Karanasan bilang Sundalo nila Hen at Troy

79 4 0
                                    


1. Ang customer sa isang kapehan

Hen (Axel) muli mga ka-spookify. Medyo natagalan magkuwento dahil sa trabahong napakahirap at nakakapagod. Kaya't sumunod kayo sa patakaran, oo mahirap ang kalagayan nating lahat pero lalo pang hihirap kung katigasan ng ulo ang paiiralin natin hindi ba? Hindi lang kayo ang napapagod pati mga frontliners.

Sa Bulacan na ako nakadestino ngayon kasama si Troy. Bandang alas otso noong isang araw lang. Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na bibili lang ako ng kape sa tindahang malapit sa pwesto namin. "Troy ikaw papabili ka?" sabi ko dito "Oo 'tol sasama na lang ako miss kita e" nakangiting sabi nito. "Kadiri ka talaga 'tol" sabi ko dito. Bukas pa ang tindahan kaya't bumili kaagad kami. Dadalawang customer lang kami ni Troy sa tindahang iyon. "Ah Ate pabili naman ng barakong kape dalawa" sabi ko sa tindera. "Mga Sir ang lalaki na ng eyebags nyo ah walang tulog talaga ano?" sabi nito sa amin. "Oo ate wala talaga pero itong kasama ko (sabay turo kay Troy) pagkatapos ng duty ML yan hanggang umaga kaya ganyan mukha niyan nakakatakot na" natatawa kong sabi sa tindera na kinasama naman ng tingin ni Troy sa akin. Pagkaabot sa amin ng tindera ng kape ay naupo kami sa la mesa. Malapit kami sa kalsada at wala nang masyadong nasa labas di ko alam kung takot sa virus o takot kasi may mga sundalong nakaabang sa kanila. Seryoso akong nagkakape kasi kapag usapang kape talagang ayokong magpaistorbo hanggang umimik si Troy nang muntik ko nang ikasamid "'Tol may GF na ako" muntik na akong masamid buti nalang na-control ko. "Aba may pumatol sa babaero buti nabilog mo ba't ayaw mo tumulad sa isang Axel Sanchez 'tol?" sabi ko dito habang pinapaliit ang aking mga mata na kinaiingitan ni Troy kasi malaki ang mata nya (hahahaha).

Maya-maya pa ay may dumating na dalawang customer. Isang lalaki at isang babae. Nagtataka nga ako kasi nakatayo lamang ito sa harap ng tindera hindi umiimik. Dito ko rin alam bakit hindi napapansin ito ng tindera. "Ate may bibili po ata" sigaw ko sa tindera. "Oo nga ate yan o dalawa" sabi naman ni Troy. "Shhhh" sabi ng tindera (sabay lagay ng daliri nya sa kanyang bibig na ibig sabihin ay huwag maingay) sabay balik sa ginagawa niya. "Luh luka" sabi ni Troy. Binatukan ko ito kasi ang lakas ng pagkakasabi niya. Lumapit ako sa mga ito dahil nawi-weird-uhan na ako. Nakita ko ang tindera na nakatingin sa ibaba at nagdarasal palihim sinilip ko pa ang mga kamay nito na may hawak na rosaryo. Dahil nga di na bago sakin ang ganitong pangyayari ay tinignan ko ang dalawang akala ko ay normal. Walang emosyon ang mga ito. Tinignan ko si Troy at nagkatitigan kami alam na niya ang ibig kong sabihin. Alam niya na alam ko na ang nangyayari. Dating gawi ang dasal na pabaon sakin ni inay ay ginawa ko. Pagkatapos ay bigla nalang nawala ang dalawa. "Hala nasaan na yung dalawa sir?" gulat na tanong ng tindera. "Wala na tumakbo na sabi ko kasi hulihin ko sila pagala-gala, e may virus" tawang-tawang sabat ni Troy na nasa likuran ko na. "Nakikita nyo rin pala sila sir" sabi ng tindera. "Oo ate bakit parang matagal mo na yata silang nakikita?" sabi ko dito. "Oo sir matagal na nga tuwing papatak ang alas otso ng gabi at wala nang masyadong customer tsaka sila magpapakita" takot na sabi nito sa amin. "Eh ano lang ginagawa nyo?" sabi ko dito "Nagdarasal sir pero di agad nawawala buti nga kayo e nawala agad nung dinasalan nyo" saad nito. "Pikit ka lang ma'am, sariling dasal tapos dapat walang takot sa damdamin mo ganon lang yun" sabi ko dito. "Tol tara na sa pwesto baka madami na namang mga pasaway na umaaligid" sabi ni Troy sa akin. "Sige ate una na kami ah" sabi ko sa tindera "Ate una na kami ha yan sino nasa likod mo ate?" pananakot ni Troy na kinatalon ng babae. "Joke lang ma'am wag kayong maniniwala sa lokong to" sabi ko sa tindera sabay tulak kay Troy papalabas.

Wala talagang pinipiling panahon ang mga gustong magpakita. Palakasan na lang ng loob sa mga nakakakita ng ganito kasi kung mas takot ka, talo ka.

Mag-iingat kayong lahat. Di biro itong virus na ito. Sumunod kayo sa patakaran para matapos na itong pandemyang ito para bumalik na ang dati sa lahat.

2. Kuya Social distancing diba? Bawal yan! X Ang Ale

Ako uli ito si Hen, sundalo mga ka-spookify. Nakakatuwa mga positibo nyong comments kaya ginaganahan akong magkuwento. Kinulit lang rin ako ni Troy na magkuwento ulit ng mga naranasan ko.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now