Galit na galit ang Langit

66 1 0
                                    


Hey, y'all! Faith is in the house. Hahaha, joke. Hello po, I'm back again.

Ang Ate Donna ko ay nag-asawa nu'ng 22 years old siya, sa kanyang first and only boyfriend na si Kuya Jester, solong anak. 25 years na rin silang mag-asawa at may tatlo silang anak.

Si Ate Donna ay simpleng babae: maganda, mahinhin at devoted wife. Si Kuya ay responsableng ama at asawa. Kahawig niya si Gardo Verzosa, 6'2" ang height at laging MVP sa basketball nu'ng binata pa.

Ang panganay nila ay babae at nagwo-work sa call center, si Mitch. May fiance na isang Scottish at teacher siya sa Japan. And naka-schedule silang ikasal sa huling Sabado ng August, 2018.

Nakaplano na ang lahat.

Ang pangalawa ay isang sundalo na si John, may GF na buntis (7 months ang tiyan) pero hindi pa puwedeng pakasal dahil nakapetisyon ang babae.

At ang bunso ay nasa high school, grade 11 that time, lalaki: si Brent.

Masaya ang kanilang pamilya, bagamat simple lang. BTW, si Ate Donna ang kasama ko sa una kong kuwento na "Baboy".

August 9, 2018 birthday ni Ate Donna at maagang nagising si Kuya Jester para mamalengke at magluto. Darating kasi ang mga anak nila, nag-rent din siya ng videoke para mas masaya.

Nang hapon na, nagkasiyahan sila ng mga anak at binabanatan ni Kuya Jester ang mga paborito niyang kanta ng Aegis.

Dumating ang dalawa niyang kumpare na si Bogart at Bong at isang pamangkin na ang palayaw ay Bukol. Si Bukol ay matabang lalaki at kalbo, nakatira malapit sa kanila.

Niyaya siya ng mga kumpare niyang uminom doon sa bahay ng barkada niya.

Sabi ni Kuya Jester, "Pass na muna, nandito kasi ang mga bata, madalang ko lang silang makasama."

Sumagot ang isa niyang pare na porque daw ba magiging kapitan na ang anak niyang sundalo at papunta na sa Japan ang panganay ay mapagmalaki na siya?

Ganu'n sa baryo, madaling kumalat ang balita. Sumabay pa ang isa niyang pare na nagbago na raw siya.

Sabi naman ni Bukol, "Sama ka na, Tito, para mas masaya. Kantahan mo kami ng Aegis."

Dahil sa pilit ay sumama rin sa kanila si Kuya Jester. Sa pagkukuwentuhan nila habang umiinom ay napagkaisahan ng lahat na si Kuya ang magbabayad. Kaya pala sinama para may taga bayad sa ininom. Tinanong sa kinuhanang tindahan kung magkano na ang bill at tinignan niya ang wallet niya, hindi pala sapat ang dala niyang pera.

Bandang 9pm na 'yon at sabi niya na uuwi raw muna siya at kukuha ng pera. Iniwan na ang laman ng wallet sa kanila. Lasing na rin siya at nang makauwi ay inantok siya. Pinahiga siya sa kama ni Ate Donna ko na noon ay nadatnan niyang nanonood ng HBO kasama ang mga anak niya.

Ang mga kasama niyang naiwan sa inuman ay umorder pa nang umorder sa tindahan. Hinihintay na bumalik siya.

Bandang 10pm, nakarinig ang Ate ko ng katok sa pinto. Na animo'y galit at nagmamadaling mapagbuksan.

Sabi ng Ate ko kay Brent, "Tignan mo nga sa bintana sino 'yan."

Sabi ni Brent, "Si Kuya Bukol, Ma."

Binuksan niya ang pinto. Sabi ni Bukol sa Ate Donna ko, "Tita, nasaan ba si Tito ko, bakit ba 'di na nagbalik?"

"Nalasing yata, tulog na siya", sabi ni ate.

"Gisingin mo, importante", sabi ni Bukol na akala mo kung sinong makapag-utos pabalang daw ang sagot niya.

Natakot ang Ate ko, kaya pinagising kay Brent ang Papa niya. Tumayo siya na animo'y naalimpungatan at pupungas-pungas pa. Natutumba-tumba, dahil sa kalasingan.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now