Killer Earthquake in the Philippines

76 0 0
                                    


Entry #32

Hi, guys! FAITH IS IN THE HOUSE, joke, hahaha. Salamat sa lahat ng nagbabasa, lalo na sa mga nakaka-appreciate ng mga stories ko.

Pista ngayon (July 16) sa Ate Donna ko at nag-PM siya sa akin kaya ito ang naalala kong ikwento. Sa araw na ito rin kasi naganap 'yon.

THROWBACK

July 15 ay nagpunta si Nanay sa barangay nila Ate Donna. Sinama ang Ate Annie ko na pangalawang bunso at pati ako (bunso).

Halos katatapos lang ng birthday ko no'n (July 8), maliit pa ako. Dalawa silang kapatid ko na nakatira roon. Pero dahil may okasyon kila Ate Donna ay doon kami nag-stay.

Nasabi ko na before na magaling na kusinera ang Nanay ko. Sina Ate Donna at Kuya Jester ay babae ang unang anak. Nakuwento ko sila sa "GALIT NA GALIT ANG LANGIT" at bukas nga ang binyag ng bata.  Fiesta rin sa kanila bukas. Ganoon sa mga baryo--sinasabay sa pista ang binyag para isahang handaan na lang.

So, si Nanay ay madaling araw pa lang, namalengke na ng pang-handa. At para sa pabaon na ibibigay sa mga ninong at ninang. "Pabagat" naman ang tawag sa Kapampangan. Grabe, 15 pares ba naman sila, bale 30. Kaya marami-rami ang niluto niya.

Nung gabing 'yon ay nagpunta kami sa perya kasama sila Ate Pattie at ang pinsan ni Kuya Jester na si Grace. Lahat ay sinakyan namin kasi Kapitan 'yung Tito ni Kuya Jester, kaya libre kami sa mga rides, hehehe. Siyempre, 'di mawawala ang horror train, kaya 'di rin namin 'yon pinalampas talaga. Takot na takot kami at parang aatakihin kami sa puso sa kasisigaw. Kasi may multo pa talaga na kinakalabit kami at sumasampa sa train.

Kaya naman ang ginawa namin ay siksikan kami at nagtago sa ilalim ng upuan. Biruin mo 'yun, nagkasya kami don. E, tatlo kaming katao. Ang kitid lang kaya, ang taba pa ni Grace.

Dahil nasa ilalim kami ng upuan, 'yung multo ang umupo sa upuan  at tatayo 'pag lalabas ang train. Uupo ulit kapag papasok na para takutin kami ng husto. Tinandaan talaga ang pwesto namin ng salbaheng multo at sinisilip pa kami habang tinatakot sa ilalim ng upuan. Halos lumabas na ang mga ngala-ngala namin sa kasisigaw. Kaya naman nung umuwi na kami ay wala na kaming mga boses.

Pagdating namin sa bahay ni Ate Donna ay nagluluto pa rin si Nanay. Pinatulog na kami ni Ate Pattie. Ang bahay nila ay gawa sa pawid at tabla, sa taas ang tulugan at dalawa ang kuwarto.

Ang Nanay ni Kuya Jester ang kasama niyang nagluluto. Nang maayos na ang lahat ay umidlip sa sofa sa sala si Nanay.

July 16, 8am ay nagsimula nang magbihis ang mga pupunta sa simbahan. Ninang ang Ate Pattie ko kahit elementary pa lang siya that time, hahaha. Tapos ang daming mga pamahiin, may matanda pang hinilamusan ang bata at dapat daw magbigay ng bayad mamaya. Kabilin-bilinan ng biyenan ni Ate Donna ko na itakbo si Mitch (bibinyagan) at makipag-unahan sa pinto pagkatapos ng binyag. Para raw maging matalino ang bata. Maraming pamahiin ang balae ni Nanay. Ako naman ay naiwan at nagbabalot ng fork and spoon sa tissue.

Natapos ang misa at nagdatingan na sila--siyempre, kainan. Dami pa ring bisita at may mga kasama din ang mga ninong at ninang. Isa rin pala sa Ninang si Ate Mary na nakuwento ko sa inyo before siya nakapag-asawa sa Mabalacat at dumating sila. May anak na siya noon, baby pa (sa kwento kong "BULAKLAKAN").

Ibinigay na ang mga pabaon sa mga aalis ng ninong at 'yung matandang humilamos kay Mitch ay dumating na may hawak na planggana na may tubig at nilalakad sa mga ninong at ninang ang bata. Dapat daw magbigay sila roon para hindi magmumuta ang inaanak nila. Siyempre 30 'yon, e, 'di ang saya niya, nakarami kasi.

Hanggang sa mag-alisan na ang mga bisita. Pero dahil maraming barkada si Kuya Jester ay may parating-rating pa.

Bandang hapon na 'yun--mga pasado alas kuwarto, nagkukwentuhan sa sala ang ibang bisita. Si Nanay ay nagluluto pa ng litsong kawali sa likod, ang kalan ay nasa lupa. Ako ay nasa itaas, kasama si Ate Mary at pinapatulog niya si Mitch. Ako naman ay nilalaro 'yung anak ni Ate Mary. Tapos binigyan ako ng pera non ni ate pambaon ko daw. Bigla nalang umuga ang bahay. Ang Nanay kong nagluluto sa lupa napahawak sa ulo akala nya ay nahihilo lang. Hanggang pati mga kasama niya ay nakita nyang gumagalaw. At sumigaw ang mga yun ng lumilindol. Natumba ang niluluto nyang litson kawali sa kawa sa lakas ng lindol buti nakalayo agad kundi bumulwak sa kanya ang mantika at nalapnos siya ng kumukulong mantika. Mabilis na pinasok kami ni Nanay sa loob ng bahay at mula sa ibaba sinabihan nya kami na lumilindol. Kinarga ni Ate Mary ang baby nya, ako naman dahil naiwan si Mitch ay kinuha ko. Bumababa na kami sa hagdan non muntik ko pang mabitawan ang bata dahil ang galaw ng lahat ng nakikita ko. Sinalubong kami ni Ate Donna at kinuha sa akin ang anak nya na kaunti na lang mabibitawan ko na sa may hagdan tapos inakay kaming lahat papunta ng pinto ni Nanay pinalabas muna ang mga ate ko na may mga baby kasabay kami ni Ate Pattie. Mabilis kaming naglabasan sa bahay. Matumba-tumba pa kami sa kakamadali. Kumakabog ang aming mga dibdib. Tilian lahat ng mga tao dahil tumagal din yun ng ilang minuto. Ang mga bata ay nag-iiyakan. Takot na takot sila. Maging ang matatanda. At paglabas ay nakita namin ang mga bahay na tila nagsasayaw sa mabilis na indak. Ang bilis. Napakalakas ng lindol na yun. Tapos ang daming tao sa daan at labas ng mga bahay nila.

Nung time na yun ay may prosisyun sa daan at napatigil din sila sa paglakad sakto nasa tapat ng bahay nina ate. Ang katapat nila ay ilog at may bangin, sa kabilang daan ang bahay ni ate. Ang ibang tao  na kasama sa prusisyun ay nalaglag  sa bangin at nadaganan ng mga lupa at bato pati na rin ng mga kahoy na nakatanim sa paligid.

May mga bahay na bumagsak non at ang lupa ay nagkandabiyak-biyak dahil ang intensity pala ng lindol ay talagang napakalakas at ito ay 7.7 magnitude.

Ang bahay nina Ate Donna ay natanggal ang pawid at may natuklap na pader sa lakas. May mga gamit na nagsibagsakan at marami ang nasira. Ang mesa kung saan kumain ang mga bisita nung tanghalian ay naroon pa ang mga pinggan at baso at ibang mga pinaggamitan. Sa lakas ng uga ay naglaglagan din ang mga kasangkapan mula sa mesa. Nabasag ang mga pinggan at baso.

Sa bahay naman ng isang ate ko non na taga doon din, nabitak ang flooring at pader ng bahay. Sementado ang bahay nya. Nangatumba din ang mga puno at ang mga nag-iinuman non ay nagsitigil.

Sa amin naman non takot na takot ang Ate Annie ko mag-isa lang siya sa bahay. At dahil luma na ang bahay namin takot siya na bumagsak ito at lumabas daw siya. Nasa work si Tatay non. Iyak daw siya ng iyak nakakatakot yung magkakaganon na wala sa tabi mo ang pamilya mo. Naalala nga namin siya non. Marami ang bumagsak ang bahay sa amin non yung mga mahihina na.

Ang epicenter pala ng lindol ay Rizal, Nueva Ecija at Cabanatuan. Marami ang namatay sa lindol na ito kaya tinawag siyang killer earthquake. 1,600+ ang natandaan naming nabalita sa TV non na namatay.

Sa Baguio City ay maraming mga buildings ang gumuho at marami ring natabunan ng lupa, pati sa zigzag road. Mga katawan na hindi rin nila nakita. Kaya marahil ang Baguio City ay isa sa may pinakamaraming nagpaparamdam. Mga daing ng mga namatay nung araw na yon.

Kwento naman ng mister ko, si Arki. college na daw siya non at nagkaklase sila at sinabihan sila ng Prof nila na "don't panic" kasi sigawan na sila lalo na ang mga babae. "Don't panic" sabi ulit pero dahil sa lakas ng lindol ay iniwan sila ni Prof.

Isa yon sa totoong nakakatakot na trahedyang karanasan ko kumpara sa mga multo na nakita at naramdaman ko sa buong buhay ko.

Palagi po tayong mag-ingat lalo na ngayon na marami na po ang affected sa virus dito sa Pilipinas. Sumunod po tayo sa gobyerno. Kita-kits uli sa susunod kong kuwento.

Faith♥️
Pampanga

Scary Stories 6Where stories live. Discover now