Compiled Stories 5

66 3 0
                                    


Devil may care

Magandang araw mga ka-Spookify, nawa'y nasa maayos po kayong kalagayan habang binabasa ang kwento ko. Matagal-tagal na rin po akong tagasubaybay dito simula pa noong nag-start ang page na ito.

Ito pong ibabahagi kong kwento ay isa sa mga maituturing kong hindi ko malilimutang creepy experiences. Medyo may kahabaan din po itong kwento ko, so please bear with me (not sure kung hahatiin ba ito by part, sana lang ay hindi).

First year college ako noon at nag-aaral sa isang computer school sa SFC, La Union.  October 31, 2008, semestral break at dahil magto-Todos Los Santos ay umuwi ako sa aming bahay sa Ilocos Sur para makapagbakasyon na rin. Dalawa lang kami ng kuya ko noon dahil ang mama at ate ko ay OFW at ang papa ko ay nasa Manila. Bored ako ng mga panahong iyon dahil kapag sa probinsya talaga ay wala kang makikitang mga mall at bukod pa doon ay malalayo ang mga bahay ng mga barkada ko noong high school. Napakatahimik at walang ingay na maririnig. Wala akong ibang libangan kundi magtext (uso noon ang GM), magbasa ng pocketbooks o di kaya'y manood ng TV, na dalawang channel lang ang nakukuha, hindi rin naman ako pala labas ng bahay para makipaghuntahan sa mga kapitbahay. 

Magdadapithapon na noon, naumay na ako sa aking nakagawiang libangan kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung digicam at kumuha ng mga picture sa likod ng bahay namin (puro kawayanan ang likod ng bahay at matatanaw mo rin ang kabukiran), nagandahan kasi ako sa papalubog na araw kaya pinicturan ko ito, kasama ng mga matatayog na kawayan (balak kong i-upload sa Friendster).

Nung nire-review ko na ang mga kinuha kong pictures, napansin kong may image na nakuha at sa bawat larawan na tinitingnan ko ay lalong nagiging mas malinaw ang imahe, imahe ng isang nakangising demonyo. Nung una hindi ako makapaniwala, iniisip ko na baka namalikmata lang ako kaya ni-review ko ulit ang mga picture na nakuha ko pero hindi (dahil nandoon pa rin sa bawat litrato ang imahe ng demonyo). Hindi ko muna binura ang mga larawan para ipakita sa kuya ko. Gabi na ng dumating si kuya,  ipinakita ko kaagad sa kanya ang mga nakuha kong litrato, maging siya ay hindi makapaniwala sa mga iyon. Sinabihan nya akong burahin na ang mga 'yon kaya lang sabi ko ipapakita ko muna sa mga ka-boardmate ko at sa mga close friends ko sa school.

November 3, dahil patapos na ang sembreak bumalik na ako sa boarding house namin (ayoko kasing makipagsabayan sa mga iba pang luluwas pasiyudad dahil tiyak na punuan ang mga bus). Ang boarding house na inuupahan ko ay walking distance lang papunta sa school na pinapasukan ko. Luma na at gawa sa kahoy ang boarding house na may dalawang palapag (sa baba naroon ang sala,  kusina, banyo at kwarto ng mag-asawang may-ari ng boarding house at sa taas naman ay may tatlong kwarto na pawang okupado ng mga boarders).

Mag-aalas kwatro na ng hapon ng ako'y dumating. Wala pang katao-tao roon sa mga panahong 'yon. Ayos lang naman iyon sa akin dahil sanay naman akong mag-isa. Madilim pa ang buong bahay. Umakyat ako kaagad sa aking silid para makapaghinga. Naisipan kong matulog muna since wala pa naman ang mga kasamahan ko at tiyak na gabi na rin sila magsisidatingan. Maya-maya,  naalimpungatan ako dahil sa narinig kong may tumatawag sa akin ng paulit-ulit. Lagpas alas-singko na ng hapon. Naisipan kong baka landlady lang namin iyon at marahil sinisiguro lang niya na dumating na ako dahil nag-text ako sa kanya na nung araw na yon ang balik ko. Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at sumilip sa baba pero nagtaka ako dahil madilim pa sa baba at walang katao-tao don (usually kasi kapag nandoon ang landlady namin ay nanonood lang ito ng Cinema One sa sala) pero ng mga sandaling iyon napakatahimik at wala talagang tao. Binuksan ko na lang ang ilaw sa baba at pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Pumanhik na ako at bumalik na ulit sa aking silid, nang isasara ko na ang pintuan ay may tumawag na naman sa pangalan ko. Doon na ako nagtaka dahil mismong palayaw ko ang tinatawag nya (family ko lang ang nakakaalam at tumatawag sa akin ng ganun), boses pa rin iyon ng landlady namin. Sumilip ulit ako sa baba baka kako nandiyan na pero katulad ng unang scenario walang tao. Balik ulit ako sa kwarto ko, hindi ko pa man naisasara ang pinto nang may tumawag ulit sa akin. At sa mga oras na yon,  iba na ang boses, medyo husky ang dating at nanggagaling sa katabing kwarto. Paulit-ulit nya akong tinatawag gamit ang palayaw ko (pppssst... Mutya... Mutya).

Scary Stories 6Where stories live. Discover now