Wag kang maingay (Parts 5-7)

36 1 0
                                    


Part 5

"Nababaliw ka na rin ba Jalil? Paano kung mapahamak tayo doon? Ayoko! Bumaba kayo't dito lang ako." Sabi ni Sheena sa amin. Nagtinginan kami ni Greg at nagsimulang bumaba ng puno. "Oy oy oy mga loko saan kayo pupunta?" Sabi ulit ni Sheena sa amin. "Aba saan pa ba? Bababa kami, diyan ka lang ungas magtanda ka diyan pahamak ka lagi eh." Sagot ko naman kay Sheena. Natawa ako ng wala sa oras dahil nagmadali ring bumaba ng puno si Sheena. Pagkatapos naming bumaba ng puno ay pinuntahan namin ang ingay kung saan ito nanggaling. Pasikretong nagtago kaming tatlo sa damuhan at sinubaybayan namin sila. Nang makarating kami sa naturang lugar ay nakita namin don na nakasabit ang kaliwang paa ni Maiko sa itaas. Nagsisigaw sya lalo na't nilapitan sya ng tatlong Hunters. Bumunot ng napakalaking itak ang isa sa mga Hunters at dinilaan ito. Tawa sila ng tawa habang dahan-dahan din nilang sinusugatan ang mukha ni Maiko at tinanggalan sya ng tainga. Sumunod naman ay binaba ng kaunti ang damit at tsaka tinanggalan ng dalawang utong. Sigaw sya ng sigaw habang umiiyak. Nagmamakaawa sya sa kanila ngunit walang awa naman ang mga pinagsabihan nya kaya wala ring mangyayari. "Yan ang dapat sa kagaya nyang traydor." Bulong ni Sheena. "Shhhh di mo alam anong iniisip nya bakit nya nagawa yon, buti nga di sayo nangyari yan." Sagot ko kay Sheena ngunit tinarayan nya lang ako ng tingin. Ang ganda nya sa part na tinarayan nya ako. Tangos ng ilong, mahabang pilikmata, medyo makapal na kilay, makurbang katawan, maganda ang pagkaayos ng buhok, maputi at makinis na pagmumukha't hindi nakakasawang pagmasdan. Ngunit ibinaling ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ito ang oras para makipaglandian sa gitna ng kamatayan. Binalewala ko ang pumasok sa isipan ko ng sandaling iyon at nagpatuloy sa pagmamatiyag. Pagkatapos ng masaklap na pangyayari kay Maiko biglang tumabi ang dalawang Hunter. Lumapit ang isa sa kanila na mga 6ft ang taas at laki ng katawan. Inabot ng isang Hunter sa kanya ang mahaba at malaking itak. Sumunod ay nag-ipon ito ng lakas at biglaang tinaga at naputol ang binti ni Maiko at bumagsak ito sa lupa habang nagsisigaw. Nakakasuka't nakakakilabot ang ginawa nila kay Maiko. Pagkatapos naman ay kumuha ng hook ang isa sa kanila at itinusok ito sa may collar bone ni Maiko habang hinahatak ito pa norte ang deriksyon. Iniwan nila ang kaliwang paa na nakasabit habang pumapatak ang dugo sa lupa, pati na rin ang bag na kinuha ni Maiko mula sa amin. "Sundan natin sila Greg, ito na ang pagkakataon para matuklasan natin kung saan nila dadalhin ang mga bangkay nila Justine, Maiko at marahil pati na kay Jaya." Bulong ko sa kanya at sumang-ayon agad si Greg habang hinawakan ni Sheena pareho ang mga ulo namin. "Sigurado na ba tayo dito? Hindi ba tayo malalagay sa peligro?" Bulong ni Sheena sa amin. "Tiwala lang, hindi tayo pwedeng magtago sa gubat na ito habambuhay." Sagot ni Greg kay Sheena. Nang makaalis na sila ay pinulot agad namin ang bag na kinuha ni Maiko mula sa amin at chineck kung may makakain at magagamit pa ba kami. May nahanap ako sa bag kong kaunting pagkain at tubig. Ganun din kay Sheena at kay Greg. Sinundan namin sila at sa di kalayuan mula sa gubat mga ilang metro din ang layo may natanaw kaming Bahay sa mataas na bundok at doon nila dinala si Maiko. Naririnig pa rin namin ang sigaw nya't mga iyak. Pinagplanuhan namin ng maigi kung paano kami makakapasok. "Mag-antay tayo ng umaga. Papasukin natin ang bahay nila ng hindi gabi dahil hindi sila gaanong nakakakita't nakakagalaw kapag umaga. Kaya antayin natin ang pagsikat ng araw." Anya ni Greg. Kaya naman umalis kami't naghanap ng mapagtataguan di kalayuan sa bahay. Inihanda namin ang mga gagamitin namin bukas, patalim, ginawan namin ng patibong ni Greg sa magiging daraanan namin kung kami'y maghahabulan. Pagkatapos naming mag-setup ng patibong ay nagpahinga na kami. Habang tulog kami ay di ko namalayan na gising pa pala si Sheena at umuupo dalawang metro ang layo sa pinagtaguan namin. Bigla rin akong nagising dahil sa sobrang lamig ng hangin. Napansin ko si Sheena na nakaupo at nakatingala sa kalangitan. Lumapit ako at tumabi sa kanya, tinanong kung bakit hindi pa sya natutulog. Sabi nya hindi raw sya makatulog sa kabila ng lahat ng pangyayari't nasaksihan nya. Pareho naming hindi inakala na magiging ganito ang kahihinatnan namin. "Miss ko nang matulog sa higaan ko, kumain ng masarap sa labas, gumala kasama ang barkada ko at maglasing." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit. "Ako miss ko na lahat-lahat. Pati mga magulang ko, kaklase ko, pati na rin ang mahal ko." Sabi naman ni Sheena sakin. Napatingin ako sa kanya, tila ba parang bumigat ang pakiramdam ko at naninigas ang lalamunan ko. Nakakatawang isipin na hindi ko pa nga nailalabas eh sumabog na agad sa kaloob-looban ko. "Ganun ba, alam ko miss ka na rin nila." Tanging naging sagot ko sa kanya sabay ngiting mapagkunwari. Nakikita ko sa mga mata nya na may pag-asa pang makalabas dito. May pag-asa pang mabuhay. "Wag kang mag-alala. Makakalabas tayo dito, ililigtas kita hangga't kaya ko." Sabi ko sa kanya habang nagtititigan kami. Para bang may kung anong hindi maintindihan na nakikita namin sa bintana ng aming kaluluwa. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at tumingin ulit sa kalangitan. "Miss ko na rin ang mahal ko." Sabi ko sa kanya. "Ahhh. Kung ganon may nagmamay-ari na rin pala ng iyong damdamin Jalil." Sagot ni Sheena. "Biro lang haha magpahinga na tayo't may gagawin pa tayo bukas." Tanging naisagot ko kay Sheena. Pagkatapos ay nagpahinga na kami. Kinabukasan ay ginising kami ni Greg upang ihanda ang lahat ng gamit pati na rin ang plano naming pagpasok sa bahay. Nakahanda na kaming lahat, kaya naman nagmasid kami sa daan dahil baka madaanan namin sila. Hinintay naming mag-ala una ng tanghali dahil tirik na tirik ang araw at mainit ang paligid na sya ring istratehiya namin para hindi sila gaanong makagalaw. Unang papasok si Greg, pagkatapos ay susunod ako habang maiiwan si Sheena bilang bantay sa labas. May inabot sakin si Greg na isang maliit na remote at sinabi na "Jalil, bago ako pumasok. Kung sakaling tatagal ako ng sampung minuto sa loob pindutin mo agad ang pulang ito pagkatapos ay tumakas na kayo ni Sheena." Sabi ni Greg sakin. "Nahihibang ka na ba sa mga pinagsasabi mo? At ano ito? Wag kang magsalita ng ganyan lalabas tayo ng sabay-sabay kasama ang kapatid mo." Sagot ko kay Greg. "O sya sige basta itago mo ito, sayo ko ito ipapaubaya." Sagot rin ni Greg pakatapos ay pumasok na ito sa loob ng bahay. Nagmatiyag kami ni Sheena sa paligid. Walong minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Greg. Kaya nagpasya na akong sundan si Greg at pumasok na rin sa loob ng bahay. "Saan ka pupunta Jalil? Antayin nalang natin si Greg gaya ng naging plano natin." Anya ni Sheena sakin. "Kailangan kong puntahan si Greg. Sabay tayong lalabas dito. Kaya dito kalang at antayin mo kaming makalabas." At dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa loob ay may naamoy na agad akong mabaho. Masyadong madilim at maaliwalas. Nang makarating na ako sa sala, nakikita ko na ang radyo na tinutukoy ni Greg ngunit hindi ko alam kung paano gamitin ito. Kaya naman mas mabuting hanapin ko muna si Greg. Nagkalat sa sahig ang mga dugo at ang bangkay ni Maiko ay naroon. Tinakpan ko ang bibig ko dahil nasusuka talaga ako at umangat ang kinain ko sa bibig ko. Ayokong sumuka dahil marirnig nila ako at mawawalan ako ng lakas. Kaya napilitan akong lunukin ang suka ko. Nagpatuloy ako sa pagmamatiyag sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa kusina nakita kong nakatali na si Greg sa isang upuan at nakatakip ang bibig. Lumapit agad ako sa kanya para kalagan sya. Ngunit bigla nalang akong natumba sa sahig at unti-unting nawalan ng malay. Paggising ko kaharap ko na ang mga Hunters sa malaking la mesa habang nagpapatulis ng kanilang mga patalim. Nakatali ang mga kamay ko. Sa bandang kaliwa ko naman ay nakatali rin si Greg. At ang ikinagulat ko ay nakita ko sa bandang kanan ko na nakatali na rin si Sheena sa upuan at walang malay. Gusto kong magwala at nagpupumilit na kumawala ngunit wala ring mangyayari. "Pakawalan nyo kami!" Sigaw ko sa kanila. Ngunit balewala lang sa kanila iyon.  Naamoy ko na para bang may pagkaing niluluto ito. Naririnig namin ni Greg na may sumisipol at kumakanta rin habang nagluluto. Nagtataka si Greg sa kanyang naririnig habang kakagising lang din ni Sheena. Ilang sandali pa ay may lumabas na tao mula sa kusina at may hawak na pagkain. Makikita mong daliri, mata, at tainga ng tao ang sahog sa niluto. Nagulat kami sa aming nakikita habang si Greg ay hindi makapaniwala. "Kumusta na Greg, aking mahal na kapatid."

Scary Stories 6Where stories live. Discover now