Si Lolang Manghuhula at Ang Nurse na hindi nakikita

68 1 0
                                    


Hi readers! So ise-share ko po itong creepy experiences ko noong nasa probinsya pa ako. Laki kasi ako sa Luzon and last 2013 nung mamatay si mommy ko nalipat na ako sa Mindanao. Ako si Casper (di tunay na pangalan). Itinago ko yung name ko dun sa friendly ghost na si Casper haha. So back to my experiences tayo, noong nasa Luzon ako I have a creepy experiences na hindi mo maipapaliwanag. Next story ko na lang sya ikukuwento, doon na tayo sa experiences ko nung nasa Mindanao na ko, magulo yung lugar namin doon and sobrang daming mga adik and mga tambay sa lugar namin. Tapos sa bahay namin marami din kaming nakatira, bahay yun ng kapatid ng mama ko. Marami kami doon kasi kung sinu-sino lang din ang mga pumapasok doon kasi nga open sa lahat yun. Mga kapitbahay o kahit sino na kakilala ng mga nakatira doon. Kaya hindi talaga matatahimik buhay mo pag nandon ka haha. So eto na nga, nanganak ang asawa ng pinsan ko non tapos ako ang sumama sa ospital, tapos ako din ang naiiwanan na magbantay doon kasi nanghihina pa si Tita Maymay non (asawa ito ng pinsan ko) tapos isa sa weird na nangyari non ay habang pumipila yung pinsan ko para ma-i-register yung anak nya at ma-release na ang birth certificate at ng makalabas na kami sa hospital, may pumasok na matanda sa ward namin non tapos lumapit sya at may mga itinanong lang don sa mga kasama namin sa loob ng ward. Then hindi sya pinagpapapansin ng iba doon. Tapos lumapit sya samin kwento-kwento sya ng buhay nya umupo pa sya sa upuan sa tabi ng mesa namin na may mga pagkain at gamit. Tapos sabi nya na probinsyana raw sya. Medyo na-weird-uhan lang ako kasi ang tagal na nya doon sa pwesto namin na parang bisita namin sya. Tapos ang weird ng tingin nya kasi para syang nambabasa ng isip or ako lang yung OA haha, basta ang weird nya kasi tumingin. Ilang oras na syang nandon samin pero hindi pa rin sya umaalis. Tapos nung paalis na sya dumating yung baby ng pinsan ko, lalaki yun. Tapos tumitig yung matanda, hinimas yung ulo ni baby tapos sabi nung matanda may mangyayari raw na hindi maganda samin. Syempre kami hindi namin pinansin yun kasi nga malay ba namin baka wala sa katinuan yon. Tapos pag-alis nya dumating ang pinsan kong si Otto tapos naikuwento namin sa kanya yung sa matandang babae. At tsaka na lang namin napansin na nawala na yung cellphone sa la mesa. Yung mga katabi naming pasyente sa ward inakala daw nila na kakilala o kamag-anak namin yun kasi sobrang ganda daw makipag-usap. Tapos nag-stay pa samin ng matagal kaya akala nila kamag-anak talaga namin. Ayun, nanakawan na pala kami pero ang hindi ko makalimutan doon ay yung sinabi nya na may hindi raw magandang mangyayari samin. Manghuhula kaya yon? Tarot reader or ano ba? Ewan basta haha ang weird promise. Pero di pa don nagtatapos yon. Dumating na yung araw na uuwi na kami at mag-a-out na sana sa ospital. Pero may nangyari ulit na creepy, may dumating na nurse sa ward namin, nakaempake na kami non ah, ayos na mga gamit namin kasi uuwi na kami. Babae yung nurse medyo weird nga kasi yung pagsasalita nya parang ang creepy tapos magulo ang buhok nya at nakayuko lang. Dalawa na lang kami sa ward non. Yung asawa ng pinsan ko na kapapanganak lang at yung isang matandang inatake pero naging okay naman na at nagpapagaling na lang. Yung iba kasi nakauwi na rin. Kami na lang talaga ang naiwan. Tapos pumasok sya at sinabi na hindi pa raw kami pwedeng umuwi kasi may iche-check pa daw samin at kay baby. Nakabayad na ng bills ang pinsan ko non kaya medyo nagtaka kami. Pagkatapos non hinawakan nya ang ulo ni baby parang hinimas ba tapos non lumabas na sya. E di kami kanya-kanyang upo tapos si Ate Maymay naupo na rin kalong si baby. Maghahapon na non, gusto na nga naming umuwi eh kasi baka abutan kami ng gabi. Eh kaso inaantay namin yung nurse pati si Doc na magche-check kay baby. Hindi na nga mapakali ang pinsan ko non eh. Tapos saktuhan may mga bagong pasyente na mag-o-okupa sa mga katabi naming higaan. Tatlo yung mga dumating na bagong pasyente na mako-confine non. Tapos mga mag-7pm na ng gabi naiinis na ang pinsan ko non kasi 5 oras na yata kaming nandon at naghihintay. Tapos maya-maya dumating yung Doctor na magche-check sa loob para sa mga bagong pasyente. Nagtanong na ang pinsan ko non kasi atat na syang umuwi pagod na din kasi kami non.
Otto : "Doc, kayo na po ba ang magche-check sa anak ko? Kanina pa kasi sana kaming tanghali aalis kaso sabi nung babaeng Nurse hindi pa raw pwede kasi may iche-check pa sa anak ko"
Doc : Ha? Wait lang itatanong ko, hindi ko kasi alam yung tungkol diyan, may discharge paper na ba kayo? Kasi kung meron na dapat umuwi na kayo eh. Hindi kasi ako nakatalaga diyan, may iba akong pasyente (tinukoy nya yung isa sa mga bagong dating na pasyente).
Umalis si Doc non tapos bumalik sabi nya nakalagay naman na daw sa records na na-discharge na kami. Kaya nagtaka na rin ang pinsan ko non. Nagsalita ulit ang pinsan ko non.
Otto : "Pero sabi kasi nung Nurse mag-antay kami kasi iche-check pa raw si baby" kaya pinili ni Kuya Otto na mag-antay pa. E di ang nangyari dumating yung Doctor ni baby yung nakatalaga talaga sa panganganak ni Ate Maymay. Nagulat sya nung makita kami.
Doctora : "Hala, ba't nandito pa kayo? Alam ko naka-discharge na kayo kanina pang tanghali ah?"
Otto : "Eh sabi kasi nung Nurse kanina na hindi pa raw kami pwedeng umalis kasi may iche-check pa raw kay baby."
Doctora : "Sinong Nurse?"
Casper : (dinescribe yung itsura ng nurse kanina) "Magulo ang buhok tapos laging nakayuko tapos katamtaman ang puti."
Doctora : "Wala naman ako namumukhaan na ganyang Nurse dito ah."
Otto : "Meron talaga Doctora, kanina pa nga kami nag-aantay kasi ayaw din naman naming magkaproblema kay baby pag umalis na kami."
Tapos nagtinginan na kaming tatlo. Kasi kami ang nakakita sa Nurse.
Tapos biglang sumingit yung bantay nung matandang inatake sa katabi naming higaan, kurtina lang kasi ang mga divider ng kama ng pasyente doon sa ward.
Kuyang Bantay : "Kuya, (refer nya sa pinsan ko) kanina nagtataka ako kung sino ang kausap nyo. Akala ko naman sa cellphone kayo may kausap kaya binalewala ko lang pero ngayon nagtaka na rin ako ba't hindi pa kayo umaalis eh, kasi sabi mo discharge na ang asawa mo pero nandito pa rin kayo. Wala kayong kausap kanina at wala pa namang pumapasok na Nurse na babae dito, kanina pa ako nagbabantay sa lolo ko pero wala akong nakikitang pumasok na babaeng Nurse, mga pasyente lang ang meron at yung Doctor kanina pati si Doctora, pero Nurse na babae? Wala po talaga. Ako kasi unang makakakita non kasi malapit kami sa pinto, pero sigurado ako Kuya, wala pa talagang Nurse na babae ang pumapasok dito. Hindi din naman ako umaalis sa pwesto ko."
Pagkarinig namin non nagpasalamat at nagpaalam na kami non sa mga Doctor pati dun sa binata na bantay na nakausap namin. Kinilabutan talaga kami don promise. Tapos non tumawag na kami ng tricycle at nagpasya ng umuwi. Sa daan namin pauwi non traffic na kasi alas otso na kami nakalabas non ng ospital. Nung nag-stop yung tricycle namin non. Natapat sa mga nagtitinda ng balot, parang namalikmata ako at nakita ko yung matandang nandekwat ng cellphone non samin. Yung kumausap samin na inakalang kamag-anak namin. Naalala nyo yung nagsabing may mangyayari raw na masama samin? Yon parang nakita ko sya sa madilim na parte nung mga nagbebenta don sa likod nila, alam nyo yung pakiramdam na kinurap-kurap mo pa mata mo para makasigurado pero wala nakangiti pa talaga. Kaya tinapik ko na non si Ate Maymay tapos tinuro ko yung matanda tapos bigla na lang nawala.

Mag-a-update ako ulit kapag na-post na ito, salamat po sa inyo. Sa susunod kong update mga weird na karansan pa namin sa ibang lugar at yung nangyari kay baby matapos lang nung ilang buwan mula nung nasa ospital kami.

- Casper the friendly ghost

Scary Stories 6Where stories live. Discover now