Compiled Stories 1

72 1 0
                                    


Ewan ko lang kundi ka tumakbo

Hi I'm Tan, 24 years old and I want to share this creepiest experience I've ever had that really gave me chills. It's about my nephew Gab, my favorite pamangkin. He sees ghost and I believe him because I saw what the hell he told me he'd seen.
This story was happened in 2019. Okay let's start.

Iniiwan lagi sa akin ng sister ko si Gab para alagaan tuwing papasok siya sa work. Yung father naman ni Gab ay nagwo-work sa Canada. Simple lang 'tong bahay namin at may dalawang palapag. Tuwing gabi ay nagkukuwento ako sa bata ng iba't ibang story para makatulog siya. Pero iba ang gusto ni Gab. Gusto niya yata akong atakihin sa puso. Hapon kasi noon siguro 4:30pm then bigla nagsalita yung bata. Nasa 2nd floor kami nakaharap sa bintana.

Gab: Tito gusto ko lipad, yung sa story
Me: (Nagpapakatotoo lang) Hindi naman totoo yung sa story Gab. Saka kailangan may wings ka or cape to fly.
Gab: (Nakatingin sa tapat bahay namin. Old house na yari sa kahoy)
Tito ayun oh, tao lipad tali (sabay turo sa bintana ng bahay na katapat namin.)

Tinignan ko yung tinuturo niya. Wala namang tao. Yung bahay ay halos same size lang din ng sa amin. Patay ang ilaw pero makikita mo yung loob kasi medyo maliwanag pa. Medyo di ko close yung nakatira na matandang babae bihira lang din lumabas.

Me: Ano Gab?
Gab: Tito lutang oh, tali-tali

I don't know pero bigla akong nanlamig that time. Parang yung tinuturo ni Gab ay meron talaga na hindi ko nakikita. Ewan basta sigurado akong walang tao at hinatak ko na lang ang kurtina ng bintana namin para masara.

Me: Laro na lang tayo sa labas Gab
Gab: Yes yes

Siguro mag-iisang oras na rin kaming nasa labas na naglalaro at tinignan ko ang relo ko 6:01pm na.

Me: Magpahinga at maglinis na Gab, dungis mo oh. Pasok sa loob bibili lang si Tito.
Gab: uhm
Me: Sarado lang pinto ah.

Ako naman ay bumili ng pagkain namin. Pag-uwi ko ay nadatnan kong nakabukas yung pinto. Hindi dapat kasi tinuruan ko ng mabuti si Gab kung ano ang dapat gawin at masunurin itong bata. May mga bakas pa maputik na paa sa tiles eh kakalinis ko lang non.

"Gabbbbb" sabi ko lang sa isip ko.

Kumuha ako ng mop at nilinis yung mga bakas. Papunta ng kusina yung mga bakas.

"Ano kaya ginagawa nitong batang 'to"

Diniretso ko lang yung paglilinis ng mga bakas. Yung bahay kasi pagpasok mo, living room agad tapos didiretso ka sabay kanan kitchen na. Pagpunta ko sa kitchen, natapos yung trail nung bakas. Like WTF! saan napunta yung iba. Then nakita ko non si Gab nakatalikod sa sulok. Malapit sa lababo.

"Gabbbb di ba sabi ng Tito maglilinis ka. Bakit maputik paa mo? Dapat nagpunas ka sa basahan pagtapos maglinis."

Humarap sa akin si Gab na naiiyak at tumuturo. Nanlamig pakiramdam ko. Ewan ko pero iba. Nakaturo si Gab sa likuran ko na parang may nakikita siya. Lumamig sa likuran ko at kumapal yung batok ko. Parang gusto kong sabihin na umalis na kami dito dapat kunin ko na si Gab. Naramdaman kong parang may nalaglag mula sa kisame sa likuran ko. Parang mabigat na paduyan-duyan.

Iyak nang iyak si Gab at ako rin ay kinakabahan. Nanginginig man ako sa takot ay nilapitan ko yung pamangkin ko. Tinignan ko mga mata niya at nakita ko mula dito yung reflection. May nakabigti sa likuran ko. Nakabalot sa plastic yung ulo. Hinablot ko agad si Gab at tinakpan ang kanyang mga mata at nakapikit akong tumakbo papalabas. Halos madapa-dapa ako.

- Tito PUN

Wag Kang Lilingon

Sorry sa nagtatanong kung saan yung paa sa compartment po di ko pala nalagay patawad tao lang hindi perpekto. Di siya mannequin dahil alam ninyo ung paa ng tao hanggang ankle kapag nababad sa tubig maputla at kumulubot ganun ung paa na nakadungaw sa compartment sa likod. Di ko din talaga alam kung ano ang nangyari kung nakikita ba namin ung past ng kotse or pinaglalaruan lang kami. Kayo na humusga.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now