Oro, Plata, Mata

89 1 0
                                    


Hi, it's me again Luna Moonfang. Sana ay ma-post po ito Admin.
Akala ko ay di na ako magbabahagi pa rito, pero bigla kong naalala ang kwento ng Kuya Bryle ko noon. Lol, siguro magiging madalang nalang ako mag-share dito. So, this story happened years ago.

Si Kuya Bryle ay isang Architect, nagkaroon siya ng project sa northern part of Cebu. As far as I can remember, nasa Danao ata 'yun? o nearby lang dun, basta somewhere down that road. Bahay lang naman 'yun pero sobrang ganda ng pagkakagawa, malaki kasi 'yun at pati na rin ang lupa na inookupa ng bahay. Hindi ako pro sa trabahong 'to ah so bear with me, ito ay ayun lang sa pagkakaalala ko.

Ginawan ni Kuya ng design ang may-ari non, newly weds kasi ang mga ito tsaka kaibigan niya kasi ang lalaking asawa kaya para na ring regalo niya sa mga ito. Araw-araw pinupuntahan ni Kuya Bryle ang naturang bahay para ma-monitor ng mga gumagawa kung sakto ba ito sa binigay niyang design, tsaka chini-check niya rin ang mga materials kung sakto rin ba ito. Pupunta siya ng umaga tapos uuwi ng mga bandang hapon na, hindi masyadong naniniwala si Kuya Bryle sa pamahiin kaya hindi niya alam ang 'Oro, Plata, Mata.'

Sabi ni Kuya Bryle, Linggo raw non nang umaga. Nakaramdam siya ng gut feeling na i-check ang naturang bahay, di pa gaanong kompleto sa pagkakagawa ang bahay na 'yon. Gumayak si Kuya Bryle papunta roon, wala pa siyang kotse non. Motor pa lang. Nakarating daw siya ng mga bandang alas diyes ng umaga, hininto niya sa gilid ang motor niya para mag-park doon. Bale nasa labas pa lang siya ng gate, 'yung gate ay luma pa at balak ding baguhin. Kakatanggal niya lang ng helmet nang mamataan niyang may nakatalikod na matanda. Nasa loob na ito ng gate, nakatayo ito sa bintana at parang may sinisilip. Nagmamadaling naglakad si Kuya papunta sa gate at pumasok kaagad. Doon niya lang napansin ang isang malaking balde ng taho. 'Yung dinadala ng magtataho ba, 'yung sinasabit sa balikat habang sumisigaw ng 'Tahooo~' basta 'yun, haha di ko alam kung anong tawag don. So, doon na naisipan ni Kuya Bryle na magtataho ang matandang lalaking sumisilip sa bintana, wala pang pintuan 'yon kaya bukas na bukas ang bukana nito. "Manong! Ano pong kailangan nyo?" Sigaw ni Kuya Bryle sa magtataho, nakasilip pa rin ito. Syempre si Kuya Bryle eh nagtataka kaya nilapitan niya ito, nang makalapit ay tinawag niya ang atensyon nito, pero si Manong eh nakasilip pa rin daw. Bigla nalang tinalikuran ni Manong si Kuya Bryle at pumasok sa loob. Doon na nainis si Kuya, tinawag niya ito at tinatanong kung may kailangan ba ito pero hindi siya pinapansin.

Napansin daw ni Kuya Bryle na nakatayo ito malapit sa hagdan habang tinititigan ang hagdan mula ibaba hanggang itaas. Sa isip daw ni Kuya, para itong nagbibilang.
"Manong? Kailangan nyo na po yatang lumabas." Magalang pa rin si Kuya na nakikiusap kahit medyo naiinis na raw siya. "Sa'yo ba 'tong bahay na ito?" Tinanong siya bigla ng matanda, nakatingin pa ito sa kanya. Si Manong daw ay medyo creepy kasi ang haba na ng puting balbas nito at may katarata pa sa kanang mata. Umiling lang daw si Kuya Bryle, di raw siya makapagsalita kasi kinakabahan daw siya sa susunod na sasabihin ng matanda. "Malas ang titira rito." Bigla raw sabi nitong matanda, tinitigan muli ang hagdan.
"Bakit po?" Nagtanong na si Kuya, kasi para raw sa kanya eh swerte ang bahay. "Tignan mo, may doseng hakbang ang hagdan. Kung bibilangin mo gamit ang Oro, plata at mata ay mata ang kinahuli-hulingang hakbang. Ibig sabihin, malas." Nagpaliwanag si Manong pero si Kuya Bryle ay di niya na-gets, di niya kasi alam ito kaya tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng Oro, Plata at Mata. Nagulat daw si Manong ng sabihin nitong hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang 'yun kaya pinaliwanagan ulit siya.
"Ang Oro ay ginto habang ang Plata naman ay pilak. Alin man sa dalawang 'yan ang huling hakbang ng hagdan na pagmamay-ari nyo, swerte pa rin ang kalalabasan pero kapag Mata ang huling hakbang ng hagdan nyo. Ibig sabihin ay malas o kamatayan." Hindi raw alam ni Kuya that time kung matatawa siya o maiinis sa sinabi ni Manong, si Kuya kasi ay may pagkahambog at ma-pride tsaka wala siyang paniniwala sa mga ganun. Sabi raw ni Manong, kung kilala ni Kuya Bryle ang may-ari ng bahay. Mas mabuti nalang na huwag tirahan ang naturang bahay. Lumabas na raw si Manong non dala-dala ang paninda niyang taho, binalaan siya na hangga't maaari ay walang dapat titira sa bahay na 'yon, so basically applicable 'yun sa tenant and owner.

Scary Stories 6Kde žijí příběhy. Začni objevovat