, pumwesto si Lolo at nanalo ng barya. Hanggang sa nalimas ang bangka at sinukuan na si Lolo sinabihan daw silang Lumipat na lang sa iba. Lumipat daw si Lolo sa dice at ganun din ang kinalabasan nalimas din ang bangka. Pinalipat sya ulit nakiusap ang bangka na umalis muna sya. Umalis naman daw ulit sila. Lumipat si Lolo sa larong bola at tulad ng inaasahan ganun din nga ang nangyari nalimas din ito. Hanggang sa lumabas na daw ang namamahala ng sugalan at pinakiusapan si Lolo na tumigil na dahil wala na daw silang kikitain. Maayos naman daw nakiusap yung tao kaya pumayag si Lolo. At umuwi na nga sila habang di magkandaugaga sila nanay sa pagbibitbit sa mga napanalunang barya.

Si Lolo po ay mayroon ding itim na libro kaya marunong sya sa mga orasyon at may dalang swerte ang itim na libro. Si Lola naman po eh magaling makiramdam sa paligid at kayang kausapin ang mga hayop. Bukod pa doon eh kaya nyang manggamot gamit lamang ang laway. Kadiri man sa iba pero totoo po yon. Dinatnan ko ang Lola ko kaya naranasan ko ang panggagamot nya. Dalawang taon daw po ako ng mamatay ang Lolo ko.

BOUNCE...

Scary Stories 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon