Misteryosong Tahanan o Nilalang (Parts 1-3)

54 1 0
                                    


Part 1

KillerNurse po ito, nagbabalik. Matatapos na po kasi next week yung mga online exams namin kaya may time na po ako ulit para mag-update. Itong story ko ngayon ay ikinuwento lang sa akin ni Mommy.

College si Mommy nung sinabihan siya ng Tito Ninong niyang doon na muna tumira sa kanila para may kasama raw ang nag-iisa nilang anak na si Charlette (pinsan ni Mommy), dahil silang mag-asawa ay laging nale-late sa pag-uwi at siya na lang daw ang magbibigay ng allowance at mga pangangailan ni Mommy sa school dahil scholar naman siya at walang tuition na kailangang bayaran.

Bago pa ang pasukan ay doon na tumira si Mommy, pagdating niya ay agad siyang inilibot ng Tito Ninong niya sa bahay nito. Malaki ang bahay at may dalawang palapag. Dinala siya sa kwartong tutulugan niya para iwan na doon ang mga dala-dala niyang gamit at pagkatapos ay umakyat na sila sa taas. Habang inililibot ni Mommy ang mga mata niya sa bawat sulok ng bahay ay pinagsabihan siya ni Tito Ninong.

"Ma (nickname ni mommy), basta pag nandito ka. Magpakabait ka lang ha? Huwag kang magmumura at huwag kang gagawa ng kahit na anong bagay na may bahid ng kasamaan dahil ayaw nila yun at magagalit sila sayo" payo ni Tito Ninong.
"Opo naman Tito Nong, behave naman ako palagi" tugon ni Mommy sa kanya.

Napakaganda ng bahay at maraming paintings na naka-display. Nagulat si mommy nang biglang itulak ng Tito Ninong niya ang isa sa mga malalaking paintings. Pintuan pala iyon ng isang kwarto at pagbukas nito ay mas lalo pa siyang namangha ng bumungad sa kanya ang napakaraming barya. Isa pala iyong sekretong kwarto na parang malaking version ng volt.

"Grabe Tito Nong, ang daming barya!" manghang-manghang sambit ni Mommy at nginitian lang siya ng Tito Ninong niya.

Mas lalo pang dumagdag sa kyuryosidad niya nang biglang kumuha si Tita Teresa (asawa ng tito ninong niya) ng balde at iniabot sa kanila.

"Tara na't, simulan na natin ang pagbibilang" aya sa kanila ng Tita Teresa niya at tuluyan na silang pumasok doon sa kwarto, para magbilang ng mga barya.

"Ano pong gagawin natin dito Tito Nong?" Tanong ni Mommy.
"Ipapapalit natin sa bangko" sambit naman ng Tito Ninong niya, habang nagko-concentrate sa pagbibilang.

Nang mapuno na ang baldeng pinaglalagyan nila ng mga nabilang nilang barya.

"Okay na ito, tama na ang pagbibilang. Pwede na natin itong dalhin sa bangko" sambit ni Tita Teresa.

Every 3 days nilang ginagawa ang pagbibilang, ngunit tila ba hindi nauubos ang mga barya, kahit pa lagi nila itong binabawasan. Bagkus, ay parang mas nadaragdagan pa ito. Dahilan para magsimula ng mamuo ang kyuryosidad sa isipan ni Mommy kung paano iyon nangyari.

Isang gabi, nasa hapagkainan na silang lahat nila Tito Ninong, Tita Teresa, Charlette at si Mommy. Medyo mahaba kasi ang lamesa kaya't humingi ng pabor si Tito Ninong sa anak niyang si Charlette, para i-abot sa kanya ang ulam. Pero hindi ito agad nagawa ng anak niya dahil kasalukuyan siyang naglalagay ng tubig sa baso.

"Ah, ako nalang po" sabat ni Mommy at umakmang tatayo para kunin ang ulam. Pero bago pa niya ito magawa ay nagkusa ng lumutang yung lalagyan ng ulam at pumunta sa harapan ng pinsan niyang si Charlette.

Nagulat si Mommy at nanlaki ang mga mata sa nakita niya kinusot-kusot pa niya ang mga ito para makasiguradong hindi siya namamalikmata. Pero sadyang nakalutang talaga yung lalagyan ng ulam sa harapan ng pinsan niya.

Nagulat rin ang pinsan niyang si Charlette nang makita ang lumulutang na bowl ng ulam, sa kanyang harapan pagkatapos niyang maglagay ng tubig sa baso.

"Let, yung ulam" sambit ulit ni Tito Ninong.
"Sorry po Pa, ito na po" tugon ng pinsan niya tapos ay kinuha yung lalagyan ng ulam na para bang normal lang at saka iniabot kay Tito Ninong.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now