St. Elmo's Fire and Company (Parts 1-3)

61 2 1
                                    


Part 1

Hi sa mga avid readers ng spookify diyan! KillerNurse ulit ito! Thank you po pala sa mga sumusuporta sa mga stories ko at napabilang pa sa 'Spookify Best of May 2020' pati po kay Admin Chai, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Nandito po ako ulit para ikuwento sa inyo yung nangyari sa asawa ng pinsan ko.

Umuwi kami ulit sa Mindanao para doon magpasko kaya pagkatapos na pagkatapos ng christmas party namin sa school ay pumunta na kami agad doon. Ito ay siyam na buwan lamang ang lumipas, matapos mamatay ni Ate Lucy (naikwento ko na po yung nangyari sa kanya roon sa "Sino ang mangkukulam?"). Ngunit may isang trahedya na naman ang nangyari. That year was the toughest year for us but it made our family bond stronger.

Mahaba po ulit ito, kaya kung tamad kang magbasa, mag-next story kana lang.

Si Kuya Efren ay asawa ng pinsan kong si Ate Maila. Kapatid ni mommy yung nanay niyang si Mama Anita. Sampu lahat sila mommy at siya yung bunsong babae sa kanila kaya halos lahat ng pinsan ko ay may asawa na dahil nasa tamang edad na sila.

Si Kuya Efren ay isang security guard sa isang bangko. Graveyard shift siya at madaling araw nang nakakauwi.

Usually, 12am ang out niya pero na-late daw yung papalit sa kanya kaya kinailangan niya munang hintayin yun bago siya makaalis dahil hindi pwedeng iwan yung bangko na walang bantay.

Ala una na ng madaling araw ngunit wala pa rin yung kapalitan niyang security guard na magbabantay. Hinintay niya yon hanggang sa dumating ito. Tawag na raw ng tawag si Ate Maila (asawa niya) sa kanya dahil nag-aalala na ito. Mag-aalas tres na kasi at hindi pa nakakauwi si Kuya Efren.

2:30am, nung dumating yung papalit sa kanyanh magbabantay. Hindi raw kasi siya nakapag-alarm, kaya na-late siya ng gising. Pagpapaliwanag kay Kuya nung dumating na security guard.

Kaso umuulan ng gabing iyon kaya naghintay muna siya ng ilang sandali, para patilain ang ulan. Nung medyo humina na ito ay agad nang pumunta si Kuya Efren sa may parking para kunin ang kanyang motor at kahit umaambon pa rin ay mariin nitong tinahak ang daan para makauwi na kasi ay kanina pa tunog ng tunog ang cellphone niya, dahil sa tawag ng nag-aalala niyang asawa, na si Ate Maila. Sinuot niya na ang helmet at pinaandar na ang motor.

Nasa kalagitnaan palang siya ng biyahe nang makita niya ang oras sa suot niyang relo, alas tres na ng madaling araw, kaya mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Dahil biglang pumasok sa isip niya yung mga kwento-kwento na maraming nadidisgrasya sa daan na yun ng ganong oras kasi sabi nila ay may nangunguha raw doon o di kaya ay hahabulin nung bolang apoy.

Hindi naman daw naniniwala si Kuya Efren doon dahil para sa kanya ay isa lamang iyong haka-haka at panakot ng mga matanda, until siya na yung naka-experience. Nakita niya sa side mirror niya na may liwanag, kaya gumilid siya dahil akala niya ay may malaking sasakyan na nakasunod sa kanya. Ngunit mukhang nasa malayo pa raw yung naririnig niyang tunog ng sasakyang nakasunod sa kanya, pero yung liwanag sa side mirror niya ay parang nasa mismong likuran niya lang ito.

Nagsimula na raw siyang kilabutan at makaramdam ng takot, binilisan niya lalo ang pagmamaneho para makauwi na agad. Naramdaman din niyang parang bumigat at para bang may nakaangkas sa likuran niya, unti-unti rin daw uminit ang paligid, kaya nagtaka raw siya kung bakit mainit, dahil umaambon naman. Lalo pa siyang nabahala nang makita niya ang isang bolang apoy na lumilipad sa tabi niya.

Nanlaki raw ang mata niya nang makita niya yon dahil akala niya ay hindi yon totoo at panakot lamang ng mga matatanda para walang lumabas kapag gabi. Pinihit niya ng pinihit ang manibela para mas bumilis ang takbo ng kanyang motor pero kahit anong bilis niya ay nasusundan pa rin siya nito. Habang tumatagal ay unti-unting lumalaki ang apoy na humahabol sa kanya at nagiging hugis katawan ng tao.

Scary Stories 6Where stories live. Discover now