Missing Person and Binenta

57 2 0
                                    


Missing Person

This is me again, Mayang!
Maraming salamat admin for posting yung dalawa kong naunang kwento. For now, stop muna tayo sa kwentong elemento, aswang at kababalaghan. May ise-share ako but I'm not sure if it wil creep you guys out or what. Kaya please wag nyo akong i-bash.

Gusto ko pong i-share yung na-experienced ko sa work ko 5 years ago. By the way, nagtatrabaho po ako sa BPO at proud akong sabihin na isa ako sa mga bayaning puyat.

Way back 2015, US Telco account pa ang handle ko noon. I was aasigned sa billing department, pag-e-explain ng bill at pagpo-process ng adjustments sa mga makukunat na customers ay normal na sakin. Everyday, pakikibaka talaga, most of our customers kasi ay Black Americans, maliban sa hirap silang intindihin sa english accent nila, kadalasan pa sa customers namin, papatayin ka kahit sa halagang $0.50, ma-reinstate mo lang yung mga naputol nilang linya ng telepono. (hindi po ako racist, gusto ko lang po i-emphasize kung gaano kahirap ang trabaho ng isang kolsener agent lalo na pag telco account ang hawak mo.) Anyway....

Uuwi, kakain, matutulog, gigising para pumasok, for 2 years ganon ang naging routine ko. Everything is the same every freakin' day not until on my 2nd year sa company.

Closer kami nun. Ang shift namin is from 1am to 10am. First 2 hours went smoothly. Pero yung first call ko after my first break is unforgettable.

Yung na-received kong call is from an elderly woman, somewhere from Colorado ayon sa account details nya. She's not calling about her bill charges or anything related sa payment. Nanghihingi siya ng favor to check when was the last phone call made by the number under the account. Location, time, outgoing and incoming calls. Yun yung mga gusto niyang malaman. According to her, that account is under her name but granddaughter niya ang gumagamit ng phone, and she was missing like 15 days ago without any trace.

So nag-apologize ako kasi as protocol, we are not allowed to give those kind of information unless they send personal request through our legal department.

Very insistent si Lola at umiiyak na siya. Sabi niya, "Ma'am, please... Please help me out on this... She was just 12. Her parents died when she was 6 and I'm the only family she has. The last time we spoke, she said she's on her way to school and she never came home that day. I asked the school of her whereabouts even her friends but they told me she hasn't showed up that day."

So tinanong ko si Lola if she already reported it to the police and filed a case for a missing person and she said yes pero wala daw silang update pa. I could say na hopeless na siya at gusto ko siyang tulungan pero hindi ko din alam kung paano. Limited lang din ang kaya kong gawin.

So sabi ko, I can give her the phone number or email ng legal department para makapag-file sya ng request para sa call logs nung phone nung apo niya.

Pero tumanggi siya and she insisted that I should help her, kaya paulit-ulit din ako nag-apologize at nag-explain. Hanggang sa nagulat ako nung bigla siyang sumigaw. 

"How heartless and inconsiderate can you be?!" Tapos may mga sinasabi na siya na hindi ko na maintindihan. Something like a chant, parang yung sa mga voodoo, basta creepy tapos ang naintindihan ko lang ay "you, and the rest of your family... "

Nanginginig na ako non sa takot at kahit bawal mag-drop ng tawag ay binaba ko talaga. Napapelan pa nga ako ng TL ko dahil don. In-explain ko din sa kanya yung nangyari at sinabi niya pang what I advised dun sa matanda eh tama lang pero dropping the call is a terminable offense but since first rime nangyari yun, pinalagpas niya.

The next day nilagnat ako. Di ko alam kung dahil na-stress ako sa kakaisip dun sa matanda o dahil sinumpa niya ako.

After a week, out of curiosity, hinanap ko ang pangalan nung apo niya sa Facebook since nakalagay yung name as secondary owner account holder sa account niya. Alam kong bawal yon, kasi confidential yun pero na-curious talaga ako dun sa matanda.

Finally, nahanap ko sa Facebook yung name, same address, at birthday na tugma dun sa edad nung bata at na-shookt ang ate nyo dahil puro condolence messages ang mga nabasa ko sa timeline nung bata.

Hindi ako nakatulog nung araw na yun. Di ko alam kung bakit pero may part sakin na nakokonsensya ako.

Pinag-pray ko na lang na sana, masaya na yung apo niya sa kung nasaan man ito naroroon ngayon. Thankful din ako kasi walang nangyari sakin o sa kahit sino man sa pamilya ko. 2 months after nun, nag-resign ako at lumipat ng ibang company.

Hanggang dito na lang ulit muna guys.

Next time naman.

Binenta

Please hide my identity admin. Tawagin niyo na lang akong Mayang. Laki po akong Antique at maraming nagsasabing maraming aswang don, pero wala pa naman akong nakikita. Though may mga instances na minsan gustong magpabago sa paniniwala ko pero sabi nga, 'to see is to believe'.

Etong kwento ay related din sa aswang, tiktik o kung anu pa man ang tawag sa kanila. Nung maliit daw kasi ako, naging sakitin ako bigla sabi ng nanay ko kahit ang taba-taba ko. Ubo, sipon, lagnat, hika. Kaya kahit halos kadarating lang daw namin ng probinsya galing Maynila, nag-decide ulit ang Nanay ko na lumuwas pabalik para makapagtrabaho at makapag-ipon kasi nga bigla akong naging sakitin. Medyo warla kasi ang nanay at tatay ko nung mga panahong yun kaya doon kami tumira ng nanay ko pansamantala sa lola ko (mother ni Nanay).

Halos isang linggo lang daw si Nanay sa Manila at umuwi din agad kasi hindi niya daw kinaya yung lungkot na malayo ako sa kanya kaya umuwi din agad. Mga 8 months na daw ako noon. Gabi-gabi daw naiyak ako sa di malamang kadahilanan at kinaumagahan, susumpungin na naman ng hika o di kaya ay lalagnatin.

Minsan daw, nagalit ang lola ko sa nanay ko, kasi ang hilig-hilig niya daw kasi ako ilabas kahit hapon na. Baka nga daw nababati na ako.

Nagsimula daw kasi yun nung inuwi ako ni nanay dun sa lugar nila. May matanda daw kasi sa kanila na nagtitinda ng bibingka. Ang sabi, aswang daw ang matandang yun. Tawagin na lang natin siyang Lydia. Magmula daw nung napadaan sa bahay nila nanay si Lydia at nalamang may baby dun (which is ako) eh araw-araw na daw pumupunta doon kahit tanghaling-tapat. Minsan kahit yung paninda niya halos ipamigay na daw niya kila lola basta payagan lang daw siyang kargahin ako. Since si Lola nga, alam niyang aswang yun, ayaw pumayag at sinabi daw kay Lydia na "lubayan mo ang apo ko, kung hindi ako ang makakatapat mo". Medyo natigil naman daw ang pag-iiyak ko tuwing gabi pagkatapos pagbantaan ni Lola si Aling Lydia.

Gigil na gigil daw kasi yung Lydia na yun sa akin kasi ang lusog ko daw nung baby. Nung una daw, medyo natakot yung matanda sa banta ng lola ko pero palagi pa din daw nila itong nakikitang pasilip-silip sa bakod. Nagalit daw ang lola ko kasi akala niya titigil na yung matanda pero makalipas ang ilang araw ayun pabalik-balik na naman daw at minsan pa kahit gabi na, nandoon pa din nakasilip sa bakod. Hindi ito makapasok sa loob ng bakuran dahil sa dami ng pangontra na pinaglalagay daw ni lola.

Sa galit daw ng lola ko, kinumpronta niya yung Lydia. Sabi daw niya "Tigilan mo na ang apo ko Lydia. Kung gusto mo, ipagbibili ko sya sa'yo para maging iyo na at para lubayan mo na din ang bata." (yung ipagbibili daw, parang babayaran lang daw ng kahit magkano at ang kapalit ay parang pag-aari ka na nung bumili, meaning parang magiging anak ka na niya kasi nga binili ka na. In that sense daw, hindi ka na niya sasaktan o magagawan ng kasamaan kasi pag-aari ka na niya). Actually, di ko rin to gets guys, pero ito yung pagkakakuwento nila sakin. At dahil bata pa ako nung namatay ang lola ko, hindi ko na talaga natanong kung bakit may bentahang nangyari.

Anyway, binili daw ako ni Aling Lydia sa halagang dies sentimos at magmula daw noon, nawala na yung pagiging sakitin ko. Hindi na din daw ako nag-iiiyak pag hapon hanggang gabi at natigil na din daw si Aling Lydia sa pagsilip-silip sa bakod nila Lola.

Kaya pala nung mga 13 or 14 yrs old ako, pag nagbabakasyon ako sa bayan nila nanay at makakasalubong ko yung Lydia which is matanda na nung time na yun, lagi akong inaasar nung mga pinsan ko na, "O, ayan na si Nanay Lydia mo!"

Lagi pa ako noong pinapahatiran ng bibingka pag alam niyang nagbabakasyon ako sa lugar nila Nanay. Mabuti na lang pala di ako mahilig sa bibingka.

Marami pa akong ikukuwento pero sana ma-post ito.

Yours Truly,
MAYANG

Scary Stories 6Where stories live. Discover now