Experiences

52 3 0
                                    


Hello, spookify. Avid reader ako rito since 2015 and this is my first time na magse-share ako ng story dito. Experience namin itong magkakaibigan. Mahaba po ito so please bear with me.

Noong senior high kami (1st batch) every vacant namin matic na bibilog na kaming pitong magkakaibigan para magkwentuhan ng kung anu-ano pero di mawawala sa kwentuhan namin yung mga creepy experiences namin.

I.
Ito kwento ng kaibigan kong si Mary, ito yung isa sa mga kaibigan ko na emotionally unstable at madalas mag-breakdown kaya palagi talaga kaming nakaalalay sa kanya. Nung nagkukwentuhan kami, bigla nalang syang umiyak. Yung iyak na hagulgol talaga tas parang takot. Kwento niya na ilang beses na raw syang di makatulog dahil natatakot sya. Isang beses daw kasi tanghaling tapat non, natulog sya sa sofa nila sa baba. Hanggang 3rd floor kasi ang bahay nila pero gawa sa wood yung stairs nila kaya maririnig mo kapag may bababa o aakyat. Nagising daw sya non pero nagulat sya kasi di niya maigalaw ang buo niyang katawan, pinipilit niya raw pero di raw talaga niya maigalaw. May naririnig daw syang mga nagsasalita tapos may mabibigat na hakbang na bumababa sa hagdanan nila. Hindi niya raw alam kung paano pero naigalaw niya ang daliri niya sa paa tapos nagising na sya. First time daw na nangyari sa kanya 'yon at grabeng iyak daw yung ginawa niya kasi akala niya hindi na siya magigising. Hanggang sa madalas na raw mangyari sa kanya, hindi namin 'to alam kasi di siya nagkukwento samin about dito kahit na madalas kaming magkwentuhan. Nasanay na raw sya sa ganong sistema pero ang pinaka-worst daw talaga ay nung may nakikita na syang nakapatong sa kanya na pula yung mga mata. Sobrang busy namin non sa school kaya stress kami. Since 1st batch kami ng K-12 at experimental palang, lahat nag-a-adjust talaga. Konting oras nalang naitutulog since morning class kami. 2am na raw sya natulog non, hindi niya raw makakalimutan yon kasi tumingin siya sa wall clock sa kwarto niya bago matulog. Tulog siya pero gising yung diwa niya, dinilat niya yung mata niya. Hindi niya ulit maigalaw ang katawan niya pero dahil nga sanay na sya kung paano ang mga gagawin, hindi siya natatakot. Hanggang sa hindi niya alam kung paano pero may nakapatong daw na mabigat sa katawan niya, sobrang bigat daw na parang pinipigilan syang huminga. Nung tingnan niya, naiiyak daw sya kasi kulay pula raw mga mata tapos ang daming bumubulong sa paligid niya. Gusto niya raw sumigaw non at humingi ng tulong kaso imposible raw kasi mag-isa lang syang natutulog. Nag-pray daw sya non ng mga kabisadong prayers pero walang effect hanggang sa nag-"In Jesus name" siya, don palang sya nakagalaw. Pakiramdam niya raw, yun yung pinakamatagal na oras ng buhay niya. Pagtingin niya sa wall clock, 2:15am palang ng madaling araw. Sobrang nagtaka siya kasi grabe, within 15 mins lang lahat yon nangyari. Nag-pray daw sya non ng taimtim, hindi na rin sya natutulog ng nakatihaya kahit na ganon yung pwestong nakasanayan niya.

II.
Ito naman sarili kong experience though di ako aware sa mga ganong nangyayari since Christian kami. Yung bahay namin hanggang 3rd floor, yung hagdanan namin paakyat ng 3rd floor, gawa sa wood kaya rinig din kung may bababa o aakyat. Sa 3rd floor namin, nandon yung kwarto naming magkakapatid. May terrace din doon pero may pintuan since yung sa labas ng kwarto namin, nandon yung mga ginagamit namin katulad ng computer and such. Year 2015 ng nangyari ito, youth camp non ng dalawa kong kapatid. 3 days silang mawawala kaya ako lang mag-isa yung matutulog sa taas, hindi naman ako natatakot kasi sa 2nd floor lang naman natutulog sina mama kaya keribels pa. Nung mga panahon na ito, wala pa kaming internet at maaga pa akong natutulog. Pero nung araw na yon, alas dose na ng hatinggabi ako natulog kasi nagbasa muna ako. Chineck ko muna lahat non kung naka-lock na ba ang pintuan sa labas bago ko ni-lock ang pinto sa kwarto at pinatay yung ilaw. Hindi pa ako totally nakakatulog ng may marinig akong katok, mabagal pero mabigat yung katok. Nung una di ko pinansin kasi imposibleng sina mama yon kasi wala akong narinig na umakyat, mararamdaman naman agad kasi wood yung hagdanan namin. Hanggang sa naulit, kaya nagsalita na ako. Sabi ko "Ma, bakit?" Pero walang sumasagot. Hanggang sa tatlong sunod-sunod na katok na yung narinig ko, muntik ko nang buksan ang pintuan non pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sakin na wag. Inisip ko rin non na baka magnanakaw pero imposible rin kasi grabe yung lock sa pintuan namin sa terrace, di ka talaga agad makakapasok. After non tumahimik na ulit pero paulit-ulit akong may naririnig na naglalakad sa hagdanan namin. Kwento pa naman ng mga pinsan ko na dating nakatira sa bahay namin na may babae raw na may kasamang pusa sa hagdanan na yon, silang magkakapatid daw nakita na 'yon. Nung kinuwento ko kina mama yon kinabukasan, di sila naniwala pero feeling ko para lang di ako matakot kasi sa tabi na nila ako pinatulog hanggang sa makauwi ang mga kapatid ko. Ito namang isa year 2018 nangyari sakin, I was suffering from depression that time tapos nasabayan pa na namatay ang papa ko kaya grabeng impact, gusto ko nalang mamatay ng mga panahon na 'yon. Sobrang lumungkot yung bahay namin pagdating ng 2018, madalas na ako nalang ang naiiwan sa bahay namin kasi ako nalang ang nag-aaral. Nung namatay si papa, kami nalang ng isang ate ko ang umuuwi samin, sa isa pa naming bahay sa Rizal umuuwi sina mama. Walang may alam samin ng pinagdaraanan ko, every night umiiyak ako kasi sobrang dami kong regrets at ang bigat-bigat ng puso ko. Ito rin yung mga panahon na humina yung faith ko, napalayo ako kay Lord. Sa 2nd floor na kami natutulog ng ate ko non, dahil walang nag-aasikaso samin nagpasya si mama na patirahin muna sa bahay yung kapatid niya. Friday night umuwi yung Ate ko sa Rizal kaya kami lang ni Tita yung naiwan sa bahay. Sya sa 3rd floor, ako sa 2nd floor. Alas dos y media na ng madaling araw ng nagpasya akong matulog, sanay akong matulog ng nakadapa. Alam kong gising pa ang diwa ko non kasi nakakapag-isip pa ako e. Hanggang sa naramdaman kong may tumabi sakin, sobrang nanigas ang katawan ko at di ko na maigalaw ang buo kong katawan. Hanggang sa naramdaman kong may huminga sa batok ko, tapos sabi "Anak, nandito lang lagi si papa para sayo" after non naigalaw ko na yung hinlalaki ko sa paa. Natakot ako non kahit si papa pa 'yon hahaha pero naiyak ako. Halu-halo yung emosyon ko non kaya di na ako nakatulog. 20 hours akong gising ng mga panahon na 'yon.

III.
Ito last na kasi masyado nang mahaba. Ito naman nangyari kay Alex at Mary sa cr ng school. Hindi ko nga alam kung nakakatakot ito kasi mas nakakatakot pa ang tuition namin nung mga panahon na ito, joke. Every Friday yung class namin hanggang 1:30pm pero isang subject lang. Wala talagang breaktime pero dahil ka-vibes namin si prof, may 1 hour break kami palagi. Ako yung niyayaya ni Mary non na mag-cr pero di ako sumama kasi inaantok talaga ako. Malapit lang ang cr sa room namin, storage room lang ang pagitan tapos cr na. Nasa 5th floor kami non. Kasabay daw nilang mag-cr yung dalawa pa naming kaklaseng babae tapos may isa pa raw na babae silang nakasabay papasok ng cr. Yung babae raw in-occupy yung unang cubicle. Yung cr kasi namin ay may apat na cubicle tapos dalawang lababo, sa may katabi ng pintuan may malaking salamin (pang whole body). Since out of order yung isang cubicle, pumila yung isa kong kaibigan sa unang cubicle tapos yung isa sa pangalawang cubicle. Nung una okay pa kaso medyo weird na kasi natapos na't lahat mag-cr yung dalawa naming kaklase, di pa rin lumalabas yung babae. Hindi raw talaga umaalis si Alex sa tapat ng 1st cubicle kasi nagtataka talaga sya, nag-aasaran pa nga raw sila ni Mary non. Hanggang sa may mga bagong dating daw sa cr, tinanong si Alex ba't nakapila e wala naman daw tao sa loob. Sinabi niya na meron at kanina niya pang hinihintay pero binuksan nung babae yung pintuan at nagulat sya kasi wala ngang tao. Nagtaka sila ni Mary tapos tinanong yung dalawa naming kaklase kung nakalabas na ba yung babae pero sabi nila hindi pa raw. Sobrang weird kasi apat silang nakakita e.

2nd year college na kami ngayon at sobrang namimiss ko yung mga pagkukwentuhan namin dati. Sa ngayon, minsan nalang kaming nagkakasama-sama dahil sa busy na kami sa kanya-kanya naming mga buhay. Pagkatapos ng mga nangyari, mas tumibay pa yung pananampalataya namin. Maraming salamat sa pagbabasa, pasensya na kung mahaba. More power, spookify. God bless you all.

Lili

Scary Stories 6Where stories live. Discover now