Salakot

56 1 0
                                    

Hi Admin and readers!

Ako ulit to, si Cait. Para po pala sa story na sinend ko last time na 'Jar', 5:45pm kami dumating sa bahay noon ng BF ko at 6:30pm na nung nabuksan ko yung ilaw. Di naman po masyadong matagal. Mahiyain po kasi yung bf ko kaya madalang pumasok sa bahay. Anyway, asawa ko na po sya ngayon at di na po sya nag-aantay sa terasa. Sa nagtatanong naman tungkol sa Jar, tinapon na po namin. Mahirap na po at baka anong meron sa Jar. Maraming Salamat po sa mga positive comments ninyo kaya naisipan kong mag-share ulit ng kwento.

May kasabihan ang matatanda na kapag hindi mo mayakap ang puno, may nakatirang elemento na hindi nakikita.

Naalala nyo po yung sinasabi kong santol sa puno ni Tita Kris? Meron akong kababata na may kwento sa punong santol na iyon. Ikukuwento ko sya gamit ang kanyang POV.

Ako si Popoy. Madalas kong dalawin ang tiyahin kong si Ampy. Si Tita Ampy kasi ay minsan lang dito sa Pilipinas dahil OFW sya sa Bahrain. Kaya naman sinasamantala ko ang panahon na nandito sya sa Pilipinas. Close kasi kaming dalawa dahil halos sya na ang nagpalaki sa akin noon nung hindi pa sya umaalis ng bansa. Si mama at papa kasi ay nagtatrabaho sa Maynila at iniiwan ako sa karinderya nila Tita Ampy. Maraming pwedeng daan papunta sa bahay na yon ni Tita Ampy pero mayroon akong iniiwasang daan. Ang daan na yon ay sa bahay ng kababata kong si Cait. Hindi ko kasi gusto ang punong Santol nila. Mataas at napakayabong. Masyado itong malaki at madahon kumpara mo sa ibang puno ng Santol. Tumitindig ang balahibo ko kada daraan ako sa bahay nila. Ewan ko ba pero parang palaging may nakamasid sa ‘kin.

Bata pa lang ako ay alam ko na kung may ibang elemento sa palagid. Sabi nila, dahil daw yon sa balat ko. May pulang balat kasi ako sa bandang kaliwang bahagi ng aking mukha. Mula ito sa itaas ng kilay, mata na umabot sa sentido. Nakakaramdam ako pero hindi ako nakakakita. Palaging ganon. Naniniwala ako sa mga multo at di pangkaraniwang nilalang dahil nararamdaman ko sila pero never ko pa silang nakita.

Hapon na non at nagpapaabot ng tsokolate si Tita Ampy kila Cait, pamangkin nya kasi ito sa asawa, kaya naman nagtungo ako kila Cait. Apat na bahay lang naman ang layo nito sa bahay ni Tita Ampy. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng oras na yun. Isang bahay na lang at naramdaman ko na naman na nanlalamig at nangangapal ang batok ko. Nararamdaman ko na naman ang tingin ng elementong hindi ko nakikita. Katulad ng dati, hindi ko ito pinapansin. Ipinagsawalang bahala ko na lang. Dahan-dahan akong naglakad hanggang nasa harap na ako ng gate nila Cait. Bubuksan ko na sana ang bibig ko para magsabi ng “Tao po!” nang may naaninag akong lalaki sa puno. Sa isip ko, tig-Santol ba ngayon? Baka nangunguha lang ng santol. Iginawi ko ang mga mata ko sa ibang parte ng puno pero bakit wala namang bunga? Hayaan ko na nga. Baka magpuputol lang ng sanga. “Tao po! Tao po!” Parang wala namang tao. “Tao po! Tao po!”. Hindi na ako mapalagay dahil nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin ang lalaking nasa puno. “Tao po! Tao po!”. Wala namang lumalabas sa bahay. Ibabalik ko na nga lang tong mga tsokolate kay Tita Ampy. Pero bago yon, tanungin ko kaya yung kuya sa puno kung nasaan sila Cait. Hindi ba magnanakaw ito? Dahan-dahang kong itinaas ang aking ulo para tingnan ang lalaki sa puno. Naka-kamesa de chino ito na kulay kupas na bughaw. Hindi ko na mapansin ang suot nyang pambaba dahil na rin magtatakip silim na. Pinipilit kong aninagin ang mukha nito pero nakasuot ang lalaki ng salakot na animo’y isang magsasaka. “Manong!” tawag ko sa lalaki upang sana'y itanong kung nasaan ang mga tao sa bahay para malaman ko kung mag-aantay lang ako ng kaunti o sa susunod na araw na lang ako babalik. Pagkasabing-pagkasabi kong yon ay tumingin ang lalaki sa puno. Isa pa lang pagkakamali ang pagtawag kong iyon sa lalaki sa puno ng santol at sana pala ay umalis na lang ako dahil hindi pala sya normal na tao. Saka ko lang napansin na puno sya ng putik at ang mukha nito ay parang sa tao, may mata, ilong at bibig pero ang balat nito ay katulad sa sanga ng kahoy. Napako ang mga paa ko ng sandaling napagtanto kong hindi tao ang nakikita ko. Unang beses kong nakakita ng hindi pangkaraninwang elemento, ok na sa akin na nararamdaman ko sila pero hinding-hindi ako nag-expect na may magpapakita. Takot na takot ako at hindi makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong sumigaw pero para akong na-estatwa. Nakatingin pa rin ang elemento sa puno sa akin. Bigla itong gumalaw na para bang bababa sa puno at doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig at saka kumaripas ng takbo pauwi sa bahay namin.

Isang linggo akong trinangkaso dahil paulit-ulit kong napapanaginipan ang tagpong iyon. Ilang buwan din ang lumipas na hindi na ako pumupunta kila Tita Ampy dahil nakabalik na ito sa Bahrain. Paminsan-minsan ay pumupunta pa rin ako sa bahay nila para samahan ang mga pinsan ko pero hinding-hindi na ako dumaraan sa bahay nila Cait. Natatanaw ko yung puno ng Santol at nandon pa rin yung lalaki sa puno. Nagbabantay. Hindi naman sya nananakit. Kumbaga, bantay sya sa bahay na yon nila Cait.

Halos kalahating taon din ang lumipas bago naikwento sa amin ni Popoy yung lalaking nakasalakot sa puno ng Santol. Sa ngayon, hindi na sya natatakot at nakasanayan na lang nya. Pero iniiwasan nya pa ding dumaan ditto sa bahay. Kaya siguro kahit umaalis kami sa bahay ng ilang araw ay hindi kami nananakawan. Salamat na lang dun sa bantay, sa lalaking naka-salakot sa puno ng santol.

Scary Stories 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon