Kinain ang sariling laman (Parts 1-2)

178 3 0
                                    


Part 1

FAITH po. Salamat po sa lahat ng bumati sa akin kahit na bukas pa ang birthday ko.

Warning: Walang aswang dito o multo na nakakatakot, pero nakakatakot ang kwento dahil may tao palang magaling umaswang sa sariling laman.

Mahaba po ito.

Ang kwento ko ngayon ay tungkol sa closest cousin ko. First cousin ko siya, si Fiona. They live in Lubao, Pampanga. Magkapatid ang aming mga ina. Bunso ang Nanay ko at ikatlo naman ang Nanay nya. Si Fiona ay masayahing bata at mabait. Magka-age kami at may dalawa pa siyang ate. 12 ang edad namin noon at ang age ng mga ate nya ay 14 (si Ate Joan) at 17 (si Ate Georgia).

May sakit ang Tiya Ester ko nun, cancer at stage 3. Binigyan na ng taning ng doktor ang kanyang buhay. Sa mga panahon na yun ay laging nasa tabi ng Nanay nya si Fiona. Hanggang dumating ang araw na iniwan na sila nito. Ang lahat ay nalungkot dahil napakabuting ina at asawa nito. Saksi ang pamilya ko don. Iyak ng iyak ang mga pinsan ko nun, hindi sila umaalis sa kabaong ng Tiya ko.

Nung araw ng libing ay tila ba pati langit ay nakikidalamhati sa kanila. Umulan ng malakas pagkatapos mailibing. Pero ang mga pinsan ko ay nandoon pa rin, ayaw tuminag sa kinatatayuan nila. Tila ba ayaw nilang umuwi. Hanggang pilit nalang silang inaya ng Nanay ko. At sabay-sabay kaming umalis.

Year 2010--di sinasadya ay nagkita kami ni Fiona sa SM Pampanga. May kasama siyang dalagita at dalawa pang batang lalaki. Pinaglaro muna nya ang mga bata at nagkwentuhan kaming dalawa. Sabi ko sa kanya ang aga naman nyang nag-asawa, e ako panganay ko non 5 yrs old palang. Umiling siya at tumulo ang luha. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Eto ang kanyang kwento.

Lumipas ang mga araw non ng mamatay si Nanay ay naging malungkot pa rin kami ng mga  kapatid ko. Ang Tatay naman ay patuloy sa trabaho para ma-i-provide ang pangangailangan namin. Madalas siyang naglalasing nun sa gabi. Siguro namimiss si Nanay.

May mga gabi na naririnig ko ang mga ate ko na umiiyak kaya naman pati ako lalo kong namimiss ang Nanay. Umiiyak rin ako pag naririnig ko silang umiiyak sa gabi. Basta ganun lagi, gabi-gabi may mga naririnig akong umiiyak sa mga ate ko.

Lumipas ang ilang buwan.

Isang hapon wala pa si Ate Georgia nun, hanggang sumapit ang gabi wala pa rin. At may nagpunta na kapitbahay sa amin na nagsabing nakita ang ate na kasama ng lalaki marahil daw ay bf nya. Galit na galit ang Tatay ko non. Gusto nyang bawiin si Ate pero di nya sila makita. Tila ba nagtatago talaga.

Matagal na kaming sinabihan na huwag kaming magpapaligaw. Wala daw dapat makinabang sa amin. Bata pa ako nu'n.

Dahil sa ginawa ni Ate Georgia ay pinagbantaan nya kaming dalawa ni Ate Joan na huwag naming gagayahin si Ate Georgia kundi malilintikan kami. Galit na galit siyang umalis, sigurado iinom na naman yon.

Malalim na ang gabi ng magising ako. Narinig ko nalang bigla ang mga impit na iyak ng Ate Joan ko. Naisip ko nu'n siguro nalulungkot si Ate Joan kasi sa kanya maiiwan ang mga gawain sa bahay. Tsaka baka namimiss si Nanay.

Kaya ng magising kami kinabukasan ay sinabi ko kay ate na huwag siyang mag-alala. Magtutulungan kami. Nginitian lang ako ni Ate Joan ng mapaklang ngiti at napansin kong magang-maga ang mga mata nya.

Nang papasok na kami sa school ay napansin kong matamlay pa rin si ate Joan ko at hindi siya kumikibo. Idinaan nya ako sa school ko, magkatabi kasi ang schools namin. Grade six ako at high school si Ate Joan. Niyakap pa ako ni ate at sinabi nya ang mga salitang 'ingatan mo ang sarili mo'. Nung papalayo na si ate ay napansin ko ang kanyang bag na maumbok. Nagtaka man ako ay binalewala ko nalang.

Hanggang sumapit ang uwian, nauna na akong umuwi non. Takipsilim na wala pa rin siya kaya ako na ang nagluto. Kasi darating ang Tatay ko pagod at tiyak gutom yun. Nang pagdating nga nya ay tinanong agad ang Ate Joan ko. Sabi ko ay di pa dumarating. Kaya pinaghanda ko na ng pagkain. Ako naman ay busog pa at naisipan kong magpunta sa kuwarto ni Ate Joan. Doon ko nakita na wala ang iba nyang mga damit. Ahhh kaya pala maumbok ang bag nya. Nang umupo ako sa papag nya ay nakita ko ang sulat na nasa lamesita, para sa akin.

Scary Stories 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon