Too much love will kill you

53 3 0
                                    


Bagong lipat kami noon dito sa bahay na tinitirahan namin ngayon, kaya hindi pa namin kilala yung mga kapitbahay namin. Ang kapitbahay namin sa kanan ay boarding house at yung sa kaliwang side naman ay bakanteng lote pa lang, pero may gate na.

Mag-aalas sais na ng gabi at malapit ng magdilim, naiwan akong mag-isa sa bahay noon dahil si Mommy ay bumalik doon sa luma naming bahay para kunin yung mga naiwan pa naming gamit. Kaya habang naghihintay ay naisipan kong diligan muna yung mga halaman namin dahil baka na-stress din sila sa pagbiyahe namin kanina papunta rito.

Habang nagdidilig ay may nakita akong isang lalaking nakasaklay na naglalakad doon sa loob ng kapitbahay naming bakanteng lote. Kaya nagtaka ako kung paano siyang nakapasok doon pero inisip ko nalang na 'baka' siya yung may-ari kaya siya nakapasok doon.

So, dedma lang ako. Tinuloy ko nalang yung pagdidilig kaso nababahala talaga ako dahil nakikita ko pa rin siya sa peripheral vision ko at hindi ko maintindihan kung bakit unti-unti akong nakakaramdam ng kaba.

Nilingon ko siya ulit at nakita kong papalapit na siya sa bakod namin, naglalakad gamit ang kanyang saklay habang walang reaksyon ang mukha na nakatingin sa akin at dahil doon yung kaba ko kanina ay nahaluan na ng takot. Pero hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit kahit natatakot na ako ay hindi ko pa magawang tumakbo at pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ako nakakilos, nanlalaki ang mga mata ko at nanginginig na ako sa takot, habang pinapanood siya na papalapit na sa bakod namin. Sinubukan kong balewalain yung takot ko at ipinagpatuloy ang pagdidilig dahil baka isipin niyang nababaliw na yung bago niyang kapitbahay kung bigla nalang akong tatakbo.

Ikinalma ko ang sarili ko at sinubukang mag-act ng normal kahit nanginginig na ang buo kong kalamnan sa kaba at takot. Pagkaalis na pagkaalis ng paningin ko sa kanya ay bigla akong nagulat ng makarinig ako ng malakas na alingawngaw.

Alam mo yung feeling na sobrang intense na nga tapos bigla kang may maririnig na malakas na alingawngaw? Kaya talagang naaning ako dahil don na halos humiwalay na yung kaluluwa ko at para akong hihimatayin sa sobrang gulat.

Paglingon ko ay wala na siya parang yung jowa mong nalingat ka lang saglit bigla nalang nawala. At may nakita akong ambulansyang huminto doon sa simbahan (nakalimutan ko kung anong relihiyon yun pero para din siyang katoliko) na katabi ng bakanteng lote sa kaliwang side. Gets nyo ba? Yung bahay namin tapos yung bakanteng lote at yung simbahan nasa pagitan namin yung bakanteng lote.

Doon pala sa ambulansya nanggagaling yung malakas na alingawngaw na naririnig ko. Nagtaka ako ng makita ko yung babaeng palabas ng bahay habang malakas na humahagulgol sa pag-iyak (may bahay kasi sa likod ng simbahan at doon nakatira yung caretaker nila).

Pinuntahan siya nung mga lalaking galing sa ambulansya at pumasok na sila sa loob ng bahay nung babae, siya siguro yung caretaker ng simbahan. Dahil nga chismosa ako, habang nagdidilig ay nakikinig pa rin yung tenga ko sa kanila, naku-curious din kasi ako kung anong emergency ang nangyari doon.

Maya-maya lang ay lumabas na sila habang buhat-buhat sa stretcher yung isang lalaki, itinigil ko ang pagdidilig at pasimpleng sumilip upang makichismis sa kanila. Humahagulgol pa rin sa pag-iyak yung babae habang naglalakad sila papunta sa ambulansya.

Totoo nga talaga yung sinasabi nilang 'curiosity kills the cat'. Sana hindi nalang ako nakichismis, dahil halos bumaliktad yung sikmura ko ng makita kong yung lalaking nakasaklay na naglalakad kanina papunta sa bakod namin ay siya rin yung lalaking nakahiga sa stretcher na buhat-buhat nila.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung lalaki at sa kabilang banda ay nagtaka dahil paanong nangyari yun gayung kanina lang ay naglalakad siya sa may bakanteng lote papalapit sa bakod namin.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now